/* Horizontal menu with 2 columns ----------------------------------------------- */ #menucol { width:940px; height:37px; background-image: -moz-linear-gradient(top, #666666, #000000); background-image: -webkit-gradient(linear, left top, left bottom, color-stop(0.00, #666666), color-stop(1.0, #000000)); filter: progid:DXImageTransform.Microsoft.Gradient(gradientType=0,startColorStr=#666666,endColorStr=#000000); border-bottom:1px solid #666666; border-top:1px solid #666666; margin:0 auto;padding:0 auto; overflow:hidden; } #topwrapper { width:940px; height:40px; margin:0 auto; padding:0 auto; } .clearit { clear: both; height: 0; line-height: 0.0; font-size: 0; } #top { width:100%; } #top, #top ul { padding: 0; margin: 0; list-style: none; } #top a { border-right:1px solid #333333; text-align:left; display: block; text-decoration: none; padding:10px 12px 11px; font:bold 14px Arial; text-transform:none; color:#eee; } #top a:hover { background:#000000; color:#F6F6F6; } #top a.submenucol { background-image: url(https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEh4DSXY1i62h-PEJ3Oa0WfR9Ud45AS0xwlGT8s7FPmMX9sih9kWejLvKmPyusUUMEDed2J5rUUtTYPL3tlTYzAtgSahfiC_upYtaRivV0YINrCHhZ9yOFWnM6JTUsd4R-f9hEPyguOSE10/s1600/arrow_white.gif); background-repeat: no-repeat; padding: 10px 24px 11px 12px; background-position: right center; } #top li { float: left; position: relative; } #top li { position: static !important; width: auto; } #top li ul, #top ul li { width:300px; } #top ul li a { text-align:left; padding: 6px 15px; font-size:13px; font-weight:normal; text-transform:none; font-family:Arial, sans-serif; border:none; } #top li ul { z-index:100; position: absolute; display: none; background-color:#F1F1F1; margin-left:-80px; padding:10px 0; border-radius: 0px 0px 6px 6px; box-shadow:0 2px 2px rgba(0,0,0,0.6); filter:alpha(opacity=87); opacity:.87; } #top li ul li { width:150px; float:left; margin:0; padding:0; } #top li:hover ul, #top li.hvr ul { display: block; } #top li:hover ul a, #top li.hvr ul a { color:#333; background-color:transparent; text-decoration:none; } #top ul a:hover { text-decoration:underline!important; color:#444444 !important; }

Friday, March 14, 2014

John Carlo V. Pineda
BAMP-3A
NO. 28

Tikim-Takam sa Masantol, Pampanga


Bago ang lahat, isa sa mga pangunahing katanungan kung ang pag-uusapan ay mga lugar na may maipagmamalaking pagkain ay kung paano magpunta sa lugar na ito.Madali lang naman magpunta sa Masantol, Pampanga. Kung ika’y manggagaling mula sa kapitolyo ng Bulacan, maaari kang makasakay ng jeep na magdadala sa iyo sa Calumpit, 13 pesos lang ang pamasahe kung estudyante at 15 pesos naman ang regular fare, at dahil under construction pa rin ang Calumpit bridge, maglalakad ka sa pansamantalang tulay upang makarating ka ng sakayang papuntang Apalit. Siyete pesos naman ang ibabayad papuntang Apalit. Sa Apalit, makikita roon ang SaveMore at sa gilid nito matatagpuan ang terminal ng mga jeep na magdadala sa’yo sa Masantol, 13 pesos kung estudyante at 15 pesos para sa regular fare. Kung susumain, kinakailangan mong i-handa ang 72 pesos bilang budget sa pamasahe papuntang Masantol, back and forth na’yon.
Mula sa: Malolos Patungo sa: Masantol
Ngayon, ibabahagi ko sa inyo ang mga karanasan ko bilang Masantoleno na siyang magdadala sa inyo sa mga pagkaing tunay kong maipagmamalaki.
Isa sa mga pangyayari nagpapaalala sa aking bayang kinagisnan ay ang bawat paggising sa umaga. Hindi dahil sa tipikal na paggising ng nanay ko dahil tanghali na kundi dahil sa paggising ko ng madaling araw dulot ng kalampag ng mga banyerang ibinibiyahe at itinitinda sa palengke. Ang paggising sa umaga ang pinaka matimyas na alaala ng aking pagiging Masantoleno.
 Hindi naman kasi talaga tubong Masantol ang lahi namin, ang naaalala ko, bago mamatay ang lola, tubong Nueva Ecija ang pamilya namin at dahil sa mahirap daw ang buhay noon doon, nagpasya ang pamilya namin lumipat dito kung saan hitik sa pagkakakitaan. Sa tabi ng consignacion ako lumaki, sa malansang umagang gumigising sa aking murang isip, sa tuwing naaamoy ko na ang iba’t-ibang uri ng malalansang isda at ang paghiyaw ng bawat tindero’tindera na naglalako ng mga ito.
 Ang malansang umagang iyon ang patuloy na nagbibigay sa akin ng direksiyon sa paghahanap ko ng dahilan kung bakit ako takam na takam sa sawsawang minsa’y ginagawa kong ulam, ang “Buro”. Ang kilalang sawsawan na madalas i-partner sa kahit anong uri ng pritong isda. Madalas kapag gigising ako ng maaga, naririnig ko na ang untugan ng ilang basyo ng garapon na paggagamitan ni nanay para gumawa nito, kapag naririnig ko na ang pagkaliskis ni nanay ng isda na siyang gagawing buro, alam na alam ko kung dalag ito o kung ibang uri ng isda. Mahirap kasi kaliskisan ang dalag at kapag medyo mabigat ang pagkakakaliskis sa isda at medyo matagal ang paglilinis nito, dalag kaagad ang naiisip kong isdang gagawing buro. Kaya minsan, kaysa sa nakahiga lang ako at hinihintay pumutok ang liwanag sa umaga, madalas, pinagmamasdan ko kung paano ito gawin ni nanay.Una, nililinis ng maayos ang isdang ibuburo at bubudburan ng asin, kailangang malinis na rin ang garapong gagamitin, pagkatapos, ihahalo sa loob ng garapon ang kanin at isda, at kapag naihalo na nang maayos, bago takpan ay lalagyan muna ng luya at bawang  bilang pang-alis daw ng lansa sa isda. Pagkatapos ay hihintayin ang isang linggo upang tuluyang humalo ang laman ng isda at ng kanin.
 Maraming klase ng buro ang nakilala ko sa tabi ng consignacion, maaring i-buro rin ang hipon, tilapia,  at iba pang isda. Sa lahat ng klase ng buro ang “Binurong Dalag” ang pinakapaborito ko. Iba kasi ang lasa kapag naghalo na ang maasim-asim na sensasyong dulot ng binurong dalag at kahit na anong uri ng pritong isda, pero paborito kong itambal ang pritong tilapia lalo na’t malutong ang pagkakaprito ng isda. Minsan, madalas noong igisa ni nanay ang burong dalag sa pinagprituhang mantika ng isda. Siyempre, ginigisa muna ang bawang, isa sa mga pampagana ang amoy na pinalulutang ng bawang bago tuluyang ilagay ang burong dalag. Ang iba nama’y kung kaya’t nagkakakulay ng kahel ay dahil sa katas ng kamatis na isinasahog sa gisa. Ang bawat supot ng plastik ng buro ay nagkakahalaga lamang ng 12 pesos. Sa kahit anung puwesto, mabibili ang buro sa ganoong halaga.

