/* Horizontal menu with 2 columns ----------------------------------------------- */ #menucol { width:940px; height:37px; background-image: -moz-linear-gradient(top, #666666, #000000); background-image: -webkit-gradient(linear, left top, left bottom, color-stop(0.00, #666666), color-stop(1.0, #000000)); filter: progid:DXImageTransform.Microsoft.Gradient(gradientType=0,startColorStr=#666666,endColorStr=#000000); border-bottom:1px solid #666666; border-top:1px solid #666666; margin:0 auto;padding:0 auto; overflow:hidden; } #topwrapper { width:940px; height:40px; margin:0 auto; padding:0 auto; } .clearit { clear: both; height: 0; line-height: 0.0; font-size: 0; } #top { width:100%; } #top, #top ul { padding: 0; margin: 0; list-style: none; } #top a { border-right:1px solid #333333; text-align:left; display: block; text-decoration: none; padding:10px 12px 11px; font:bold 14px Arial; text-transform:none; color:#eee; } #top a:hover { background:#000000; color:#F6F6F6; } #top a.submenucol { background-image: url(https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEh4DSXY1i62h-PEJ3Oa0WfR9Ud45AS0xwlGT8s7FPmMX9sih9kWejLvKmPyusUUMEDed2J5rUUtTYPL3tlTYzAtgSahfiC_upYtaRivV0YINrCHhZ9yOFWnM6JTUsd4R-f9hEPyguOSE10/s1600/arrow_white.gif); background-repeat: no-repeat; padding: 10px 24px 11px 12px; background-position: right center; } #top li { float: left; position: relative; } #top li { position: static !important; width: auto; } #top li ul, #top ul li { width:300px; } #top ul li a { text-align:left; padding: 6px 15px; font-size:13px; font-weight:normal; text-transform:none; font-family:Arial, sans-serif; border:none; } #top li ul { z-index:100; position: absolute; display: none; background-color:#F1F1F1; margin-left:-80px; padding:10px 0; border-radius: 0px 0px 6px 6px; box-shadow:0 2px 2px rgba(0,0,0,0.6); filter:alpha(opacity=87); opacity:.87; } #top li ul li { width:150px; float:left; margin:0; padding:0; } #top li:hover ul, #top li.hvr ul { display: block; } #top li:hover ul a, #top li.hvr ul a { color:#333; background-color:transparent; text-decoration:none; } #top ul a:hover { text-decoration:underline!important; color:#444444 !important; }

Sunday, September 8, 2013

Side to side Fun at FUNNSIDE ( Kakaibang KasaraFUN)

JOHN CARLO V. PINEDA
BAMP-3A
NO. 28
TRAVELOGUE









Side to side fun at FUNNSIDE
(kakaibang KasaraFUN)
Apalit, Pampanga

Instant saya ba ang hanap mo at tsibog to the limit? It is undeniable that we, Filipinos are really fond of traveling and discovering what’s new about a certain place , and therefore, this has already become part of our tradition. Hindi rin nating maikakaila na sa bawat lugar na napupuntahan natin, hindi tayo nagpapahuli sa mga bagay bagay na talaga namang magpapaalala sa atin sa pagpunta sa lugar na iyon (souvenirs), partikular na pagdating sa pagkain.

Sa bawat okasyong ipinagdiriwang natin, minsan nahihirapan tayong mag-isip kung anong mga pagkain ang ihahanda.Kaya naman minsan ang nangyayari, sa mga naksanayang restaurants na lang ang bagsak ng mga bisita bilang solusyon sa predicament na iyon.Pero sa mga panahon ngayon, iba-iba na ang trip ng mga tao, kung saan kumportable, kung saan kakaiba dun sila.Kaya naman kung nag-iisip ka ng mga bagong gimik para sa kahit anumang dahilan ng tsibugan, narito ang isang lugar na talaga namang magpapabago sa nakasanayang lasa ng iyong taste buds.Halika, i-explore natin ang FUNNSIDE.


Madali lang magpunta.Kung taga Bulacan ka, sasakay ka lang ng jeep papuntang Calumpit. As of now, hindi pa naman nagtataas ng pamsahe simula last month.15 pesos pa din para sa mga regular commuters.Ibaba ka ng jeep na ito sa Calumpit bridge na kailangang tawiran dahil kasalukuyang  ginagawa ito.Makikita sa pinaku dulo ng tulay ang terminal papuntang Apalit. 8 pesos naman ang papunta dito.Sa Apalit ay makikita ang SAVEMORE supermarket, sa gilid nito naka pila ang mga jeep na dadaan sa FUNNSIDE at ilang mga tricycle drivers.8 pesos muli ang ibabayad sa huling jeep at 20-25 pesos naman kung sa tricycle.Kung susumain, kinakailangan mo lang mag laan ng 80 pesos para sa budget ng pamasahe (back and forth). Kung may sariling sasakyan naman, dumaan sa alternate route, sa may NLEX doon ay makakapunta ka sa Apalit dahil kasalukuyang ginagawa nga ang Calumpit bridge dahilan upang hindi makadaan ang mga sasakyan.
Ang FUNNSIDE ay isang restaurant na nag o-offer din ng mga special occasions o cater foods.Kilala ito dahil sa mga sikat na pagkain na mayroon ito at ang lahat ng pagkain ay luto lahat ng mga purong kapampangan.

Ang itsura nito’y istilong bahay kubo na sinasabing binase sa nakasanayan ng mga kapampangan na sinasabi nilang mas masarap kumain kung presko ang lugar ng pagkakainan.Eat All you Can ang trip sa halagang Php 149.Sa halagang ito ay maaari mo ng pagpilian ang mga masasarap na pagkaing mayroon sila. Katulad ng :
Kung o-order naman ng isang klase ng pagkain may kanya kanyang bayad ang bawat order narito ang amg mga pagkain at expected amount.
1.SALPICAO;--- Php 100.


2.CHICHARONG BULAKLAK;--- Php 100.


3.TOKWA’T BABOY;--- Php 60.


4.LIEMPO DE KAPAMPANGAN;--- Php 50-70 each.


5.FRIED ITIK;--- Php 160.


6.INIHAW NA TILAPIA WITH BURO;


7.SISIG;--- Php 100.

8.SHRIMP TEMPURA;---Php 200.


9.IBA’T-IBANG KLASE NG BARBEQUE;--- Php 20.


10.PUSIT; at marami pang iba.--- Php 100-180.





Mayroon din dito ng iba’t-ibang klase ng panghimagas tulad ng:

1.SAPIN SAPIN;--- Php 110.


2.MAJA BLANCA;--- Php 110.

3.UBE CAKE;--- Php 90.


4;SALAD;--- Php 75.

5.LECHE PLAN;--- Php 70.


6.HALAYA UBE;---  Php 110.



7.BUKO PANDAN;--- Php 15.  at marami pang iba.

Salpicao ay ang isa sa mga pinaka mabili na pagkain sa restaurant na ito.Binubuo ito ng pinaghalong seafoods (shrimp and squid), gulay, squid balls at hotdog strips.Maraming nagsabi na perfect partner daw ang Salpicao ang ice cold beer.Isa din sa mga ipinagmamayabang nila ay ang kanilang barbeques at grilled recipes. Ang barbeque nila ay well-marinated at ang drippings nito ay ginagawang sawsawan at kadalasa’y ginagawang sauce.Malalasahan mo ang saktong pagkakaluto nito.Hindi tender at hindi tough, sakto lang.



Isa din sa mga bestseller food partners nila ay ang Tokwa’t Baboy with Chicharong bulaklak.Pinaghalong lutong at lambot dahil sa pinagsamang magkaibang texture.Ang Inihaw na tilapia with buro naman ay karaniwang ino-order ng mga taong galing sa mga probinsya, sinisimbolo kasi nito ang mga nakasanayang pagkain dati noon (native food).Ngunit hinay hinay lang sa pagkain ng mga ito.Laging tandaan na ang lagging sobra ay lagging bawal Ibinibida din nila ang Liempo de kapampangan na mismong binigyan nila ng kakaibang plating at binigyan ng ibang bihis na sinasabing ini-steam nila kasama ang lemon grass upang malaman na sa restaurant lamang ito matitikman ang ganitong klase ng Liempo.

Siyempre, hindi pwedeng makalimutan ang ipinagmamalaking Sisig na kung saan mas nakilala ang mga kapampangan na magaling magluto nito.Ang sisig ay Kapampangan term na ang ibig sabihin ay “to snack on somethong sour”.Ang sisig ay tumutukoy din sa mas kilalang term sa Filipino dish na gawa sa tinadtad na atay at ulo ng baboy na ibanabad sa calamansi at chili peppers. Si Aling Lucing ng Angeles, Pampanga ang tinaguriang Sisig Queen.




Ang FUNNSIDE ay wifi zone area rin kung saan binibigyan ng karapatan ang lahat ng customer kumonekta sa wireless network. Dito’y maaaring i-post sa mga paborito mong social networking site( Facebook, Instagram at Twitter) ang mga masasarap na pagkain at sweet memories niyong magbabarkada.Tiyak na magiging sulit ang dala niyong pera at magiging maalam pa kayo tungkol sa mga kapampangan.
Iyan ang ilan lamang sa mga masasarap na pagkain na mayroon ang FUNNSIDE. O ano pa ang hinihintay mo?Tara.Magbiyahe na.Mangan tamu ( kumain tayo!).

Tikman ang mga natatanging recipe na swak na swak sa budget mo na dito lang matatagpuan.
CONGRATULATIONS! Ngayon pa lang binabati na kita, dahil isa ka sa mga mapapalad na netizen na nakabasa ng artikulong ito. Sigurong magkukumahog magpunta ang tropang higpit budget , ligang hanap sulit, at samahang hilig tsibog .

QENI MALAUS QA FUNNSIDE, APALIT PAMPANGA! TANGGAPAN DAQANG MIPNUNG LUGUD! (TARA, TULOY KAYO SA FUNNSIDE APALIT, PAMPANGA! TATANGGAPING NAMIN KAYO NG BUONG PUSO!)




No comments:

Post a Comment