Saturday, December 15, 2012
"PUTAGENIC"
John Carlo
V. Pineda
“PUTAGHENIC”
(a tragic story)
“Putaaaaaaaaaaa !, Putang Ina, naihi ka na naman sa
salawal mo, aba diba’y marunong ka na?”—gigil na bulalas ni Dorothy sa kanyang
asawang paralisado.
Umaga noon nang magising si Elsa sa lakas ng
pagbulyaw ng Ina niya sa kanyang ama.Doo’y sunud-sunod na narinig ang mga
litanya ng ina na tila mga bala ng baril sa bagsik na nagmumula sa mala armilte
na bunganga nito.
Nahalinhan ng yamot ang mukha ni Elsa pagkaraang
marinig ang ina na kani kanina lang ay nagbubulay bulay tungkol sa kanyang
panaginip.
Tuwing aasikasuhin ng ina ang ama hindi nawawala sa
bunganga ng ina ang malulutong na mura at masasakit na patungayaw.Dahil dito,
umusbong sa kanyang damdamin ang masidhing awa para dito at ito ang naging daan
upang mapalapit ang loob sa ama.
Sa di-maintindihang paliwinag, ayaw ni pahawakan o
pasulyapan man ng ina ang ama sa kanya.May kung anung sigalot sa isip ang ina
ang ayaw niyang ilabas sa tuwing magtatanong si Elsa tungkol sa pagtanggi nito.
“Inay, yaman din lamang na nagmamaktol at bwisit na
bwist kayo sa tuwing aasikasuhin si tatay, bakit hindi na lang ado utusin
niyo?”—kaswal an tanong ni Elsa
“Pwedi, ba Elsa , magtigil ka diyan, wala ka naman
ding magagawa!!”—wirdong tugon ng ina.
Sa tuwing sumasapit ang mga ganitong sitwasyon sa
pagitan niya at ng kanyang ina ay animo’y matulis an bakal an tumutusok sa
kanyang katauhan an hindi kayang sagutin ng sariling pagninilay-nilay.Iba kung
ituring ng ina niya ang kanyang ama gayundin ang tao sa kanyang pagkatao.Ngunit
sa kabila ng pagtatalo nila tungkol sa ama, patuloy pa rin ang magandang
samahan nila bilang mag ina.
Lumaking mabait at magalang ngunit kung pag-uusapan
ang pisikal an kaanyuan ay walang tatalo sa kanyang kaseksihan subalit di
kagandahan at maituturing an isang pangit ang paglalarawan sa kanya ng mga tao.Lait, pambabastos, panghuhusga’t tukso ang
laging inaabot niya sa labas sa tuwing siya’y mapapadaan patungong
eskwelahan.Nakayuko at padabog an naglalakad si Elsa papuntang eskwelahan nang
makasalubong niya ang grupo ng istambay sa tapat ng isang “eatery”.
“ Elsa, Hipon kaba?”usal ng isang payatot na
lalaking nakahawak sa suspender. “Bakit, naman?”tugon pa ng isang tambay.
---- “kase, hanggang katawan ka lang… tanggal ulo,
kain katawan! Eto, 32.00 php..mamaya punta ka samen..meron naming dyaryo
pantakip ng mukha mu!choochoo tayoooo!!!!Hahahahahha!! Tawanan ang mga tambay
sa inusal ng isa.Tiim-bagang an lamang umiwas si Elsa habang matulin an tumakbo
nang mkatiyempo kung hindi,sa tantya niya’y isang oras siyang lalaitin at
babastusin ng mga tambay.Pagdating sa eskwelahan agad an nagtungo sa
classroom.Pagkaupo pa lamang ni Elsa ay dinig an dinig an niya ang mga bulung
bulungang tukso ng mga classmate niya.
“Hi, Elsa?--- bati ng isang baklang may kaitiman.
“Hello, mahinang tugon niya.
“ Elsa, nakita ko nga pala yung picture mo sa
Bulletin Board ng School, congrats ‘te sa pagkaupo bilang Board Member and
infairness…PHOTOGHENIC ka hah—dugtong pa ng isang classmate niya..
Matutunog na halakhak ang pumalit sa salitaan sandali.
“ HAHAHAHAHAHAHAHA!! Ano kamo, sabe mo?
Si Elsa , Photoghenic?? Baka.. PUTAGHENIC, ‘te.
