Wednesday, July 1, 2015
Tuesday, June 2, 2015
Friday, March 14, 2014
John Carlo V. Pineda
BAMP-3A
NO.
28
Tikim-Takam
sa Masantol, Pampanga
Bago
ang lahat, isa sa mga pangunahing katanungan kung ang pag-uusapan ay mga lugar
na may maipagmamalaking pagkain ay kung paano magpunta sa lugar na ito.Madali
lang naman magpunta sa Masantol, Pampanga. Kung ika’y manggagaling mula sa
kapitolyo ng Bulacan, maaari kang makasakay ng jeep na magdadala sa iyo sa
Calumpit, 13 pesos lang ang pamasahe kung estudyante at 15 pesos naman ang
regular fare, at dahil under construction pa rin ang Calumpit bridge,
maglalakad ka sa pansamantalang tulay upang makarating ka ng sakayang papuntang
Apalit. Siyete pesos naman ang ibabayad papuntang Apalit. Sa Apalit, makikita
roon ang SaveMore at sa gilid nito matatagpuan ang terminal ng mga jeep na
magdadala sa’yo sa Masantol, 13 pesos kung estudyante at 15 pesos para sa
regular fare. Kung susumain, kinakailangan mong i-handa ang 72 pesos bilang
budget sa pamasahe papuntang Masantol, back and forth na’yon.
Ngayon,
ibabahagi ko sa inyo ang mga karanasan ko bilang Masantoleno na siyang
magdadala sa inyo sa mga pagkaing tunay kong maipagmamalaki.
Isa
sa mga pangyayari nagpapaalala sa aking bayang kinagisnan ay ang bawat
paggising sa umaga. Hindi dahil sa tipikal na paggising ng nanay ko dahil
tanghali na kundi dahil sa paggising ko ng madaling araw dulot ng kalampag ng
mga banyerang ibinibiyahe at itinitinda sa palengke. Ang paggising sa umaga ang
pinaka matimyas na alaala ng aking pagiging Masantoleno.
Hindi naman kasi talaga tubong Masantol ang
lahi namin, ang naaalala ko, bago mamatay ang lola, tubong Nueva Ecija ang
pamilya namin at dahil sa mahirap daw ang buhay noon doon, nagpasya ang pamilya
namin lumipat dito kung saan hitik sa pagkakakitaan. Sa tabi ng consignacion
ako lumaki, sa malansang umagang gumigising sa aking murang isip, sa tuwing
naaamoy ko na ang iba’t-ibang uri ng malalansang isda at ang paghiyaw ng bawat
tindero’tindera na naglalako ng mga ito.
Ang malansang umagang iyon ang patuloy na
nagbibigay sa akin ng direksiyon sa paghahanap ko ng dahilan kung bakit ako
takam na takam sa sawsawang minsa’y ginagawa kong ulam, ang “Buro”. Ang
kilalang sawsawan na madalas i-partner sa kahit anong uri ng pritong isda.
Madalas kapag gigising ako ng maaga, naririnig ko na ang untugan ng ilang basyo
ng garapon na paggagamitan ni nanay para gumawa nito, kapag naririnig ko na ang
pagkaliskis ni nanay ng isda na siyang gagawing buro, alam na alam ko kung
dalag ito o kung ibang uri ng isda. Mahirap kasi kaliskisan ang dalag at kapag
medyo mabigat ang pagkakakaliskis sa isda at medyo matagal ang paglilinis nito,
dalag kaagad ang naiisip kong isdang gagawing buro. Kaya minsan, kaysa sa
nakahiga lang ako at hinihintay pumutok ang liwanag sa umaga, madalas,
pinagmamasdan ko kung paano ito gawin ni nanay.Una, nililinis ng maayos ang
isdang ibuburo at bubudburan ng asin, kailangang malinis na rin ang garapong gagamitin,
pagkatapos, ihahalo sa loob ng garapon ang kanin at isda, at kapag naihalo na
nang maayos, bago takpan ay lalagyan muna ng luya at bawang bilang pang-alis daw ng lansa sa isda.
Pagkatapos ay hihintayin ang isang linggo upang tuluyang humalo ang laman ng
isda at ng kanin.
Maraming klase ng buro ang nakilala ko sa tabi
ng consignacion, maaring i-buro rin ang hipon, tilapia, at iba pang isda. Sa lahat ng klase ng buro
ang “Binurong Dalag” ang pinakapaborito ko. Iba kasi ang lasa kapag naghalo na ang
maasim-asim na sensasyong dulot ng binurong dalag at kahit na anong uri ng
pritong isda, pero paborito kong itambal ang pritong tilapia lalo na’t malutong
ang pagkakaprito ng isda. Minsan, madalas noong igisa ni nanay ang burong dalag
sa pinagprituhang mantika ng isda. Siyempre, ginigisa muna ang bawang, isa sa
mga pampagana ang amoy na pinalulutang ng bawang bago tuluyang ilagay ang
burong dalag. Ang iba nama’y kung kaya’t nagkakakulay ng kahel ay dahil sa
katas ng kamatis na isinasahog sa gisa. Ang bawat supot ng plastik ng buro ay
nagkakahalaga lamang ng 12 pesos. Sa kahit anung puwesto, mabibili ang buro sa
ganoong halaga.
Kaya
sa tuwing may espesyal na pagdiriwang ang mga kapampangan sa Masantol hindi
nawawala ang pritong isda at ang buro. Depende sa klase ng buro ang bawat
isdang itatambal, upang mapanatili ang natatanging lasa sa bawat paglasap sa
buro.
Dahil
sa lumaki ako sa tabi ng consignacion, madalas sa tuwing walang magawa ang mga
tindero’t tindera na naglalako sa loob ng palengke at ng ilang may puwesto sa
loob, madalas na pinagpipiyestahan sa tuwing matapos ang tanghalian ang mga
hilaw na mangga at siyempre, at hindi makukumpleto ang hilaw na mangga kung
walang bagoong. Bagoong din ang isa sa mga sawsawang bumuhay noon sa aming
pamilya pagkalipat namin sa tabi ng consignacion, dahil wala pa noon kaming
sariling puwesto at medyo mahal ang ticket ng munisipyo, madalas kasama akong
naglalako ng bagoong ng aking nanay. Ang
bagoong dito ay minsan kinikilo pero karaniwang mabibili na naka-plastik na, at
bawat supot nito ay 10 pesos lamang.
