Saturday, December 15, 2012
an example of critical analysis on DULA:))
John Carlo V. Pineda
BAMP 2A
No. 29
Panimula: Naranasan mo an bang manood o magbasa ng
isang dula? Ano sa palagay mo ang ikinaiba nito sa iba pang anyo ng panitikan?
Halika at basahin mo ang pagsusuring ginawa ko para sa dulang pinamagatang “
Jude D. Ann”.
I.ANG PAGKAKABUO.
Batay sa kwentong sanligan ( background ), ang dula
ay inumpisahan sa pagpapakita ng mga eksena na naglalarawan sa pangunahing
tauhan. Sa mga eksenang ito inilarawan ang sikolohikal at pasikal na katangian
ng bida.Samakatuwid, sa paraang “character build up” ang atake ng mga
panimulang pangyayari sa dula.
Inilahad sa pambungad na eksena ang pinaka katuahan ng
bida. Mas lumitaw ang paglalarawan sa kanya nang aminin niya sa sarili niya na
siya ay isang bakla.Ito ang siyang naging dahilan upang lumayo ang loob nito sa
ama.Kinailangan niyang itago ang tunay nitong pagkatao sa kaalamang gugulpihin
siya ng kanyang ama ngunit sa kabila nito suporta at inspirasyon naman ang
ipinakita ng kanyang ina, sa katunayan siya pa ang nagbigay dito ng mga gamit
na pambabae lalo na nang mapunta siya sa
abroad.
Ang bawat sumunod na pangyayari sa dula ay kaugnay
at “ bunga” ng sinundan.Dito sunod na ipinakilala ang karakter ng kanyang ina,
ama at maging nitong pagdating ng kanyang mga kaibigan na siyang lalo pang nag
paigting upang mangibabaw ang karakter
ng isang bakla na ikinikintal sa isip ng manonood.
Ang daloy ng dula ay nasa galaw ng “ paghahanap ng
mga kasagutan”—paghahanap ng mga kasagutan mula sa mga katanungang, bakit ako
nag kaganito?, bkit ako ginaganito? At bakit ako ganoon tratuhin ng mga taong
nakapaligid sa akin?. Dito sa mga katanungang ito ko nakita ang pinaka anggulo
sa kwento.Ito ay ang paglalantad ng pinaka problema ng kwento kung saan iikot
at iinog ang bawat pangyayari at eksena.
Sa kabuuan ng kwento, dalawang pangyayari ang nangibabaw
sa buong hinaba-haba ng dula: (1) Sa simula, ito ay ang mabalasik na pag
“deplore” ng ama ni Jude sa kanyang pagkatao,(2) Ito naman ay ang mababang
impresyon ng mga tao sa mga bakla sa lipunan kaugnay ng kanilang mga kilos at
likas na gawi.
II.ANG PAGBUBUNYAG SA SULIRANIN.
Sa simula pa lang, masasabi kong kahit hindi ko
tapusin ang dula ay alam ko na kung paano ito matatapos.Nahinuha ko kaagad ang
pinaka suliranin ng kwento.Alam ko na mauuwi lamang sa hindi na bagong isyu
ngayon tungkol sa mga bakla, ito ay ang pag mamaltrato ng ama sa mga bakla
dahil hindi matanggap ang pagkatao at ang mababang impresyon ng tao sa mga bakla sa lipunan.
Sa panig ko, sa mga eksenang kinakitaan ko ng
masyadong “provocative” sa kwento ay siyang nag dulot upang mawala ang
kapanabikan at kawilihan nito.Hindi masyadong pumukaw o tumimo sa isip ko ang
problema ng kwento dahil hindi na bago ang anggulong ipinakita at napansin kong
mas nag pokus sila sa arte ng pagpapatawa na siyang naging dahilan upang mawala
ang essence ng kwento.
Masasabi kong natawa at na-entertained ako somehow,
pero hindi ito ang pinaka layunin ng sulating ito.Ang layunin ng sulating ito
ay upang malaman ang mga kapuna-punang bagay at elemento sa loob ng kwento ng
dula.Samakatwid, isinantabi ko muna ang panunuring teknikal (acting ,
directing, lighting,etc.) dahil para sa akin mas maganda na gawing paksa sa mga
ganitong klase ng pagsusuri ang mga ganoong bagay.
III.ANG PAGGAMIT NG PAHIWATIG.
Dahil na conclude ko kaagad ang pinaka problema ng
kwento, masasabi kong hindi ako masyadong napahiwatigan. Sa pahiwatig mababakas
ang galing ng kwento na bumuo ng mga katanungan sa isip ng manonood.Sa parte ng
dula, bagamat nakaramdam ako ng kaunting pahiwatig(nang reypin ng ama niya si
Jude) ay hindi ko masasabing ganap ito dahil hindi sapat ang mga detalye ng
eksena para tuluyang maniwala ako.Ito ang mga katanungang nabuo sa ko sa
eksenang iyon, “Bakit ginawa ang ganoong klase ng eksena?” “Para saan iyon?” “
Ano ang nais ipahiwatig nito sa problema ng kwento?”.
IV.ANG SALITAAN.
Sa dula, masasabi kong buong bisang nagamit ang
salitaan sa paglalarawan ng mga tauhan lalong lalo na sa bida. Sa mga pakikipag
usap ni Jude, at sa kung paano siya magsalita ay buong linaw na naipakita.Dito
ko nakita na mabisa ang paglalarawan sa karakter ng isang bakla lalo na sa
paggamit ni Jude ng salita ng kabaklaan(bekimon) kasama ng mga kaibigan niya .
V.ANG PAKAHULUGAN.
Ang “Jude D. Ann” ay isang dulang pang katauhan.Dito
inilarawan ang likas na katangian ng mga bakla mapa sikolohikal o pisikal
man.Ipinababatid nito na lahat ng tao ay may karapatan sa batas.Sumasalamin ang
dulang ito sa mga isyung napatutungkol ngayon sa mga bakla sa lipunan.Ito ay
ang bad impression mula sa tao at kung paano sila tratuhin sa lipunang kanilang
kinabinilangan.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment