/* Horizontal menu with 2 columns ----------------------------------------------- */ #menucol { width:940px; height:37px; background-image: -moz-linear-gradient(top, #666666, #000000); background-image: -webkit-gradient(linear, left top, left bottom, color-stop(0.00, #666666), color-stop(1.0, #000000)); filter: progid:DXImageTransform.Microsoft.Gradient(gradientType=0,startColorStr=#666666,endColorStr=#000000); border-bottom:1px solid #666666; border-top:1px solid #666666; margin:0 auto;padding:0 auto; overflow:hidden; } #topwrapper { width:940px; height:40px; margin:0 auto; padding:0 auto; } .clearit { clear: both; height: 0; line-height: 0.0; font-size: 0; } #top { width:100%; } #top, #top ul { padding: 0; margin: 0; list-style: none; } #top a { border-right:1px solid #333333; text-align:left; display: block; text-decoration: none; padding:10px 12px 11px; font:bold 14px Arial; text-transform:none; color:#eee; } #top a:hover { background:#000000; color:#F6F6F6; } #top a.submenucol { background-image: url(https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEh4DSXY1i62h-PEJ3Oa0WfR9Ud45AS0xwlGT8s7FPmMX9sih9kWejLvKmPyusUUMEDed2J5rUUtTYPL3tlTYzAtgSahfiC_upYtaRivV0YINrCHhZ9yOFWnM6JTUsd4R-f9hEPyguOSE10/s1600/arrow_white.gif); background-repeat: no-repeat; padding: 10px 24px 11px 12px; background-position: right center; } #top li { float: left; position: relative; } #top li { position: static !important; width: auto; } #top li ul, #top ul li { width:300px; } #top ul li a { text-align:left; padding: 6px 15px; font-size:13px; font-weight:normal; text-transform:none; font-family:Arial, sans-serif; border:none; } #top li ul { z-index:100; position: absolute; display: none; background-color:#F1F1F1; margin-left:-80px; padding:10px 0; border-radius: 0px 0px 6px 6px; box-shadow:0 2px 2px rgba(0,0,0,0.6); filter:alpha(opacity=87); opacity:.87; } #top li ul li { width:150px; float:left; margin:0; padding:0; } #top li:hover ul, #top li.hvr ul { display: block; } #top li:hover ul a, #top li.hvr ul a { color:#333; background-color:transparent; text-decoration:none; } #top ul a:hover { text-decoration:underline!important; color:#444444 !important; }

Monday, December 17, 2012

THESIS-- CRITICAL PAPER


Isang HALIMBAWA NG THESIS 

“Anu-Ano ang mga salik na tumutulak sa tao na gumamit ng Impormal na wika sa iba’t-ibang sitwasyon at pamamaraan”
I.INTRODUKSYON
     Sa panahon ngayon, hindi na natin maikakaila ang mabilis na pagbabago ng wika.Katunayan, sa halos lahat ng dako , kapuna-puna ang pamamayani ng mga salitang impormal.Ang mga salitang ito ay mga salitang imbento na karaniwang bukambibig ngayon ng mga kabataan.Mga salitang wala sa pamantayan at masasabing taliwas sa wikang kinagisnan.Sabi nga nila, “ Everything is on the process of Alteration” lahat ng bagay ay may kakayahang magbago.Pero, kusa lang ba itong nagbabago o sadyang may mga salik at mga aspeto na syang bumabago nito?Masasabi ba nating modelo ito ng makabagong Filipino ngayon? Ito ba ay kumakatawan sa ating pagkalahi?Ang mga usaping pangwika ay sadyang mahalaga sapagkat sumasalamin ito sa kaluluwa ng lahi na syang dumidikta kung saan ka nabibilang.
   Ang pag-aaral ng wika ay mahalaga.Kailangan ito dahil di naman napapatid ang mga impluwensya ma pa pormal o impormal man ang mga salik na nakakaapekto sa pagbabago nito (Jejemon,Bekimon,Salitang kalye atbp.) kaakibat ang sitwasyon sa paggamit at pamamaraan.
   Ang salitang kabaklaan at salitang kanto ay siyang pangunahing mga impornal na wika ngayon na patuloy na kumakalat.Sila ang grupo ng mga bakla at istambay na siyang walang takot na naglalabas ng mga bagong imbentong salita. Ngunit sa pagkakataong ito, paano ba nila naimbento ang mga ito at bakit nila binabago?
Ang mga kadahilanan kung bakit nila bibinibigyan ng bagong mukha ang wika ay  base sa kanilang sariling istandard ng ideolohiya.Una, nais ng mga bading na magkaroon ng kakaibang impresyon mula sa lipunang kinabibilangan kaugnay ng kanilang hangarin na bumuo ng eksklusibong pagkakakilanlan na siyang tatatak sa kanilang katauhan bilang bagong tao ng henerasyon. Bukod  pa dito, pati laman ng kalye o tambay ay gumagawa narin ng sariling salita na sumasabibig na din ng nakararami.