Tingnan mu nga, putang puta ang katawan..wala namang
mukha..,enjoy bang makipag chooochooo sa TA….mmmm..----umid ang dila sa naudlot
na patungayaw ng kaklase.
“krrinnnnnggggggggggggg!!!krrinnnnngggggggg!!! tunog
ng bell ang siyang tanging naging tagapagligtas ni Elsa mula sa pagkakaipit sa
panlalait ng mga ka eskwela.
Pagkatapos ng klase ay agad an dumiretso si Elsa sa
kanilang tinutuluyan.Gaya ng madalas maganap sa tuwing siya’y uuwi galling
eslkwela ay ang pasalubong an mamong tukso at puta kutsinta ng mga tambay sa
kanya.Sa palagay niya’y wala ng lugar an kumpleto para sa kanya dahil mismo
pati sa bahy nila an kung saan kaunting nakakamtan niya ang kapayapaan ay nahahalinhan
ng yamot mula sa pagmamalupit ng ina sa ama an patuloy namang tumutortyur sa
kanyang katauhan dahil hindi niya maintindihan.
Pagdating sa bahay ay agad siyang nag ayos ng sarili
at nag saing ngunit habang ginagawa niya ang mga gawaing bahay ay pilit namang
gumugulo sa kanyang isipan ang mga panlalait an natanggap lalong lalo ng sabihn
siyang puta..bakit kalian ba siya nag puta? Kung kayat di niya maiwasang hindi
maluha at magmuknok at minsa’y madatnan ng ina an namumugto ang mga mata.Sinabi
lahat ni Elsa ang mga hinanakit sa loob sa Ina. “ Ina’y, bakit ganun mga tao
saken? Parang nandidiri sa akin kapag nahahagilap ako? Garalgal niyang
sambit.Hindi nagsalita ang Ina ni Elsa kundi yakap at haplos lamang ang
itinugon nito mula sa konpesyon ng anak at palihim itong naiyak.
Sandali lamang ang dumaan ay kinalma an ni Elsa ang
sarili.Ipinagpatuloy an niya ang mga
naudlot an Gawain. Saktong isisilid an sana ni Elsa ang duming nakuha sa sahig
nang marinig na naman ang Ina mula sa kusina, “Ano ba!…wala ka na ngang
naitutulong sa amin ng anak mo,!! Saglit an sumilay an naman sa mukha niya ang
awa sa ama ngunit wala siyang magawa kundi makinig na lamang sa mabalasik na
tinig ng ina sa walang imik at paralisadong ama.
Isang gabi, inip na inip an naghihintay si Elsa sa
labas.Wala ang kanyang ina.Naisip niya an malalapitan na niya ang ama sa
kaalamang walang pipgil sa kanya ngunit mahigpit na pinagbawalan siya ng ina na
kahit tumawag ang ama para sa kung anuman ay wag niya itong lalapitan.Nasa
labas siya habang malalim na nag iisip.Napalingon lamang siya sa loob nila ng
marinig ang boses ng ama mula sa kwarto.Hindi siya nag dalawang isip na
puntahan niya ito kahit pinagbawalan siya.Pinuntahan nito sa kwarto ang ama.
Pinalitan nito ang damit an basang basa mula sa pawis,
pinunasan ang mukha ngunit bigla an lamang siyang napakislot nang an animo’y
isang malaks an boltahe ng kuryente ang biglang dumaan sa kanyang katawan ng
aksidenteng tumalilis ang kamay ng ama
at mapatong ito sa kanyang hita.
Sinagilahan ng mabibilis an kabog ng dibdib at mabilis niyang tinapos ang
ginagawa.Mabilis siyang lumakd palayo sa ama, nasa kabang pagdidili dili siya
nang biglang sumabay ang buhos ng malaks an ulan.Dumagundong ang kulog at
matatalim an kidlat kasabay ng mga katanungang sumisilakbo kanina pa sa kanya.
Napatid ang kanyang pagbubulay bulay ng
nang magulat sa tili ng Ina. “Hoy, Elsa!kain an , kanina ka pa diyan
nakatingin sa kisame, anu bang meron dyan?”. Hangos na tinungo ni Elsa ang
hapag-kainan.Habang kumakain, pilit pa ding napapatigil si Elsa.Unti-unting
napapatingin kung saan saan, napapalunok, konting subo ay iinom kaagad. Matapos
kumain ay nagpunta siya kanyang kwarto.Nag mumuni muni an naman ang kanyang
isip habang matuwid an nakatingin sa itaas.Bigla lamang lumihis ang kanyang
iniisip nang biglang maalala an magkakaroon pala sila ng eksaminasyon bukas.