Kaya sa tuwing may espesyal na pagdiriwang ang mga kapampangan sa Masantol hindi nawawala ang pritong isda at ang buro. Depende sa klase ng buro ang bawat isdang itatambal, upang mapanatili ang natatanging lasa sa bawat paglasap sa buro.
Dahil sa lumaki ako sa tabi ng consignacion, madalas sa tuwing walang magawa ang mga tindero’t tindera na naglalako sa loob ng palengke at ng ilang may puwesto sa loob, madalas na pinagpipiyestahan sa tuwing matapos ang tanghalian ang mga hilaw na mangga at siyempre, at hindi makukumpleto ang hilaw na mangga kung walang bagoong. Bagoong din ang isa sa mga sawsawang bumuhay noon sa aming pamilya pagkalipat namin sa tabi ng consignacion, dahil wala pa noon kaming sariling puwesto at medyo mahal ang ticket ng munisipyo, madalas kasama akong naglalako ng bagoong ng aking nanay.  Ang bagoong dito ay minsan kinikilo pero karaniwang mabibili na naka-plastik na, at bawat supot nito ay 10 pesos lamang.

Minsan, tiyenetiyempo namin ni nanay ang mga banyerang naglululan ng maliliit na hipon, mas nakakamura kasi kami kapag dumaan na sa ibang stall ang banyerang galing sa consignacion. Hinuhugasan namin ng maayos ni nanay, pagkatapos ay binubudburan ng maraming asin at ilalagay sa banga, at maghihintay ng isang buwan bago tuluyang maging bagoong alamang samantala, nakakabuo din kami ng patis gamit ang naipong katas ng bagoong na ginawa namin, kaya minsan, nagiging dalawang klase ang sawsawang nailalako namin bukod sa bagoong. Gamit ang food color ay nagkakakulay ang bagoong. Minsan sa mga mandaraya ay pinagkayuran lamang ng niyog ang pinagmumukhang mga maliit na hipon tsaka tatadtaran ng asin at food color kaya minsan nakakalusot sa mga mamimili.
Siyempre, igigisa sa bawang at iba-ibang pakulo minsan ang ginagawa. Minsan nilalagayan ng ketchup ang bagoong, ang iba nama’y asukal na itim para daw maglapot at ang ilan ay kamatis, nag-iiba –iba lamang ang kulay ng bagoong sa kung paano iluto o igisa ng bumili. Pero kami ni nanay at ng ilang mga tindero’t tindera, ang hilig naming gawin ay ang lagyan ng ketchup ang pagkakagisa, naghahalo kasi ang medyo maasim na lasa nito at ang maalat-alat na natural na lasa ng bagoong. Nagiging mabili ito lalo na’t bago mananghalian, ‘yun ang karaniwang siklo ng buhay namin noon sa tabi ng consignacion.

Pero naiwas ang pagkain ko noon ng malalansang pagkain lalo na nang mag highschool ako at nang matuli bilang parte ng pagbibinata. Sabi kasi ni lola, mangangamatis daw ito kapag kumain ako ng malalansang pagkain. Bagama’t nalungkot ako noon, mas masarap pa lang ulit-ulitin ang mga paborito mong pagkain lalo na’t matagal mo itong di natikman.
Masarap ang buro, at iba’t-ibang klase ng buro, lalo na kapag sakto ang pagkakagisa. Mas lalong pinasasarap nito ang simpleng pritong isda kung kaya’t binabalikan at kinilala lalo na dito sa lugar namin. Masarap ang mangga lalo na’t masarap ang bagoong. Ang karaniwang gawaing ito ang mga siyang nagpapalaway sa akin na balikan ang mga bagay na nakagawian ko noon.

Kaya, anu pang hinihintay mo? Gusto mo rin bang matikman ang ipinagmamalaking bagoong, patis at buro na gawang Masantoleno? Tara na. Magpunta na. Maki-tikim at maki-takam na sa Masantol, Pampanga.

MAKISOSO KA'T MAGPANGAN KA KENI, LUTONG CAPAMPANGAN 
(Makisawsaw at makikain na, mga lutong kapampangan)

No comments:

Post a Comment