Madalas at madaling  sabihin na kapag hindi ka nakapag-aral ay nagkakaroon ka ng sariling basehan sa pagkatuto at iyon ang dahilan ng pagbuo nila ng mga imbento na salita na sa kalaunan ay bukambibig na rin ng ibang tao.Dagdag pa dito, may mga ilan namang dahil gumagamit ng impormal ay dahil lamang sa udyok ng panahon o pangangailangan, nakikiuso kung baga.
  Ano ba ang pinagkaiba ng Impormal at pormal na wika? May basehan ba ang mga tao upang malaman ang pagkakaiba nito? Ang pakikipagkomunikasyon ay isa sa mga mahahalagang bagay na kayang gawin ng isang tao dahil sa pamamagitan nito ay napapanatili ang pagkakaintindihan.Karamihan sa mga  tao ngayon ay ginagamit ang wika sa paraan kung saan sila mas komportable gamitin ito.Ito ay isa sa mga dahilan ng impuwensiya ng tao na yumakap sa mga pagbabagong nangyayari sa ating wika.
Anu-ano nga ba ang salik na tumutulak sa tao upang gamitin ang Impormal na salita?Makikita ito sa mga halimbawang sitwasyon.Una, sa Textmessage, mapapansin dito ang paglaganap ng shortcut words.Ito ay ang kulang na buong salita, sa sitwasyong ito makikita ang pagsunod ng tao sa kung saan mas komportable sa paghatid ng mensahe dahil napaiikli at napapadali nito ang pakikipag ugnayan.Pangalawa, sa mga sitwasyong pormal, gaya ng interview , makikita at mapupuna dito ang mga salitang gagamitin ng interviewee, kakikitaan ito ng paggalang, pag iingat at pagiging pormal sa salita na nasa pamantayan.Sa  mga sitwasyon ito mababakas na ang paggamit ng salita ay naaayon at naka depende sa sitwasyon at pangangailangan.
Ang pormal na salita ay ang mga salitang pamantayan dahil ito ay kinikilala, tinatanggap at ginagamit ng karamihang nakapag aral sa wika.Ito rin ay gumagamit ng bokabularyo na mas kumplikado kaysa sa ginagamit sa araw-araw na usapan.Ito rin ay kalimitang ginagamit sa mga paaralan at sa iba pang may pangkapaligirang intelekwal .Ang Impormal na salita ay ang mga salitang karaniwan at palasak sa mga pang araw-araw na pakikipagusap, pakikipagsulatan sa mga kakilala o kaibigan.




II.RESULTA
SALITANG bakla/BILANG NG MGA RESPONDENTS NA MAY ALAM SA SALITA
SALITANG kanto/BILANG NG MGA RESPOMDENTS AN MAY ALAM SA SALITA
Werlabu/48
Dyowa/50
Itey/50
Bangag/50
Akik/35
Epal/48
Tayis/25
Erpat/50
Mudra/50
Jologs/50
Pudra/50
Sabog/50
Wit/50
Tsibog/50
Plangak/49
Sibat/50
Wa/43
Pok-pok/50
Aura/34
Chicha/34
Gora/50
Goli/50
Keme/45
‘tol/50
Kebs/50
‘dre/50
Sa partikular na pag-aaral naming ito, nagsagawa kami ng survey at interview.50 respondents ang mga kinatawan na pinaghugutan ng mg sagot para sa research article na ito.Sa ibaba ay makikita ang dayagram para sa mga nakalap na datos.
Samakatuwid, halos lahat ng mga respondents ay napatunayang gumagamit ng impormal na salita.
32 out of 50 ang mga sumagot na mas madalas nilang marinig ang mga salitang kanto.18 out of 50 naman para sa salitang bakla.Ibig sabihin mas kalat o mas alam sa mga panahong ito ang salita ng mga tambay sa kalye kaysa sa salita ng mga bakla.

Resulta kung ilan ang mga pabor sa dalawang impormal na salita.Makikita sa dayagram na mas maraming mas pabor sa salitang kanto.
Gamit ang survey at interbyu, napag alaman namin na halos lahat ay bumatay sa impluwensiya ng makabagong panahon tulad ng mga lumalantad na bagong tao ng henerasyon gaya ng mga bakla at tambay.
Marami sa mga napatunayan naming gumagamit ng impormal na salita bilang sangkap sa unang instrumento namin sa survey ay halos alam lahat ang mga salitang karaniwang bukambibig ng mga tunay at aminadong kabilang sa mga hindi nag aaral at sa mga bakla.
Sinasabi nito na kung sinu man ang mas may maraming kaibigan sa dalawang magka ibang impornal na salita (bading at kanto boy) ay ganoon kalaki ang posibilidad na makapag salita ng kanilang imbentong salita na sa kalaunan ay nagiging natural na sa kanilang pandinig.
Lumilitaw sa unang kalahating survey na ang mga taong gumagamit ng impormal na wika ay natutuwa sa imbentong salita sapagkat sa parte daw nila ay lumalabas na “astig”  ka at na ka “in’ ka kapag alam mo ang mga salitang iyon at napatunayan din  na kapag marami ang gumagamit ng mga ganitong salita ay may posibilidad na sumabay sila.
Samakatuwid, isang impluwensiya din sa isang tao ang udyok ng nakararami at panahon kung kayat napipilitan at nagagamit nila ang mga salita na hindi nila namamalayan.
Bilang karagdagan, napatunayan na hindi lamang dahil sa impluwensiyang sikolohikal at sosyolohikal nahihikayat ang mga tao na gumamit ng impormal na salita bagkus na aayon din sa sitwasyon at naka depende dito kung saan  ibabatay ang mga salitang iyong mga babanggitin.
Halimbawa na lamang sa mga diskusyon sa loob ng paaralan.Kailangan mong gumamit ng mga salitang nasa pamantayan dahil nasa paligid ka ng kapaligirang pang intelektwal.Tulad din kapag kausap mo lang ang iyong kaibigan, sinisunod mo kung saan mas komportable at sanay makipag usap sa isang kaibigan.
Sa resulta naman ng pakikipanayam, malakas na sinuportahan nito ang resulta ng survey dahil mas lalong pumaigting na malaki ang impluwensiya kapag marami kang kaibigan sa magkabilang panig dahil mismo kapag marami kang kaibigan o ka barkada sa mga gumagamit ng impormal na salita ay sa kalaunan pati ang partikular na dahilan ng paglikha ng mga ito ay nakukuha ng mga tao, ibig sabihin naiintindihan  mo mismo ng maigi ang kanilang mga kadahilanan at natatangay ka na ng kanilang mga ideolohiya.

III.INTERPRETASYON
Ang mga lenggwahe ng mga bading gayundin ng mga tambay ay mabilis na naging popular at sumabibig ng masa(Ramos: 1988).Ang katotohanang ito ay hindi na nakagugulat dahil mismo ang mga taong lumilikha ng mga imbentong salita ay mabilis din ang pagdami.
Repleksiyon ito ng mabilis na pagsulpot ng mga makabagong ideolohiya na patuloy na nagtutunggali maging sa kasalukuyan kung kayat nagiging dahilan ito ng mga nalilitong kabataan na  mapasama sa mga makabagong tao ng henerasyon.Sa ganitong kalagayan mapupuna ang ibat-ibang impluwensiyang nagmumula sa mga nagdadala ng mga bagong ideolohiya tulad ng mga bakla at mga tambay.
Mula sa mga impluwensiyang nabanggit sa resulta ng survey at interbyu ay malinaw na lumilitaw na may mga aspeto at salik talaga na tumutulak sa tao na gumamit ng impormal na wika na maaring makuha natin sa mga taong madalas nating kasama sa araw araw, mga kapalagayang loob at mga kakilala kaugnay ng udyok ng panahon at sitwasyon.
Sa mabilis na pagdami ng mga taong gumagamit ng impormal na wika ay hindi malayong magpatuloy ang pag ani ng kumpiyansa na lumikha muli ng mga bago ang mga taga likha ng mga imbentong salita sa susunod na bagong henerasyon.
IV.KONKLUSYON
Sa kabuuan, masasabi namin na ang mga Pilipino ay sadyang likas na malikhain at mahilig mag-imbento ng salita.Patunay nito na karamihan sa mga kabataan ngayon ay nagtataglay na ng liberal na pag iisip na siyang pangunahing dahilan ng pagyakap nila sa makabagong gawi partikular na sa pananalita.
Ang mga nasasaksihan natin sa kasalukuyan, lalong lalo na ang pagbabago nila sa wika ay batay sa kanilang kagustuhan.Dito mahihinuha na sinusunod nila ang paraan ng pananalita na kung saan sila mas komportable gamitin ang wika
Ag pagbabagong ito ay lubhang hindi na matatalikuran dahil  kalat na kalat na sa halos lahat ng dako.Samakatwid, sa kalaunan, ay magiging natural o likas na lamang sa ating pandinig ang mga ganito an maaring makatugon sa pangangailangan at modernisasyon lalong lalo na sa mga taong  yumayakap na sa ganitong uri ng pagbabago.
Ang ugaling pinoy na barkadahan, pag-istambay sa mga kalye, at paglalantad ng mga bading ay siyang pangunahing dahilan ng malawakang impluwensiyahan.Sa mga sitwasyong ito makikita kung paano nababago ang ideolohiya ng isang tao, mga instansyang pakikibagay at pakikipagpalagayan.
Sa kalagayan ng wikang Filipino ngayon, patungo an ito sa ganap na pagbabago.Ang kailangan lamang ay patuloy na maging bukas ang isipan sa mga ganitong usapin na dulot ng makabagong anyo ng kultura , pamamayagpag ng mga bagong ideolohiya at modernisasyon.
Ang mga nangyayari sa ating wika ay patunay lamang ng mabilis na pagbago ng panahon kasabay ng mga nagbabagong ideolohiya ng mga tao na siyang tumutulak upang basagin at hamakin ang makabagong pamamaraan lalo na sa wika na siyang pangunahing aspeto natin upang magkaroon ng istandard sa pagkakaintindihan.

No comments:

Post a Comment