Kinabukasan, habang nakatingin sa salamin ay
paulit-ulit niyang sinipat ang
mukha..pilit na inaanggulo ang maaring kagandahang makita sa sarili .Naglagay
ng pabango,kaunting lipstick at saglit
an nagpulbos at matulin an tinungo ang eskwelahan.Tinging-tukso an naman ang
nahihinuha sa mga mata ng tambay ngunit
di an niya pinansin ito at nagpatuloy na lamang sa paglalakad.Habang binabagtas
ang gate ng kanilang eskwelahan, nakasalubong niya ang kumpol ng estudyante sa
tapat ng library.
Umiwas siya at nag-iba siya ng direksiyon upang
makatakas sa mapaniil an dila ng mga tao ngunit napahinto siya sandali ng
marinig ang sinabi ng isa sa mga nakatumpok doon. “Aaaaaaayyyy!!, Anu ba yan!,
nakakatakot naman sa school naten, kawawa naman si Jenny, paano niya kaya ,
haharapin iyon?”Animoy bakal siyang minagnet ng marinig ang misteryosong balita
tungkol sa kaibigan.
“Pweding magtanong?”--- litong tanong niya.
“Anu pong nangyari kay Jenny?”—
“ aah..kaawa-awa ang nangyari kay jenny.. natagpuan
siyang walang malay at hubo’t hubad.. ni reyp siya dito sa school”—sagot nito.
Saglit an binalot ng pinaghalong kaba at awa si
Elsa.Umakyat siya at matulin na tinungo ang classroom niya ng mapansin an
male-late an siya.Bulong bulungan ang nangyari kay jenny mula sa ibaba maging
sa corridors.Pagkaupo sa single chair ay agad niyang inayos ang ballpen at
papel.
“All ears…alam niyo naman siguro ang nangyari sa isa
ninyong classmate..isang napakahirap na alalahanin ang insidenteng nangyari
dito sa ating eskwelahan..kaya mag-ingat kayo mga girls..naglipana ang mga
masasamang loob ng kampus..hindi pa din nakakausap si jenny kaya hindi pa
nanagot ang may sala..”--- bungad ng titser namin.
Saglit lamang ay nag-umpisa an ang eksam.Natigil
sandali ang eksam nang pumasok sa classroom ang Principal namen.Amoy an amoy
ang mabagsik an pabango nito kaya hindi
pweding hindi mapapalingon ang
sinuman.
“ Good Morning ..students”—panimula nito.
“Good Morning.. Sir.. Mabuhay!”
Pansin na pansin ni Elsa ang matatalim na tingin ng
Principal sa kanya na tila may ginawang kasalanan habang ito’y nagbababala
tungkol sa nangyari.Binaba ni Elsa ang kanyang tingin upang iwasan ang titig
nito daihl naiilang an siya.Sandali lamang ay nagpaalam na ito kaya nagpatuloy
na ang eksam.
Pagkatapos ng eksam ay hidi pa rin nawaglit sa
isipan ni Elsa ang nangyari kay jenny kaya nagpasya siyang puntahan
ito.Nasaksihan ni Elsa kung gaano kahirap ang dinadanas ng Ina ni Jenny dahil
hindi ito makausap at nakatigin lamang sa iisang direksiyon.Hindi rin siya
nagtagal kina jenny.Papasok na siya sa may eskinita dirteso sa kanilang bahay
nang makasalubong niya si Aling Conie, nanay ng kaibigan niyang si Lea.
“Elsa, di mo ba kasama si Lea?, hindi pa kasi siya
umuuwi hanggang ngayon, mag iikawalo na ng gabi”--- tanong ni Aling Conie.
“Hindi po e, wala po ba siyang sinabing male late
siya ng uwi?”—sagot naman niya.
“ Ahhh…wala naman siyang nabanggit, nag aalala na nga
ako sa kanya , sige salamat na lang..”—huli niyang tugon.
Pagkaalis ni Aling Conie ay kaagad naman siyang
pumasok sa bahay.Nang matapos siyang makapagpalit at makapagsaing ay agad
nitong ikinuwento sa kanyang Ina ang nangyari kay Jenny.Pero ganon na lamang
ang pagkataka niya dahil hindi pa siya natatapos sa kwento ay bigla na lang bumulas
ng malakas ang kanyang Ina.
“Aaaaay! Elsa, magtigil ka! Ayaw na ayaw kong
nakakarinig ng ganyang istorya, pero ganon pa man, nakakaawa pa din siya”---
“ Inay, alam niyo po , bakit po kayang sobrang
apektado ako sa nangyari kay Jenny, feeling ko po, aku din si Jenny”--- tanong
nito.
Kumunot ang noo ng kanyang Inay. “Hah?, anung ibig
mong sabihin?Huwag kang mag-isip ng kung anu-ano pa!s-siyempre….uhmm, kaibigan
mo yon kaya ganun din ang nararamdaman mo!”—pagalit niyang tugon.
Sandaling tumahimik ang paligid sa pagitan
nila.Hindi pa din siya kuntento sa sagot ng kayang Ina.May kung anung palagay
siya na parang apektadong apektado siya sa mga ganoong klasi ng
pangyayari.Pagkatapos niyang ayusin ang higaan ng kanyang ama, pakainin at
palitan ng damit ay dumiretso siya sa loob ng kanyang silid.
Malalim na nagbulay bulay si Elsa. Isa na namang
kakaiba sa kanyang sarili ang natuklusan nito.Una ang pagiging malayo ng loob
nito sa ama at pangalawa ay ang pagiging apektado nito sa mga biktima ng mga
masasamang loob.Muli niyang natandaan noong 12 yrs.old siya, sabi ng kanyang
Ina, naaksidente daw siya at nabagok ang ulo niya at nawala daw ang mga stress
memories nito pero di naman daw yung talagang amnesia na wala na talagang
matandaan.
Kinabukasan, pinamutlaan si Elsa nang malaman
ang isa na namang balita ng panggagahasa
sa loob ng kanilang kampus at si Lea ang biktima naman , ang isa naman niyang
kaibigan na kagabi lang ay hinahanap ng kanyang Ina.
Ayon sa kumpol ng estudyante na dinaanan niya kanina
ay nahuli na daw ang suspek, ang janitor daw ang suspek sa dalawang insidenteng
nangyari sa kanilang eskwelahan, sa parehong eksaktong lugar din daw kung saan
ginahasa pareho ang dalawang biktima, sa may library, na kung saan walang
makakarinig na ingay kapag naka-lock.Dahil dito ,si Elsa ay madalas na lamang
dumaan sa may unang hagdanan ng eskwelahan dahil animo’y buong eskwelahan sa
parte ng kababaihan ay parang may nagmumulto sa lugar kung iwasan.
Ngayong wala na ang janitor, na siyang may sala
naging panatag ng kaunti ang mga babae sa kampus.Habang pauwi galing sa
eskwelahan si Elsa ay nakasalubong niya ang isang grupo ng kalalakihan.Sinakmal
siya ng takot at kaba ng paikutin siya ng mga lalaki.Dinig na dinig sa
kanya ang mahihinang buga ng hininga
mula sa kanyang mga nanlalamig na labi.
“Sayang talaga…sayang….kung pwede lang sanang
katawan ka nalang Elsa..hahhahaha..di naman kasi pwedeng putulin ko ulo
mo..para maka choocho lang sa iyo mahal ko pa naman ang buhay ko kahit papaano,
di naman ado ganun ka desperado sa sex dre’..sa bagay di ka naman virgin di ba?
Naunahan na ko. Bka naman ..kahit mamaya pwede mo ‘kong
iraos…hahahah”—nakatawang tugon ng isa sa mga lalaki.
“Oo…nga Elsa..tutal wala ka naman ding
maipagmamalaki dahil ..salaula ka na..---dagdag pa ng isa an amoy chiko ang
hininga.
Unti-unting nangilid ang luha sa mga mata ni Elsa sa
narinig..waring linurak siya sa kanyang pagkakatulos.Buong lakas niyang binayo
ang dalawang lalaking nakaharang sa kanyang daraanan at ubod bilis siyang
tumakbo papunta sa kanilang bahay habang magkabilang inilapat ang dalawang
palad sa kanyang tainga.Mabilis niyang tinungo ang kanyang kwarto pagdating sa bahay.
Doon niya ibinuhos ang lahat ng hinanakit sa kanyang
loob na kanina lang ay pinagdudura’t linurak lurak.Yakap-yakap ang kanyang unan,
doo’y nagsimulang sumilay ang kanyang memorya sa nakaraan.Naalala niya na
dati’y madalas siyang ipag kuwento ng kanyang tatay ng mga fairytales bago siya
matulog at doo’y sa hinuha niya’y napakasaya nilang dalawa.
Unti-unting napalitan ng mga alalahanin tungkol sa
ama ang kanyang isip na kanina lang ay sinasakop ng pagpupuyos ng
damdamin.Pilit niyang inalala ang buong eksena ng kanyang kabataang-isip sa
piling ng ama ngunit patuloy lamang itong lumalabo kapag tatangkain niya.
Nagsalimbayan muli sa kanya ang mga katanungan.Sabi
ng kanyang Ina, Stress Memories ang mga nawala sa kanya nang siya’y
maaksidente, pero, bakit ngayong tila bumabalik unti-unti ang mga alaala ay sa
ganang loob niya’y good memories sa piling ng ama?
Tulad ng pagbabasa sa kanya ng story book bago
matulog sa kanyang kwarto at siya din ang madalas samahan siyang matulog kapag
natatakot siya.Pilit kinalma ni Elsa ang
sarili mula sa mga alalahanin.Nag ayos ng sarili at linibang ang isip nang sa
ganoon ay makatakas sa pagkakakulong mula sa mga nakakalitong bagay na may
kinalaman sa kanyang katauhan.
Kinabukasan, sa eskwelahan.Mag iikapito ng umaga.Sa
loob ng kampus, nakamukmok si Elsa habang nakaupo sa may study area.Isang
sutsut an tinig ang humuli ng kanyang atensyon kaya napalingon siya sa may gawing
pinanggalingan ng tunog.
“Sino yon?”—
Nandoon ang pagtataka samantalang si Jenny at si Lea
lang ang gumagawa ng bagay na iyon sa kanya.Pinangilabutan siya kaya nagpasya
na pumunta an lang sa may canteen para kumain.Habang naghihintay sa mahabang
pila, nakaramadam siya ng mahapding sensasyong nanuot mula sa kanyang pantog
dahil kanina pa siya na iihi.
Nagpunta siya sa CR.Sinipat ang sarili sa may
malaking salaminan ng Office ng PRINCIPAL.Nang makapasok sa CR ay tumapat muli
sa may salamin.Nag ayos ng kaunti at pumasok din sa isang cubicle.Pinagninigan
siya at sandaling napatigil nang muling marinig ang sutsut na kanina niya pa
narinig.Kumislap kislap ang ilaw sa CR.Tuluyang nawalan ng enerhiya ang mga
ilaw.Binalot ng dilim ang paligid.Dali dali niyang inayos ang sarili.Saktong
lalabas na siya ng may malakas na pwersang dumamba sa kanyang likod at buong
lakas na tinakpan ang bibig ni Elsa.Pakiramdam niya’y walang lakas ang kanyang
katawan na alisin ang kamay na nakadikit sa kanyang bibig at ang isang
nakapalupot na braso sa kanyang tiyan.Dahan dahan siyang dinala sa isang
sikretong lagusan.Unti-unting naging pamilyar sa paningin ni Elsa ang
lugar.Nasa library sila.Pinagsiklaban ng mabibilis na kabog ng dibdib si Elsa nang malaman kung
saan siya dinala.Dahan dahang iginapos ang magkabilang kamay ni Elsa sa may
dingding.Tuluyan na niyang napagtanto ang maitim na balak ng lalaki kasabay ng
maingat na pag alis nito sa butones ng kanyang blusa.Nanginginig ang buo niyang
katawan.
“Huwag..kang malikot, sandali lang naman
ito……”—tugon ng misteryosong lalaking may kalakian ang boses.
Nilagyan ng panyo sa bunganga si Elsa kung kaya’t
nawalan siya ng kakayahang sumigaw.Tanging mahihinang tunog ng malulutong na
hikbi na minsa’y nagiging hagugol lamang ang maririnig mula sa kanya.
Biglang bumayo ang malakas na hangin sa may
kinaroroonan nila dulot ng hindi nasarang bintana.Buong linaw na bumalik muli
sa pang amoy ni Elsa ang amoy ng minsa’y bumisita ang kanilang Principal dulot
ng malakas na hangin.Doo’y nalaman niya ang tunay na suspek sa panggagahasa sa
dalawang kaibigan at ngayon…susunod na siya..
Gulong gulo na ang isipan ni Elsa.Lalo siyang
napahiyaw nang tanggalin na nito ang pang-itaas niya.Sumunod ang ibaba.Masuyong
hinawakan sa binti pataas papuntang hita.Ang sensasyong animo’y malakas na
boltahe ng kuryente na kanyang naramdaman noong magawi ang kamay ng ama sa hita
ay walang pinagkaiba sa pakiramdam din niya ngayon.
Lalong lumala ang mga sumunod na nangyari.Kasabay
nito ang pagbalik sa kanyang alaala tungkol sa stress memories nito.Bawat galaw
ng lalaki ay nagpapaigting sa pagsulpot ng mga pinagtagpi tagping kasagutan sa
kanyang mga katanungan sa alaala ng kanyang kabataang isip.
Sumabay sa eksena ang hinagpis ng kanyang damdamin
habang unti-unting nalalaman at nabubuhay ang mga masasamang alaala na kanyang
naranasan.Nasasagot na ng isip ang kalituan.Malapit nang marating ng lalaki ang
kanyang pakay.
Doo’y natapos ang masaklap na eksena.Ginahasa si
Elsa.Iniwan siyang hubo’t hubad.Gulong
gulo ang itsura.Namumugto ang mata mula sa mahabang iyak.Puno ng pasa at
galos.Nakatingin sa iisang direksyon ngunit pa minsan minsa’y napapa hagulgol
dulot ng mga nabatid sa nakaraan dagdag pa ng isang bangungot na kani kanina
lang natapos.
Hindi niya lubos akalain na sa isang karamaldumal at
masaklap na sirkumstansya pa niya malalaman ang sagot sa kalituan.Sa murang
gulang ay ginahasa siya ng sariling ama.Tuwing pinapasok ng ama ang kanyang
kwarto para magprisintang maging storyteller niya sa mga fairytale ay kaakibat
pala ang makamundong hangarin sa kanya.
Kaya pala ganoon na lamang kalayo ng loob ng ina sa
kanyang ama kahit na nito ang nakaraan.Ganoon din ang pandidiri ng mga tao at
pambabastos sa kanya dahil ng mangyari yun ay nagimbal ang buong bayan dahil
muntikan ng mapatay ng Ina ang Ama. Pinatawad lang siya nito.
Waring isang bangungot ang mga nagdaan sa buhay ni
Elsa.Umiikot na ang paningin ni Elsa.Tuluyan na siyang nawalan ng malay.Dinala
siya ng mga nakakita sa kanya sa clinic ng eskwelahan.Sandaling nagkamalay siya
at isinalaysay niya ang lahat ng nalalaman tungkol sa tunay na may sala mula pa
sa unang dalawang insidente ng panggagahasa sa kanilang eskwelahan.
Sinabi din niya na kapag nagsumbong siya ay idadamay
pati pamilya.Marahil yun ang dahilan kung bakit ayaw magsalita ng naunang
dalawang biktima.Pagkatapos niyang maisalaysay ay nawalan ulit ng malay si
Elsa.Makikita sa kanya ang hapong hapo na tinig
na humihingi ng kapahingahan mula sa depresyon.
Inihatid si Elsa sa kanilang bahay.Nagkamalay siyang
muli nang maulinigan ang mahihinang hikbi at mainit na buga ng hininga ng Ina
sa kanya habang haplos haplos ang ulo nito.
Nagsimulang lumamlam muli ang mga mata ni Elsa at
doo’y nag unahang dumaloy muli ang luha sa kanyang pisngi.
“Inay..bumalik na po ang stress memories ko…..alam
ko na…kung bakit ganoon na lamang ….ang layo ng loob mo kay itayyy…Ngayon alam
ko na kung bakit ganoon mo siya tratuhin..Walang hiya siya !! DEMONYO! Ang awa
noo’y naramdaman ko para sa kanya ay napalitan ng isang galit..galit an mahirap
burahin.. --- umid ang naudlot na tinig nang biglang yakapin siya ng kanyang
Ina.
“Kaya pala tawag sa aken PUTAGHENIC…..pangit ako sa
kanilang paningin, kaya pala laging sinasabi sa akin ay hindi na ‘ko virgin……minsan naman pala talaga akong ginamit
na puta ng sarili kong ama…”---napahagulgol siya sa huling pangungusap na
kanyang binanggit.
“Nawa’y, mapa sa’yo ang kapatawaran……….ang huling
naisatinig ng Ina.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment