/* Horizontal menu with 2 columns ----------------------------------------------- */ #menucol { width:940px; height:37px; background-image: -moz-linear-gradient(top, #666666, #000000); background-image: -webkit-gradient(linear, left top, left bottom, color-stop(0.00, #666666), color-stop(1.0, #000000)); filter: progid:DXImageTransform.Microsoft.Gradient(gradientType=0,startColorStr=#666666,endColorStr=#000000); border-bottom:1px solid #666666; border-top:1px solid #666666; margin:0 auto;padding:0 auto; overflow:hidden; } #topwrapper { width:940px; height:40px; margin:0 auto; padding:0 auto; } .clearit { clear: both; height: 0; line-height: 0.0; font-size: 0; } #top { width:100%; } #top, #top ul { padding: 0; margin: 0; list-style: none; } #top a { border-right:1px solid #333333; text-align:left; display: block; text-decoration: none; padding:10px 12px 11px; font:bold 14px Arial; text-transform:none; color:#eee; } #top a:hover { background:#000000; color:#F6F6F6; } #top a.submenucol { background-image: url(https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEh4DSXY1i62h-PEJ3Oa0WfR9Ud45AS0xwlGT8s7FPmMX9sih9kWejLvKmPyusUUMEDed2J5rUUtTYPL3tlTYzAtgSahfiC_upYtaRivV0YINrCHhZ9yOFWnM6JTUsd4R-f9hEPyguOSE10/s1600/arrow_white.gif); background-repeat: no-repeat; padding: 10px 24px 11px 12px; background-position: right center; } #top li { float: left; position: relative; } #top li { position: static !important; width: auto; } #top li ul, #top ul li { width:300px; } #top ul li a { text-align:left; padding: 6px 15px; font-size:13px; font-weight:normal; text-transform:none; font-family:Arial, sans-serif; border:none; } #top li ul { z-index:100; position: absolute; display: none; background-color:#F1F1F1; margin-left:-80px; padding:10px 0; border-radius: 0px 0px 6px 6px; box-shadow:0 2px 2px rgba(0,0,0,0.6); filter:alpha(opacity=87); opacity:.87; } #top li ul li { width:150px; float:left; margin:0; padding:0; } #top li:hover ul, #top li.hvr ul { display: block; } #top li:hover ul a, #top li.hvr ul a { color:#333; background-color:transparent; text-decoration:none; } #top ul a:hover { text-decoration:underline!important; color:#444444 !important; }

Sunday, September 8, 2013

Side to side Fun at FUNNSIDE ( Kakaibang KasaraFUN)

JOHN CARLO V. PINEDA
BAMP-3A
NO. 28
TRAVELOGUE









Side to side fun at FUNNSIDE
(kakaibang KasaraFUN)
Apalit, Pampanga

Instant saya ba ang hanap mo at tsibog to the limit? It is undeniable that we, Filipinos are really fond of traveling and discovering what’s new about a certain place , and therefore, this has already become part of our tradition. Hindi rin nating maikakaila na sa bawat lugar na napupuntahan natin, hindi tayo nagpapahuli sa mga bagay bagay na talaga namang magpapaalala sa atin sa pagpunta sa lugar na iyon (souvenirs), partikular na pagdating sa pagkain.

Sa bawat okasyong ipinagdiriwang natin, minsan nahihirapan tayong mag-isip kung anong mga pagkain ang ihahanda.Kaya naman minsan ang nangyayari, sa mga naksanayang restaurants na lang ang bagsak ng mga bisita bilang solusyon sa predicament na iyon.Pero sa mga panahon ngayon, iba-iba na ang trip ng mga tao, kung saan kumportable, kung saan kakaiba dun sila.Kaya naman kung nag-iisip ka ng mga bagong gimik para sa kahit anumang dahilan ng tsibugan, narito ang isang lugar na talaga namang magpapabago sa nakasanayang lasa ng iyong taste buds.Halika, i-explore natin ang FUNNSIDE.