Minsan,
tiyenetiyempo namin ni nanay ang mga banyerang naglululan ng maliliit na hipon,
mas nakakamura kasi kami kapag dumaan na sa ibang stall ang banyerang galing sa
consignacion. Hinuhugasan namin ng maayos ni nanay, pagkatapos ay binubudburan
ng maraming asin at ilalagay sa banga, at maghihintay ng isang buwan bago
tuluyang maging bagoong alamang samantala, nakakabuo din kami ng patis gamit
ang naipong katas ng bagoong na ginawa namin, kaya minsan, nagiging dalawang
klase ang sawsawang nailalako namin bukod sa bagoong. Gamit ang food color ay
nagkakakulay ang bagoong. Minsan sa mga mandaraya ay pinagkayuran lamang ng
niyog ang pinagmumukhang mga maliit na hipon tsaka tatadtaran ng asin at food
color kaya minsan nakakalusot sa mga mamimili.
Siyempre,
igigisa sa bawang at iba-ibang pakulo minsan ang ginagawa. Minsan nilalagayan
ng ketchup ang bagoong, ang iba nama’y asukal na itim para daw maglapot at ang
ilan ay kamatis, nag-iiba –iba lamang ang kulay ng bagoong sa kung paano iluto
o igisa ng bumili. Pero kami ni nanay at ng ilang mga tindero’t tindera, ang
hilig naming gawin ay ang lagyan ng ketchup ang pagkakagisa, naghahalo kasi ang
medyo maasim na lasa nito at ang maalat-alat na natural na lasa ng bagoong. Nagiging
mabili ito lalo na’t bago mananghalian, ‘yun ang karaniwang siklo ng buhay
namin noon sa tabi ng consignacion.
Pero
naiwas ang pagkain ko noon ng malalansang pagkain lalo na nang mag highschool
ako at nang matuli bilang parte ng pagbibinata. Sabi kasi ni lola,
mangangamatis daw ito kapag kumain ako ng malalansang pagkain. Bagama’t
nalungkot ako noon, mas masarap pa lang ulit-ulitin ang mga paborito mong
pagkain lalo na’t matagal mo itong di natikman.
Masarap
ang buro, at iba’t-ibang klase ng buro, lalo na kapag sakto ang pagkakagisa.
Mas lalong pinasasarap nito ang simpleng pritong isda kung kaya’t binabalikan
at kinilala lalo na dito sa lugar namin. Masarap ang mangga lalo na’t masarap
ang bagoong. Ang karaniwang gawaing ito ang mga siyang nagpapalaway sa akin na
balikan ang mga bagay na nakagawian ko noon.
Kaya,
anu pang hinihintay mo? Gusto mo rin bang matikman ang ipinagmamalaking
bagoong, patis at buro na gawang Masantoleno? Tara na. Magpunta na. Maki-tikim
at maki-takam na sa Masantol, Pampanga.
MAKISOSO KA'T MAGPANGAN KA KENI, LUTONG CAPAMPANGAN
(Makisawsaw at makikain na, mga lutong kapampangan)
Sunday, September 8, 2013
Side to side Fun at FUNNSIDE ( Kakaibang KasaraFUN)
JOHN CARLO V. PINEDA
BAMP-3A
NO. 28
TRAVELOGUE
(kakaibang KasaraFUN)
Apalit, Pampanga
Instant saya ba ang hanap mo at tsibog to the limit? It is
undeniable that we, Filipinos are really fond of traveling and discovering
what’s new about a certain place , and therefore, this has already become part
of our tradition. Hindi rin nating maikakaila na sa bawat lugar na napupuntahan
natin, hindi tayo nagpapahuli sa mga bagay bagay na talaga namang magpapaalala
sa atin sa pagpunta sa lugar na iyon (souvenirs), partikular na pagdating sa
pagkain.
Madali lang magpunta.Kung taga Bulacan ka, sasakay ka lang
ng jeep papuntang Calumpit. As of now, hindi pa naman nagtataas ng pamsahe
simula last month.15 pesos pa din para sa mga regular commuters.Ibaba ka ng
jeep na ito sa Calumpit bridge na kailangang tawiran dahil kasalukuyang ginagawa ito.Makikita sa pinaku dulo ng tulay
ang terminal papuntang Apalit. 8 pesos naman ang papunta dito.Sa Apalit ay makikita
ang SAVEMORE supermarket, sa gilid nito naka pila ang mga jeep na dadaan sa
FUNNSIDE at ilang mga tricycle drivers.8 pesos muli ang ibabayad sa huling jeep
at 20-25 pesos naman kung sa tricycle.Kung susumain, kinakailangan mo lang mag
laan ng 80 pesos para sa budget ng pamasahe (back and forth). Kung may sariling
sasakyan naman, dumaan sa alternate route, sa may NLEX doon ay makakapunta ka
sa Apalit dahil kasalukuyang ginagawa nga ang Calumpit bridge dahilan upang
hindi makadaan ang mga sasakyan.
Ang FUNNSIDE
ay isang restaurant na nag o-offer din ng mga special occasions o cater
foods.Kilala ito dahil sa mga sikat na pagkain na mayroon ito at ang lahat ng
pagkain ay luto lahat ng mga purong kapampangan.
Ang itsura
nito’y istilong bahay kubo na sinasabing binase sa nakasanayan ng mga
kapampangan na sinasabi nilang mas masarap kumain kung presko ang lugar ng
pagkakainan.Eat All you Can ang trip sa halagang Php 149.Sa halagang ito ay
maaari mo ng pagpilian ang mga masasarap na pagkaing mayroon sila. Katulad ng :
1.SALPICAO;--- Php 100.
2.CHICHARONG
BULAKLAK;--- Php 100.
3.TOKWA’T
BABOY;--- Php 60.
5.FRIED ITIK;---
Php 160.
7.SISIG;---
Php 100.
8.SHRIMP
TEMPURA;---Php 200.
9.IBA’T-IBANG
KLASE NG BARBEQUE;--- Php 20.
10.PUSIT; at
marami pang iba.--- Php 100-180.
Friday, February 8, 2013
Mga Tula (POEMS)
Ako’y sayo at ika’y akin lamang….
Ikaw
na ang may sabi..
Na
ako’y mahal mo,
At
sabi mo Masaya ka sa aking tabi..
Pag-iBig
mo’y di magbabago,
Ngunit
bakit sa tuwing tayo’y magkasama..
Bulungan
at panunuya ay laging mapupuna,
Di
ba nila maintindihan?
Di
ba nila alam tayo’y nag sumpaan..
Ayaw
man ng pamilya ko’t pamilya mo’y di iwawaksi,
Dahil
di ko makakalimutan ang araw na tayo’y nagkita..
Araw
na saba’y nagpatuli,
Sa
hospital na malapit sa ermita…
GIVE BIRTH:GIVE AWAY
May
munti pang bata…….
Siyam
na buwan akong hihintayin,
Si
nanay na tunay kay lambing…
Iinom
ng gatas, kakain ng gulay,
Magpapakonsulta’t
mag-eehersisyo..
Tuwing
gabi’y inaawitan ako,
Paglabas
ko’y lumuluha si Nanay,
Pagsilip
ko’y wala si Tatay..
Tumanggap
ng pera si Nanay,
Sa
piling ni Nanay..
Paggising
ko’y iba na ang boses ni Nanay..
“Rico at Your Service”
Gwapo’t
isang matipuno….
Siya’y
responsible’t madiskarte,
Sa
klase’y laging numero uno..
Siya’y
responsible’t madiskarte,
Sa
pagwapuhan ay laging panalo..
Siya’y
responsible’t madiskarte,
Mga
eba sa kanya’y nagbubuno..
Siya’y
responsible’t madiskarte,
Isang
iskolar at isa daw maginoo..
Siya’y
responsible’t madiskarte,
Ngunit
isang gabi nakita ko si Rico..
Siya’y
responsible’t madiskarte,
Naglalako
ng laman sa mga bakla sa kanto…
Siya’y
tunay na responsible’t madiskarte,
“PSEUDO LOVE”
Masuyong
yayakapin at hahalikan ni Dikhita si Majal..
Masuyong
ipapahid ni Dikhita ang yelo sa pasa ni Majal,
Masuyong
pupunasan ni Dikhita ang luha sa pisngi ni Majal..
Masuyong
aayusin ni Dikhita ang buhok ni Majal,
Masuyong
lilinisin ni Dikhita ang mga sugat ni Majal…
Mabalasik
na pagsasabihan ni Dikhita si Majal,
“Sa
susunod wag muna kong gagalitin Majal..
Peksman
di na uuliting muli ni Dikhita ito Majal,”
Writing, Singing, Fashion Designing, Painting and Photography:)): "PERFECT MATCH" (MAIKLING KWENTO)
Writing, Singing, Fashion Designing, Painting and Photography:)): "PERFECT MATCH" (MAIKLING KWENTO): John Carlo V. Pineda BAMP-IIA “PERFECT MATCH” “He is the man of my dream, he defined everything that a man could be, that a woman ...
"PERFECT MATCH" (MAIKLING KWENTO)
John Carlo V. Pineda
BAMP-IIA
“PERFECT MATCH”
“He
is the man of my dream, he defined everything that a man could be, that a woman
like me would even dare to sell the soul just to have him…but everything
started to mess up when…”
Gulat na tumayo si Aida
nang piringan siya ng nobyong si Leo papunta sa isang setting na pinaghandaan
nito para sa kanilang dinner date bilang selebrasyon sa ikapitong anibersaryo
ng kanilang pag-iibigan. “ Sit first, dahan-dahan.. let me first make you a
guess kung saan kita dinala, babe” masuyong bulong ni Leo sa kaliwang tainga ni
Aida. “ A-am.., we’re on restaurant kung saan nakatapat tayo sa major sliding window
nila kung kaya’t malakas ang hangin ?” kaswal na tugon ni Aida. “ No” sagot
naman ni Leo kasabay ng pag-alis nito ng piring ni Aida. Gulat na pinagmasdan
ni Aida ang kagandahan ng lugar na pinalilibutan ng magaganda at iba’t-ibang
uri ng bulaklak na kung saan matatanaw sa hangganan nito ang mayamang katubigan
na binabagayan naman ng mala royal na
pagkaka ayos ng table setting at ilaw na nakapalibot sa lugar. “ I was in
awe..” maikling tugon ni Aida sabay yakap sa kasintahang si Leo.
Simula pa noong highschool
sila, si Aida ay may matinding pagtingin na kay Leo.Siya ang maituturing niyang
lalaki na karapatdapat niyang mahalin sapagkat sobra pa sa kalidad ng kanyang
listahan ang lalaking ito na sa tantya niya’y walang sinumang babae ang hindi
nito mapapaibig dahil sa katunayan siya mismo na pinagpipitagan at itinuturing
an pinakamaganda at pinkamatalino ay nabihag siya, para sa kanya “he is
attractive in any rugged sort of way” . Dahil pa nga kay Leo ay muntik ng
masira at mabuwag ang matalik na pagkakaibigan niya sa bestfriend nito. Ngunit
alam niya sa sarili niya na wala siyang kasalanan sa pagiging sawi ng
bestfriend nito at dahil pa nga sa nangyaring iyon ay mas lalong naging
mahigpit ang pagkakaibigan nila.
Matapos grumadweyt ni
Aida ay naging matagumpay ang kayang career.Isa na siya ngayong sikat na Fashion Designer at isa sa mga
highest paid designer sa bansa.Samantalang si Leo ay naging sikat na abogado,
isang abogadong nagbibigay ng libreng tanggol sa harap ng kustodiya para sa mga
mahihirap na lubos hinangaan ni Aida.
Halos pitong taon ng
magkarelasyon simula nang sagutin siya ni Aida noong first year college pa sila
sa parehong kolehiyo at magtatatlong taon nang maglive-in partner si Aida at
Leo. Handa sila sa kahit anumang mangyari kung mabuntis man ito dahil iyon ang
pinaka aasam ng dalawa.Ang magbuntis si Aida.
Masuyong nag
mimi-makelove si Aida at si Leo matapos umalis sa dinner date . “ Mahal na
mahal kita Leo… malumanay na bulong ni Aida. “ Hindi kailanman makukumpleto ang
buhay ko kung hindi kita nakilala at ikaw lang ang tanging babae na nais kung
makasama hanggang sa aking pagtanda…” masuyong tugon ni Leo. Kakapit sa leeg ni
Leo si Aida at muling sisiilan ng halik ang asawa.Hahawak sa balakang ni Aida
si Leo.Muling maglalakbay ang malilikot na kamay ni Leo at maglalandas sa
dalawang bundok na pinuputungan ng mapulang tuktok.Mapapakislot si Aida sa
damdaming babalot sa kanyang katawan.Bababa sa posisyon si Leo at hahalikan ang
pulang putong na nagsisilbing korona ng mga bundok.Mapapasinghap si Aida at
halos maulol.Aida grinned when she felt the erecting manhood just in the middle
of her thighs.Pumaibabaw si Leo kay Aida at pinagmasdan ng may pilyong timan si
Aida at sinimulan na niya ang pagmamaneho nito hanggang sa ungol at singhap ni
Aida ang maririnig na lamang sa loob ng kwarto habang sinasabayan ng mahihinang
tunog ng buga ng hininga ni Leo. Matitigilan ang dalawa nang marinig nila ang
malakas na paglangitngit na simbolo na may bumukas na pinto.Magtitinginan ang
dalawa, itutuloy na sana ang naudlot na gawain ng sundan naman ng isang malakas
na tunog na dulot ng mga nabasag na plato.Na alarma ang dalawa.Nag aalangan
mang tumigil sa ginagawa ay minarapat nilang tumayo upang alamin ang nag dulot
ng tunog na iyon. Mabilis na nagbihis si Leo ngunit di na pinatayo pa si Aida
at pinahintay na niya lamang ito.Kinakabahang kinuha ni Leo ang baril mula sa
aparador nito. Dahan dahang lumabas ng kwarto. Ang tanging ilaw na nagbibigay
ng kaunting liwanag sa dinadaanan ni Leo ay ang mapanglaw na kulay ng isang
lampshade. Mapapa atras si Leo ng maaninag ang anino ng isang tao an dumaan
mula sa paaanan ng kusina. Mabilis itong sinundan ni Leo. Nag masid sandali si
Leo upang malaman kung may kasama ang taong nanloloob sa kanila. Napagtanto
nito na wala namang kasamahan ang magnanakaw at mabilis nitong sinundan sa
kusina. Inabangan ni Leo ang magnanakaw sa may pintuan ng sala upang mahuli ito
bago makaripas sa main door. Buong lakas na sinuntok ni Leo ang magnanakaw at
tumilapon ito sa may gawing sofa at bumulagta ang mga kagamitang isinilid nito
sa sako at mabilis nitong tinutukan ng baril “ Huwag kang papalag.. may baril
ako” sambit ni Leo ng may nanginginig na boses.Maririnig ang malalakas na
buntung hininga ng magnanakaw mula sa pagkasindak dulot ng pagkahuli nito kay
Leo lalo na nang itutok ni Leo ang baril nito sa kanya.Binalot ng kaba si Aida
nang marinig ang tunog na mga bumulagtang gamit lalo na nang marinig ang isang
nakakabinging tunog na simbolo ng nakalabit na baril. Hindi napigilang di
magbihis ni Aida at mabilis na nagtungo mula sa pinagmulan ng tunog.
Masasaksihang nag aagawan ng baril ang asawa nito at ang magnanakaw.
Nanginginig na kinuha ni Aida ang bat at buong lakas na binayo sa likod ng
magnanakaw na siyang nagdulot upang mawalan ng malay ito. Gulat na
nagkatinginan ang dalawa. “Leo….”— sambit ni Aida ng bumulagta ang
magnanakaw.Napayakap si Aida sa kasintahan at mangiyak ngiyak na sinulyapan ang
magnanakaw. “Don’t worry..it’s ok..don’t cry, don’t cry babe….”—ang tanging
naitugon ni Leo upang pakalmahin ang kasintahan.
Kinabukasan, agad na
nagtungo ang magkasintahan sa pulisya upang magsalaysay ng kaunti tungkol sa
nangyaring panloloob sa kanila kagabi. Pagpasok sa pasilyo ng prisinto ay mapapatingin
sa suspek na nakayuko at matitigilan si Leo. Luluwag ang pagkakahawak nito kay
Aida.Susulyap ito sa kanaya na animoy nanghihingi ng permiso.Lalapit si Leo sa
magnanakaw na nanloob sa kanila na naka posas.Hahawak sa balikat nito.
Mapapatingin ang suspek kay Leo.Manlalaki ang mata.Magkakatinginan ang dalawang
lalaki na ang mga mata nila’y nangnungusap na tila matagal ng magkakilala. “Obet?......ikaw
si Obet?— tanong ni Leo. “kuya Leo?....Oo, tama.. ako nga ‘to si Obet.Biglang
sasabat si Aida. “Magkakilala kayo?...paanong..?”—naudlot na pag uusisa ni
Aida.Sasabat ang isang pulis “ Oh.. paano sir? Ikukulong na ba natin
‘to?.Mabilis na sasagot si Leo. “Hinde! Huwag niyo siyang ikulong…babayarin ko
ngayun din ang bail niya”--- tugon ni Leo. “Ngunit bakit…Leo? Bakit mo
hahayaang makalabas ang criminal na iyan at bayaran ang bail niya?”--- takang
tanong ni Aida. “Tsaka na lamang….basta …”--- bulong ni Leo kay Aida sa kasuwal
na tinig. “Sir..we have to go..we still have to face unfinished business”—naisambit ni Leo bago umalis sa
presinto.
Pababa sa kotse sa isang parking space ang
magkasintahan patungo sa isang mall nang sumagi muli sa isipan ni Aida ang “unfinished
business” na naisatinig ni Leo kanina sa presinto. “ What exactly do you intend
to say with that unfinished business you uttered earlier?”—tanong ni Aida.
Titiman si Leo at kakalabitin sa may kaliwang beywang ang kasintahan.
Mapapakislot si Aida at maaalala ang naudlot na pag mi make love ang tinutukoy
ng kasintahan. “Kaw talaga!”—sambit ni Aida. “How about some continuation later?—natatawang
tugon naman ni Leo. Lalong napahagikgik sa tawa si Aida sa tinuran nito.
Pagkatapos nilang
makapamasyal ay agad na dumiretso ang magkasintahan sa kanilang
tinitirhan.Doon, gaya ng inaasahan, ipinagpatuloy nila ang naudlot na pagmi
make love na nahadlang ng isang magnanakaw. Pakiramdam ni Aida ay buong buo ang
pagkababae nito dulot ng sensasyong bumalot sa kanya matapos ng kanilang pag
niniig ni Leo.
Saktong papasok sa
kusina si Aida ng maramdamang kumakalam ang sikmura nito.Madali niyang ininit
ang ulam na nasa frigde. Saktong susubo si Aida ng matigilan ito ng marinig ang
tunog ng isang grass cutter na simbolo na may pumuputol ng damo sa may munting
garden nito kung saan nakatanim ang mga paboritong orchids.Mabilis na tatayo si
Aida dahil sa pagkakaalam niya maski si Leo ay di pinapakialaman ang garden
nito.Tinungo nito ang garden.Magugulantang ito sa makikita at mamamangha sa
ganda ng pagkaka trim ng bawat damo sa bawat kanto ng garden.Maski ang pagkaka
ayos ng mga bulaklak ay ka akit akit din.Lalapitan ni Aida ang nag ayos nito.
“Wow..I was impressed..I like your correlative techniques by arranging my orchids
in an alluring view and I was mesmerized too the way you trimmed the
grass..anyway, ikaw ba yung anak ni Tatang Lorie na sinasabi niya na kapalit
niya na mag aayos sa garden ko?— nakangiting tanong ni Aida.Lilingon ang
lalaking nag sa ayos ng garden niya at magsasalita. “ Hindi po Ma’am, ako po
si…--naudlot na nawika nito. Haharap ang isang lalaking patpatin na sa tantya
niya’y matagal ng hindi nag aahit ng bigote, mababakas sa mukha nito ang
sanlibu’t pagod na nagdulot sa mukha nito ng pangingitim, mga kamay na
nangungulubot at ugatin, mukhang muntik ng mag hugis mangga at ilong na hindi
kayang kapitan ng kahit anumang eye wears…In short the man that totally
portrayed the opposite physicality of
her dream guy.“Ikaaaaaw?...walang hiya ka umalis ka dito…..magnanakaw ka…ba’t
ka nakarating dito?”—gulantang na tanong ni Aida.Pag dadambahin ni Aida si
Obet.Biglang sasabat si Leo. “Stop it..Aida”—Leo. “ But why? He’s a
criminal…magnanakaw siya..” tugon ni Aida. “ No…He’s not…nagawa lang niya iyon
kasi nasa grupo siya ng mga sindikato..at kapag di niya ginawa iyon ay
malilintikan siya..So, it’s reasonable…at tsaka kababata ko siya…in fact…I owe
my life to him because He once saved my life from an accident of being
drowned”— pagalit na sagot ni Leo.Natahimik si Aida sa tinuran ni Leo. Palagay
niya’y napahiya siya. “Siya yung sinasabi kong kababata ko na nawawala at
nagligtas ng buhay ko noong highschool.. siya yung tinuring kong kapatid at kapamilya
ng mga panahong mawala na mga magulang ko..”—dagdag pa nito.
Hindi alam ni Aida kung
ano ang sasabihin ng malaman nito ang relasyon ng kasintahan at ang lalaking
muntik niyang ipakulong.Dumagdag pa sa kanyang inis na nadarama ng pasadahan
siya ni Obet ng mapanuksong tingin na tila tinutuya siya nito mula sa
pagkapahiya.Saglit na natigilan siya at nagsalita din upang makaganti sa
pagkapahiya. “ So, why he’s here, you’re letting this bull-headed freak to stay
here at our house, baka naman limasin niya mga gamit natin.. ?”—mapanuksong
sabat ni Aida. Lumapit si Leo kay Aida at umakbay ito. “Babe, you’re so harsh,
huwag ka namang ganayan sa kanya..he’s good..let him stay here…at simula ngayon
kasa kasma na natin siya sa bahay natin…ok?”— pangungumbinse ni Leo.
Bigla an lamang
tumalikod si Aida at nagtungo sa kusina nang maalalang muli ang naudlot na Gawain
kanina.
Naiwang tumatawa ang
dalawang lalaki. “Don’t worry..magugustuhan ka din niya..at pagpasensyahan muna
din yung mga nabanggit niya..baka naglilihi na”--- nakatawang sabi ni Leo.Naupo
sila sa sofa at doon naisipang mag-inuman.Masyang nagkuwentuhan ang dalawa ng
mga buhay nila simula ng magkahiwalay.Ang tanging naririnig mula sa kanila ay
ang halakhak na halatang sabik na sabik makita ang isa’t isa.Ngunit ang tanging
humuli ng atensyon ni Obet sa kwentuhan nila ng maalala ng kababata ang
pagtulong nito kay Leo noong ginagawa siya nito ng mga poems para sa panliligaw
ay nang malamang si Aida pala ang pinagbibigyan. Sa isip ni Obet ang babaing
masungit na pala ito ang pinagbibigyan ni Leo.
Kinabukasan, bago
pumasok sa trabaho ay makikita ni Aida ang isang tasang kape sa personal table
nito. Bago ito humigop sa mainit na kape
ay napangiti ito sapagkat sa tantya niy ay iyon na ang pinaka masarap na kapeng
natikman sa buong buhay niya.Naisip niya si Leo na siyang madalas na nang iiwan
ng kape sa table nito.Saktong huling higop na lamang ang nalalabi ng mapansing
may paparating patungo sa kanyang table.Magsasalabungan ng tingin si Obet at si
Aida. Magtataray na naman si Aida. “Anong gingawa mo dito?--- tanong ni Aida.
“Kukunin ko lang po sana yung kape ko…naiwan ko po kasi sa table niyo kanina
nang matapos kong linisin ang cubicle niyo…” kasuwal na tugon ni Obet.
Mapapakislot si Aida nang malamang kay Obet pala ang kapeng iyon..maiinis na
sana si Aida ngunit natakpan ng hanga ang pagkakainis nito sa kanya mula sa
galing nitong tumimpla ng kape. Ngunit gayunpaman, pinanatili ni Aida ang pride
nito, “ I’m sorry…kala ko kasi sa akin…naubos ko na e… pero wag kang mag
alala..di na mauulit dahil di naman masarap ang timpla mo..pinatulan ko lang
dahil akala ko tinimpla sa akin ni Leo. Agad itong umalis atnagmadaling pumasok sa trabaho. Habang na sa opisina si
Aida hindi mawala wala sa isip nito ang paghanga mula sa mga katangian
ipinamalas ni Obet, mula sa husay ng pagdidisensyo sa garden nito at ang
masarap na timpla ng kape.Nagsasalimbayan sa isip ni Aida ang inis kay Obet
kasabay ng paghanga nito.Nakatunganga siya habang iniisip nito si Obet na
kinaiinisan niya hindi niya maintindihan kung bakit patuloy na nagsusumiksik sa
isip nito ang pangit na imahe ni Obet sa kanyang imahinasyon.Magugulat ito nang
tawagin siya ng kasamahang designer. “Oh, Aida….napakalalim naman ng iniisip
mo…mukhang napakaimportante niyan ha, siguro si Boyfriend yan no?”—pang uusisa
ng kasamahan. “ Hah…I’m sorry…anung boyfriend, iniisip ko yung kinamumuhian
ko…!”—bulalas na sagot nito. “Kinamumuhian, as in hate mo… uy sinu yan..baka
mainlove ka diyan..the more you hate the more you love”!.Hahagikgik si Aida. “
nagpapatawa ka ba,, you’re trying to warn me from falling in love with
Obet?”—nakatawang sagot ni Aida. “Bakit hindi..lagi mo siyang
iniisip?”—panunukso pa ng kasamahan nito. Patuloy na tatawa si Aida. “If you’ll
just know what exactly he looks like… you would’nt dare to take glance again
upon him…”
Pababa sa kotse nito si
Aida ng mapansing nakaparada na garahe nila ang kotse ni Leo. Nakangiti siyang
pumasok ng bahay ng sa kaalamang maagang nakauwi ang kasintahan.Bubungad sa
kanya ang isang malaking painting kung saan siya mismo ang nakapinta.Manghang
mangha siya dito, dahil kuhang kuha ng bawat detalye ang magandang mukha
nito.Mapapalingon siya sa may tokador.Makikita niya si Leo na nakasuot ng
jacket habang nakaupo at may pinupukpok.Tatakbo si Aida patungo kay Leo sa
galak dulot ng pagkamangha sa likha ng kanyang kasintahan.Ngunit pagsaktong
hawak nito sa balikat ay lilingon ang lalaki.Manlalaki ang mata ng Makita si
Obet.Magugulat siya sapagkat ang inakala
niyang nakaupong lalaki na gumawa ng kanyang imahe sa painting ay ang
kasintahan ngunit si Obet pa la.Suot suot nito ang pinag lumaang jacket ni Leo.
Bababa si Leo. Lalapit kay Aida. “Ano nagustuhan mo ba ang inihanda ni Obet
para sa iyo?”—tanong Leo. Hindi makapagsalita si Aida sa mangha. “Oo…it’s
good..”—nauutal na sagot nito.Dumaan ang maraming araw, naging maayos ang
pakiktungo ni Aida kay Obet.Hindi niya akalaing masarap pa lang kasama ang
lalaking kinaiinisan niya sa pisikal na anyo.Unti – unti niyang naintindihan at
napatunayan ang lahat ng magagandang bagay na binanggit ni Leo tungkol sa
kanya.Ngunit higit pa sa inaakala niya ang naging resulta ng magandang
pakikitungo nito kay Obet.Sa bawat bagay na ipinapakita at ipinapapamalas ni
Obet ay lubhang namamanagha si Aida kung kaya’t mas naging intersado ito sa kanya.
Kalaunan, ginawa ni Aida si Obet bilang driver niya at bilang designer ng
kanyang garden.Unti- unting napapalapit ang loob ni Aida kay Obet na bukod
namang ikinatutuwa ni Leo.
Hanggang isang araw
bigla na lamang magigising si Aida na hinahanap na nito si Obet.Sa pagtulog, sa
trabaho at saan man siya magpunta pati narin ng mamahalagang araw nila ng
magkasintahan.
Nakakunot na lalapitan
ni Leo si Aida. “Why do I get this feeling na hindi ka Masaya ngayon sa date
naten?”.Halatang halata ni Leo ang pagiging cold ng kanyang kasintahan mag
iilang lingo na.Kung kaya’t nagdudulot ito sa kanya ng bahala sapagkat ngayon
lang niya naramdan ang ganitong damdamin na tila ma’y gumagambala sa isipan ni
Aida. “Are you ..ok?”—tanong ulit ni Leo. “ah…yeah, I’m ok..I’m just….”---malumanay
na sagot ni Aida. “You’re just what…tell me…tell me what bothers you!”—medyo
malakas na ang tinig. Mapapapikit si Aida sa patungayaw ni Leo.
Simula ng mapalapit si
Aida kay Obet ay ganito na makisama si Aida kay Leo.Hindi niya maintindihan
kung bakit nagkakaganoon siya.Naiinis siya sa sarili sa nararamdamang
kakaiba.Nagiging cold na siya sa lalaking pinangarap niya.Hanggang isang araw
ay mapapagtanto ni Aida na nainlove na siya kay Obet ang lalaking kinaiinisan
niya, ang lalaking wala sa kalingkingan ng lalaking pinapangarap niya, ang
lalaking masasabihang NO GIRLFRIEND SINCE BIRTH dahil walang magkakagusto
dito…ngunit paanong nangyaring siya…siya na napakataas ng standard ng pagpili
sa lalaki at siya na nabubuwisit sa mga hindi pinagpala ang mukha ay na iinlove
dito sa hindi inaasahang pagkakataon.Ngunit kay Obet, maliwanag ang lahat,
matagal na siyang may pagtingin kay Aida simula pa noong highschool sila ngunit
nasawi lamang ang pag-ibig nito sa kanya at ni minsan hindi siya nagtangkang ipparamdam
ito sapagkat napag alaman niya na ang taong gusto niya ay ang taong
kinahuhumalinagn din ng kanyang itinuring na kuya.At ito ay si Aida.
“Why…Naguguluhan na
talaga ko friend..na iinlove na Ko kay Obet..but how could it happened to fall
in love with someone which exactly opposite of my dream guy?” – nauulol na
sambit ni Aida. “Tama na yan, friend.. lasing ka na”—tugon naman ang kaibigan
nito. Makakailang bote pa ng alak si Aida bago inwi kaibigan nito sa kanyang
tinirhan. Bagamat kaya pang tumayo ni Aida ay mababakas sa pagsasalita nito ang
kalasingan.Ihahatid ng kaibigan nito si Aida sa kanilang tirahan. Saktong
bababa si Aida ng mamalayang may nakatayo sa pintuan nila.Pinagmasdan niya ng
maigi ito.Hinihintay siya ni Leo.Pagkapasok sa gate ay agad na sasalabungan
nito.Yayakap ng mahigpit si Aida.Maririnig ang mahihinang hikbi
nito.Mapapayakap ng mahigpit ang lalaki. “I’m sorry , I’m sorry for making you
upset this few days”—nauutal na bulong ni Aida sa kaliwang tainga nito.
“Ano…?”—sagot ng lalaki.Muling bubulong si Aida. Magiging mapusok ang
pananalita nito. “I want you to make love with me”—dugtong ni Aida.Biglang
kakalas ang pagkakayakap nito.Magugulat ang lalaki ng biglang siilan siya ni
Aida ng isang mainit na halik na nag anyaya sa kanya upang dalhin siya sa
kwarto.Dinala siya nito sa kwarto.Agad na maghuhubad si Aida at maagang
ipapamalas ang mala-diyosang kagandahan na nagtatago mula sa kanyang mga
saplot.Pagsasaluhan muli nila ang isang mapanuksong halik, napakainit at
halatang naghahangad ng mas masidhing tugon mula sa kahalikan nito. Maglalakbay
ang mga malilikot nilang mga kamay. Wala silang pinapalagpas na parte ng
kanilang katawan.Hangang sa pumaibabaw na ang lalaki, mapapakislot si Aida, may
kung anong sigalot ang nagsisismulang maghari sa pagkababae ni Aida. “ I want
you to make me fall in love again with you….”—sambit ni Aida.Nagsimulang
maglandas ang halik ng lalaki, pababa sa dibdib hanggang sa tiyan at
puson…Mapapakapit si Aida sa braso nito ng magsimulang bumilis ang galaw ng
lalaki.Mapapasabunot.Mapapakalmot sa kama at mapapahawak sa bakal ng
kama.Hanggang sa mabalot ng ungol at mabibilis na buga ng hininga lamang ang
naghari sa kwarto..
Nakangiting gigising si
Aida dulot ng kakaibang sensasyong naramdaman matatapos ang pag niniig nila
kagabi.Nakagising na ang diwa ni Aida ngunit nakapikit pa rin ito dahil patuloy
na ninanamnam ang masasarap na sandaling nagdaan kagabi.Haharap siya sa kay
leo.Bagamat randam niya ang pananakit ng ulo dulot ng kalasingan kagabi ay
pinilit pa rin niyang gumalaw.Yayakap siya sa kasintahan.Magugulantang ng
makapa ang patpating braso ng katabi.Manlalaki ang mata ng humarap ito
pagkatapos humawak dito.Manlalaki ang mata ni Aida.Magugulat na si Obet pala ang nakaniig, si Obet pa la
ang nagdulot sa kanya ng kakaibang kalualhatian iyon na ngayon lang niya
naramdaman kumpara sa sensayong
naramdaman sa pag niniig nila ni Leo.Hindi niya ito, ipinagtulakan bagkus
yinakap pa niya ito ng buong lakas.Wala na siyang pakialam kung anuman
siya..kung anuman ang hitsura niya..ang natatanging pag alala na nagdudulot sa
kanya ng kaba ay ang kanyang kasintahan…Natatakot siyang mag tapat dito.Buong
buo na sa isipan niyang mahal na niya talaga si Obet. Di niya inakalang ang
taong kabaligtaran ng kanyang pinangarap ay mapapaibig siya.
“Obet, nagsabi ba si
Aida na hindi siya uuw….” Gulat na naudlot ang kanyang pangungusap matapos
niyang bukasn ang kwarto ni Obet. Magugulat ang dalawa ng Makita sila ni Leo na
hubo’t hubad at magkatabi sa kama. Hindi napigilan ni Leo ang sarili at
pinagsusuntok si Obet. “Wala kang utang na loob..matapos kitang ituring na
parang kapatid at patirahin sa bahay ko…ganito pa ang igaganti mo..mga walang
hiya…mga baboy kayo!”--- galit habang umiiyak na sambit ni Leo.
Papalayasin ni Leo si
Obet matapos nang mangyari.Tatanggapin pa din ni Leo si Aida kung kaya’t
patuloy paring magkasama ang magkasintahan.Napag isip isip ni Aida ang
kasalanang nagawa niya sa kasintahan kung kaya’t bumawi ito sa kanya..ngunit
lingid sa kaalaman ni Leo na patuloy pa ding minamahal ni Aida ang si
Obet.Nagsimula muli ang magksintahan ng isang bagong simula.Lalong naging
Masaya ang kanilang pag sasama ng matuklasang nagdadalantao na si Aida.Naging
makabuluhan ang pakikisama niya sa lalaking dati niyang minahal at pinipilit
ang sarili upang manumbalik ang dati niyang pag tingin dito.Nanganak si Aida at
isang malusog na batang lalaki.Nagpakasal ang magkasintahan.Naging Masaya ang
kanilang pagsasama simula nang dumating ang anak nila ni Leo kung saan binuhos
ni Aida ang lahat ng kanyang oras.Kumpleto na sana ang buhay ni Aida at
maituturing na sanang pinakamasaya ang pamilya niya kung hindi lamang dumating
ang isang problema sa buhay niya.Nagsimulang magunaw muli ang mundo niya ng
lumalaki na ang kanyang anak at ang masakit sa paglaki ng kanyang anak ay
nagiging dahilan siya upang maipapaala ang pagkakamali niya sa kasintahan dahil
nagiging kamukha nito si Obet.Umuukit sa mukha nito ang mukha ni Obet. Dahil
doon nabuwag at nasira ang magandang pagsasama nila ni Leo.Nakipaghiwalay ito
kay Aida at napilitang hanapin ni Aida ang tunay na ama ng kanyang anak.
“Sorry,…I didn’t
know..I’m sorry Leo…Wala na akong mukhang maihaharap sa iyo..nararapat lang na
hiwalayan mo ako.”—naiiyak na sabi ni Aida. “Hindi ko kayang makisama sa babaeng
may anak sa ibang lalaki na patuloy na magpapa alala sa akin ng kanyang
pagkakamali at ng pagtataksil ng taong itinuring kong kapatid”—Pagalit nitong
sagot.Mapapahagulgol si Aida.Aalis sila ng kanyang anak at hahanapin nito ang
lalaking tunay na minamahal at ang tunay na ama ng kanyang anak.Aalis silang
walang patutunguhan. Ang tanging lugar na alam niyang possibleng nandoon si
Obet ay ang lugar kung saan noong isang araw dinala siya nito ng mga panahong
maayos pa ang lahat.Agad nilang tinungo ng kanyang anak ang lugar na iyon.
“Maari po bang
magtanong, ale?”—tanong ni Aida. “ Anu po yon, ate?”—kiming tugon ng ale. “Dito
po ba nakatira si Obet Reynoso?”—kinakabahan sa pagkakatanong nito.Ang mga mata
ni Aida ay tila nangungusap at bakas na bakas ang pag-asa.Sasagot ang ale na
pinagtanungan niya. “Opo…ate..nandito pa po sila..”Biglang sisilay ang isang
maaliwalas na ngiti mula sa mg labi ni Aida ng malamang nandito sa lugar na ito
ang lalaking pinakamamahal.Bagamat pagod na pagod na siya dahil karga karga niya
ang anak niya ay di nito alintana ang hapo lalo na’t nang mahagilap na nito si
Obet na nakatayo sa tapat ng pintuan nila.
Mabibilis na hakbang at
nag uumapaw na saya ang mababakas sa mukha ni Aida.Ngunit matitigilan siya at
mabilis na magbabagsakan ang mga luha sa kanyang mga pisngi nang Makita ang
isang buntis na humawak sa balikat nito.Animo’y pinagsakluban ng langit at lupa
si Aida sa nakita.Hindi niya napigilang mapahagulgol kung kaya’t nagtinginan
lahat ng tao sa kanya.Mabilis siyang aalis at magtutungo sa bus station.Patuloy
na magtitinginan ang mga tao sa bus station kay Aida sapgkat di pa rin niya
mapigilang lumuha mula sa masaklap na nabatid.Bagamat masakit sa kanya ang
pagkasira ng relasyon nila ni Leo ay waring may saya itong hatid kay Aida sapgkat
magiging Malaya na siyang mahalin ang taong tunay niyang mahal kung kaya’t
umalis sila sa piling ni Leo na punong puno ng pag-asa, ngunit ang pag asang
iyon ay natakpan muli ng katotohanang nasaksihan niya kanina lamang.
Saktong paakyat na sa
maliit na hagdanan ng bus si Aida at ang kanyang anak ng may humawak sa kanya
sa likod na nagdulot sa kanya upang mapalingon.Nagulat siya ng Makita niya ang
taong humawak sa kanyang likod, napaluha muli si Aida.
“Obet, wala na kami ni
Leo…si Andrew ang anak mo…….”—nauulol na sambit ni Aida.Hahawak sa dalawang
balikat ni Aida si Obet.Nangungusap ang kanyang mga titig. “Paanong..alam mo
kaming nandito?”—Aida. “Sinbi sa akin ni Aleng Alice ang pagtatanong mo tungkol
sa akin at ang batang kamukhang kamuha ko daw…”—masuyong tugon ni Obet. “Oo,
anak mo nga si Andrew..nabuntis ako ng mawala ka at inakala naming anak naming
ni Leo, ngunit ngayong malaki laki na si Andrew halatang halata na ikaw ang
ama”—naiiyak na tugon ni Aida.Lalapad ang ngiti ni Obet.Yayakap sa mag ina
niya. “Ngunit alam ko na ang lahat, may asawa ka na at iyon yung babaeng buntis
na nakita kong kasama mo”—malumanay na tugon ni Aida. “Ngunit nagkakamali ka,
wala akong asawa, ang buntis na nakita mo kanina ay pamangkin ko sa isang
pinsan, wala silang matirhan kung kaya’t pinatira ko sila sa bahay..at ng
mawalay ako sa’yo.ipinangako kong hindi nako kailanman magmamahal..pero ngayong
nandito ka na at ang anak ko…. Hindi ko na kayo pakakawalan pa… at ako na ang
pinaka masayang lalaki sa buong mundo.Magyayakapan ang dalawa kasama ng
kanilang anak. “itinadhana ka talaga sa akin… ikaw na kinaiinisan ko’t
kinabubwisitan ay mamahalin ko’t pagsisilbihan……- ang tanging nasambit ni Aida
matapos malaman ang katotohanan.
Subscribe to:
Posts (Atom)










