Friday, March 14, 2014
John Carlo V. Pineda
BAMP-3A
NO.
28
Tikim-Takam
sa Masantol, Pampanga
Bago
ang lahat, isa sa mga pangunahing katanungan kung ang pag-uusapan ay mga lugar
na may maipagmamalaking pagkain ay kung paano magpunta sa lugar na ito.Madali
lang naman magpunta sa Masantol, Pampanga. Kung ika’y manggagaling mula sa
kapitolyo ng Bulacan, maaari kang makasakay ng jeep na magdadala sa iyo sa
Calumpit, 13 pesos lang ang pamasahe kung estudyante at 15 pesos naman ang
regular fare, at dahil under construction pa rin ang Calumpit bridge,
maglalakad ka sa pansamantalang tulay upang makarating ka ng sakayang papuntang
Apalit. Siyete pesos naman ang ibabayad papuntang Apalit. Sa Apalit, makikita
roon ang SaveMore at sa gilid nito matatagpuan ang terminal ng mga jeep na
magdadala sa’yo sa Masantol, 13 pesos kung estudyante at 15 pesos para sa
regular fare. Kung susumain, kinakailangan mong i-handa ang 72 pesos bilang
budget sa pamasahe papuntang Masantol, back and forth na’yon.
Ngayon,
ibabahagi ko sa inyo ang mga karanasan ko bilang Masantoleno na siyang
magdadala sa inyo sa mga pagkaing tunay kong maipagmamalaki.
Isa
sa mga pangyayari nagpapaalala sa aking bayang kinagisnan ay ang bawat
paggising sa umaga. Hindi dahil sa tipikal na paggising ng nanay ko dahil
tanghali na kundi dahil sa paggising ko ng madaling araw dulot ng kalampag ng
mga banyerang ibinibiyahe at itinitinda sa palengke. Ang paggising sa umaga ang
pinaka matimyas na alaala ng aking pagiging Masantoleno.
Hindi naman kasi talaga tubong Masantol ang
lahi namin, ang naaalala ko, bago mamatay ang lola, tubong Nueva Ecija ang
pamilya namin at dahil sa mahirap daw ang buhay noon doon, nagpasya ang pamilya
namin lumipat dito kung saan hitik sa pagkakakitaan. Sa tabi ng consignacion
ako lumaki, sa malansang umagang gumigising sa aking murang isip, sa tuwing
naaamoy ko na ang iba’t-ibang uri ng malalansang isda at ang paghiyaw ng bawat
tindero’tindera na naglalako ng mga ito.
Ang malansang umagang iyon ang patuloy na
nagbibigay sa akin ng direksiyon sa paghahanap ko ng dahilan kung bakit ako
takam na takam sa sawsawang minsa’y ginagawa kong ulam, ang “Buro”. Ang
kilalang sawsawan na madalas i-partner sa kahit anong uri ng pritong isda.
Madalas kapag gigising ako ng maaga, naririnig ko na ang untugan ng ilang basyo
ng garapon na paggagamitan ni nanay para gumawa nito, kapag naririnig ko na ang
pagkaliskis ni nanay ng isda na siyang gagawing buro, alam na alam ko kung
dalag ito o kung ibang uri ng isda. Mahirap kasi kaliskisan ang dalag at kapag
medyo mabigat ang pagkakakaliskis sa isda at medyo matagal ang paglilinis nito,
dalag kaagad ang naiisip kong isdang gagawing buro. Kaya minsan, kaysa sa
nakahiga lang ako at hinihintay pumutok ang liwanag sa umaga, madalas,
pinagmamasdan ko kung paano ito gawin ni nanay.Una, nililinis ng maayos ang
isdang ibuburo at bubudburan ng asin, kailangang malinis na rin ang garapong gagamitin,
pagkatapos, ihahalo sa loob ng garapon ang kanin at isda, at kapag naihalo na
nang maayos, bago takpan ay lalagyan muna ng luya at bawang bilang pang-alis daw ng lansa sa isda.
Pagkatapos ay hihintayin ang isang linggo upang tuluyang humalo ang laman ng
isda at ng kanin.
Maraming klase ng buro ang nakilala ko sa tabi
ng consignacion, maaring i-buro rin ang hipon, tilapia, at iba pang isda. Sa lahat ng klase ng buro
ang “Binurong Dalag” ang pinakapaborito ko. Iba kasi ang lasa kapag naghalo na ang
maasim-asim na sensasyong dulot ng binurong dalag at kahit na anong uri ng
pritong isda, pero paborito kong itambal ang pritong tilapia lalo na’t malutong
ang pagkakaprito ng isda. Minsan, madalas noong igisa ni nanay ang burong dalag
sa pinagprituhang mantika ng isda. Siyempre, ginigisa muna ang bawang, isa sa
mga pampagana ang amoy na pinalulutang ng bawang bago tuluyang ilagay ang
burong dalag. Ang iba nama’y kung kaya’t nagkakakulay ng kahel ay dahil sa
katas ng kamatis na isinasahog sa gisa. Ang bawat supot ng plastik ng buro ay
nagkakahalaga lamang ng 12 pesos. Sa kahit anung puwesto, mabibili ang buro sa
ganoong halaga.
Kaya
sa tuwing may espesyal na pagdiriwang ang mga kapampangan sa Masantol hindi
nawawala ang pritong isda at ang buro. Depende sa klase ng buro ang bawat
isdang itatambal, upang mapanatili ang natatanging lasa sa bawat paglasap sa
buro.
Dahil
sa lumaki ako sa tabi ng consignacion, madalas sa tuwing walang magawa ang mga
tindero’t tindera na naglalako sa loob ng palengke at ng ilang may puwesto sa
loob, madalas na pinagpipiyestahan sa tuwing matapos ang tanghalian ang mga
hilaw na mangga at siyempre, at hindi makukumpleto ang hilaw na mangga kung
walang bagoong. Bagoong din ang isa sa mga sawsawang bumuhay noon sa aming
pamilya pagkalipat namin sa tabi ng consignacion, dahil wala pa noon kaming
sariling puwesto at medyo mahal ang ticket ng munisipyo, madalas kasama akong
naglalako ng bagoong ng aking nanay. Ang
bagoong dito ay minsan kinikilo pero karaniwang mabibili na naka-plastik na, at
bawat supot nito ay 10 pesos lamang.
Minsan,
tiyenetiyempo namin ni nanay ang mga banyerang naglululan ng maliliit na hipon,
mas nakakamura kasi kami kapag dumaan na sa ibang stall ang banyerang galing sa
consignacion. Hinuhugasan namin ng maayos ni nanay, pagkatapos ay binubudburan
ng maraming asin at ilalagay sa banga, at maghihintay ng isang buwan bago
tuluyang maging bagoong alamang samantala, nakakabuo din kami ng patis gamit
ang naipong katas ng bagoong na ginawa namin, kaya minsan, nagiging dalawang
klase ang sawsawang nailalako namin bukod sa bagoong. Gamit ang food color ay
nagkakakulay ang bagoong. Minsan sa mga mandaraya ay pinagkayuran lamang ng
niyog ang pinagmumukhang mga maliit na hipon tsaka tatadtaran ng asin at food
color kaya minsan nakakalusot sa mga mamimili.
Siyempre,
igigisa sa bawang at iba-ibang pakulo minsan ang ginagawa. Minsan nilalagayan
ng ketchup ang bagoong, ang iba nama’y asukal na itim para daw maglapot at ang
ilan ay kamatis, nag-iiba –iba lamang ang kulay ng bagoong sa kung paano iluto
o igisa ng bumili. Pero kami ni nanay at ng ilang mga tindero’t tindera, ang
hilig naming gawin ay ang lagyan ng ketchup ang pagkakagisa, naghahalo kasi ang
medyo maasim na lasa nito at ang maalat-alat na natural na lasa ng bagoong. Nagiging
mabili ito lalo na’t bago mananghalian, ‘yun ang karaniwang siklo ng buhay
namin noon sa tabi ng consignacion.
Pero
naiwas ang pagkain ko noon ng malalansang pagkain lalo na nang mag highschool
ako at nang matuli bilang parte ng pagbibinata. Sabi kasi ni lola,
mangangamatis daw ito kapag kumain ako ng malalansang pagkain. Bagama’t
nalungkot ako noon, mas masarap pa lang ulit-ulitin ang mga paborito mong
pagkain lalo na’t matagal mo itong di natikman.
Masarap
ang buro, at iba’t-ibang klase ng buro, lalo na kapag sakto ang pagkakagisa.
Mas lalong pinasasarap nito ang simpleng pritong isda kung kaya’t binabalikan
at kinilala lalo na dito sa lugar namin. Masarap ang mangga lalo na’t masarap
ang bagoong. Ang karaniwang gawaing ito ang mga siyang nagpapalaway sa akin na
balikan ang mga bagay na nakagawian ko noon.
Kaya,
anu pang hinihintay mo? Gusto mo rin bang matikman ang ipinagmamalaking
bagoong, patis at buro na gawang Masantoleno? Tara na. Magpunta na. Maki-tikim
at maki-takam na sa Masantol, Pampanga.
MAKISOSO KA'T MAGPANGAN KA KENI, LUTONG CAPAMPANGAN
(Makisawsaw at makikain na, mga lutong kapampangan)
Subscribe to:
Posts (Atom)