Madali lang magpunta.Kung taga Bulacan ka, sasakay ka lang ng jeep papuntang Calumpit. As of now, hindi pa naman nagtataas ng pamsahe simula last month.15 pesos pa din para sa mga regular commuters.Ibaba ka ng jeep na ito sa Calumpit bridge na kailangang tawiran dahil kasalukuyang  ginagawa ito.Makikita sa pinaku dulo ng tulay ang terminal papuntang Apalit. 8 pesos naman ang papunta dito.Sa Apalit ay makikita ang SAVEMORE supermarket, sa gilid nito naka pila ang mga jeep na dadaan sa FUNNSIDE at ilang mga tricycle drivers.8 pesos muli ang ibabayad sa huling jeep at 20-25 pesos naman kung sa tricycle.Kung susumain, kinakailangan mo lang mag laan ng 80 pesos para sa budget ng pamasahe (back and forth). Kung may sariling sasakyan naman, dumaan sa alternate route, sa may NLEX doon ay makakapunta ka sa Apalit dahil kasalukuyang ginagawa nga ang Calumpit bridge dahilan upang hindi makadaan ang mga sasakyan.
Ang FUNNSIDE ay isang restaurant na nag o-offer din ng mga special occasions o cater foods.Kilala ito dahil sa mga sikat na pagkain na mayroon ito at ang lahat ng pagkain ay luto lahat ng mga purong kapampangan.

Ang itsura nito’y istilong bahay kubo na sinasabing binase sa nakasanayan ng mga kapampangan na sinasabi nilang mas masarap kumain kung presko ang lugar ng pagkakainan.Eat All you Can ang trip sa halagang Php 149.Sa halagang ito ay maaari mo ng pagpilian ang mga masasarap na pagkaing mayroon sila. Katulad ng :
Kung o-order naman ng isang klase ng pagkain may kanya kanyang bayad ang bawat order narito ang amg mga pagkain at expected amount.
1.SALPICAO;--- Php 100.


2.CHICHARONG BULAKLAK;--- Php 100.


3.TOKWA’T BABOY;--- Php 60.


4.LIEMPO DE KAPAMPANGAN;--- Php 50-70 each.


5.FRIED ITIK;--- Php 160.


6.INIHAW NA TILAPIA WITH BURO;


7.SISIG;--- Php 100.

8.SHRIMP TEMPURA;---Php 200.


9.IBA’T-IBANG KLASE NG BARBEQUE;--- Php 20.


10.PUSIT; at marami pang iba.--- Php 100-180.


Friday, February 8, 2013

Mga Tula (POEMS)


Ako’y sayo at ika’y akin lamang….
Ikaw na ang may sabi..
Na ako’y mahal mo,
At sabi mo Masaya ka sa aking tabi..
Pag-iBig mo’y di magbabago,
Ngunit bakit sa tuwing tayo’y magkasama..
Bulungan at panunuya ay laging mapupuna,
Di ba nila maintindihan?
Di ba nila alam tayo’y nag sumpaan..
Ayaw man ng pamilya ko’t pamilya mo’y di iwawaksi,
Dahil di ko makakalimutan ang araw na tayo’y nagkita..
Araw na saba’y nagpatuli,
Sa hospital na malapit sa ermita…


GIVE BIRTH:GIVE AWAY
May munti pang bata…….
Siyam na buwan akong hihintayin,
Si nanay na tunay kay lambing…
Iinom ng gatas, kakain ng gulay,
Magpapakonsulta’t mag-eehersisyo..
Tuwing gabi’y inaawitan ako,
Paglabas ko’y lumuluha si Nanay,
Pagsilip ko’y wala si Tatay..
Tumanggap ng pera si Nanay,
Sa piling ni Nanay..
Paggising ko’y iba na ang boses ni Nanay..





“Rico at Your Service”
Gwapo’t isang matipuno….
Siya’y responsible’t madiskarte,
Sa klase’y laging numero uno..
Siya’y responsible’t madiskarte,
Sa pagwapuhan ay laging panalo..
Siya’y responsible’t madiskarte,
Mga eba sa kanya’y nagbubuno..
Siya’y responsible’t madiskarte,
Isang iskolar at isa daw maginoo..
Siya’y responsible’t madiskarte,
Ngunit isang gabi nakita ko si Rico..
Siya’y responsible’t madiskarte,
Naglalako ng laman sa mga bakla sa kanto…
Siya’y tunay na responsible’t madiskarte,


“PSEUDO LOVE”
Masuyong yayakapin at hahalikan ni Dikhita si Majal..
Masuyong ipapahid ni Dikhita ang yelo sa pasa ni Majal,
Masuyong pupunasan ni Dikhita ang luha sa pisngi ni Majal..
Masuyong aayusin ni Dikhita ang buhok ni Majal,
Masuyong lilinisin ni Dikhita ang mga sugat ni Majal…
Mabalasik na pagsasabihan ni Dikhita si Majal,
“Sa susunod wag muna kong gagalitin Majal..
Peksman di na uuliting muli ni Dikhita ito Majal,”

Writing, Singing, Fashion Designing, Painting and Photography:)): "PERFECT MATCH" (MAIKLING KWENTO)

Writing, Singing, Fashion Designing, Painting and Photography:)): "PERFECT MATCH" (MAIKLING KWENTO): John Carlo V. Pineda BAMP-IIA “PERFECT MATCH” “He is the man of my dream, he defined everything that a man could be, that a woman ...

"PERFECT MATCH" (MAIKLING KWENTO)


John Carlo V. Pineda
BAMP-IIA
“PERFECT MATCH”

“He is the man of my dream, he defined everything that a man could be, that a woman like me would even dare to sell the soul just to have him…but everything started to mess up when…”
Gulat na tumayo si Aida nang piringan siya ng nobyong si Leo papunta sa isang setting na pinaghandaan nito para sa kanilang dinner date bilang selebrasyon sa ikapitong anibersaryo ng kanilang pag-iibigan. “ Sit first, dahan-dahan.. let me first make you a guess kung saan kita dinala, babe” masuyong bulong ni Leo sa kaliwang tainga ni Aida. “ A-am.., we’re on restaurant kung saan nakatapat tayo sa major sliding window nila kung kaya’t malakas ang hangin ?” kaswal na tugon ni Aida. “ No” sagot naman ni Leo kasabay ng pag-alis nito ng piring ni Aida. Gulat na pinagmasdan ni Aida ang kagandahan ng lugar na pinalilibutan ng magaganda at iba’t-ibang uri ng bulaklak na kung saan matatanaw sa hangganan nito ang mayamang katubigan na binabagayan naman ng  mala royal na pagkaka ayos ng table setting at ilaw na nakapalibot sa lugar. “ I was in awe..” maikling tugon ni Aida sabay yakap sa kasintahang si Leo.
Simula pa noong highschool sila, si Aida ay may matinding pagtingin na kay Leo.Siya ang maituturing niyang lalaki na karapatdapat niyang mahalin sapagkat sobra pa sa kalidad ng kanyang listahan ang lalaking ito na sa tantya niya’y walang sinumang babae ang hindi nito mapapaibig dahil sa katunayan siya mismo na pinagpipitagan at itinuturing an pinakamaganda at pinkamatalino ay nabihag siya, para sa kanya “he is attractive in any rugged sort of way” . Dahil pa nga kay Leo ay muntik ng masira at mabuwag ang matalik na pagkakaibigan niya sa bestfriend nito. Ngunit alam niya sa sarili niya na wala siyang kasalanan sa pagiging sawi ng bestfriend nito at dahil pa nga sa nangyaring iyon ay mas lalong naging mahigpit ang pagkakaibigan nila.
Matapos grumadweyt ni Aida ay naging matagumpay ang kayang career.Isa na siya ngayong  sikat na Fashion Designer at isa sa mga highest paid designer sa bansa.Samantalang si Leo ay naging sikat na abogado, isang abogadong nagbibigay ng libreng tanggol sa harap ng kustodiya para sa mga mahihirap na lubos hinangaan ni Aida.
Halos pitong taon ng magkarelasyon simula nang sagutin siya ni Aida noong first year college pa sila sa parehong kolehiyo at magtatatlong taon nang maglive-in partner si Aida at Leo. Handa sila sa kahit anumang mangyari kung mabuntis man ito dahil iyon ang pinaka aasam ng dalawa.Ang magbuntis si Aida.
Masuyong nag mimi-makelove si Aida at si Leo matapos umalis sa dinner date . “ Mahal na mahal kita Leo… malumanay na bulong ni Aida. “ Hindi kailanman makukumpleto ang buhay ko kung hindi kita nakilala at ikaw lang ang tanging babae na nais kung makasama hanggang sa aking pagtanda…” masuyong tugon ni Leo. Kakapit sa leeg ni Leo si Aida at muling sisiilan ng halik ang asawa.Hahawak sa balakang ni Aida si Leo.Muling maglalakbay ang malilikot na kamay ni Leo at maglalandas sa dalawang bundok na pinuputungan ng mapulang tuktok.Mapapakislot si Aida sa damdaming babalot sa kanyang katawan.Bababa sa posisyon si Leo at hahalikan ang pulang putong na nagsisilbing korona ng mga bundok.Mapapasinghap si Aida at halos maulol.Aida grinned when she felt the erecting manhood just in the middle of her thighs.Pumaibabaw si Leo kay Aida at pinagmasdan ng may pilyong timan si Aida at sinimulan na niya ang pagmamaneho nito hanggang sa ungol at singhap ni Aida ang maririnig na lamang sa loob ng kwarto habang sinasabayan ng mahihinang tunog ng buga ng hininga ni Leo. Matitigilan ang dalawa nang marinig nila ang malakas na paglangitngit na simbolo na may bumukas na pinto.Magtitinginan ang dalawa, itutuloy na sana ang naudlot na gawain ng sundan naman ng isang malakas na tunog na dulot ng mga nabasag na plato.Na alarma ang dalawa.Nag aalangan mang tumigil sa ginagawa ay minarapat nilang tumayo upang alamin ang nag dulot ng tunog na iyon. Mabilis na nagbihis si Leo ngunit di na pinatayo pa si Aida at pinahintay na niya lamang ito.Kinakabahang kinuha ni Leo ang baril mula sa aparador nito. Dahan dahang lumabas ng kwarto. Ang tanging ilaw na nagbibigay ng kaunting liwanag sa dinadaanan ni Leo ay ang mapanglaw na kulay ng isang lampshade. Mapapa atras si Leo ng maaninag ang anino ng isang tao an dumaan mula sa paaanan ng kusina. Mabilis itong sinundan ni Leo. Nag masid sandali si Leo upang malaman kung may kasama ang taong nanloloob sa kanila. Napagtanto nito na wala namang kasamahan ang magnanakaw at mabilis nitong sinundan sa kusina. Inabangan ni Leo ang magnanakaw sa may pintuan ng sala upang mahuli ito bago makaripas sa main door. Buong lakas na sinuntok ni Leo ang magnanakaw at tumilapon ito sa may gawing sofa at bumulagta ang mga kagamitang isinilid nito sa sako at mabilis nitong tinutukan ng baril “ Huwag kang papalag.. may baril ako” sambit ni Leo ng may nanginginig na boses.Maririnig ang malalakas na buntung hininga ng magnanakaw mula sa pagkasindak dulot ng pagkahuli nito kay Leo lalo na nang itutok ni Leo ang baril nito sa kanya.Binalot ng kaba si Aida nang marinig ang tunog na mga bumulagtang gamit lalo na nang marinig ang isang nakakabinging tunog na simbolo ng nakalabit na baril. Hindi napigilang di magbihis ni Aida at mabilis na nagtungo mula sa pinagmulan ng tunog. Masasaksihang nag aagawan ng baril ang asawa nito at ang magnanakaw. Nanginginig na kinuha ni Aida ang bat at buong lakas na binayo sa likod ng magnanakaw na siyang nagdulot upang mawalan ng malay ito. Gulat na nagkatinginan ang dalawa. “Leo….”— sambit ni Aida ng bumulagta ang magnanakaw.Napayakap si Aida sa kasintahan at mangiyak ngiyak na sinulyapan ang magnanakaw. “Don’t worry..it’s ok..don’t cry, don’t cry babe….”—ang tanging naitugon ni Leo upang pakalmahin ang kasintahan.
Kinabukasan, agad na nagtungo ang magkasintahan sa pulisya upang magsalaysay ng kaunti tungkol sa nangyaring panloloob sa kanila kagabi. Pagpasok sa pasilyo ng prisinto ay mapapatingin sa suspek na nakayuko at matitigilan si Leo. Luluwag ang pagkakahawak nito kay Aida.Susulyap ito sa kanaya na animoy nanghihingi ng permiso.Lalapit si Leo sa magnanakaw na nanloob sa kanila na naka posas.Hahawak sa balikat nito. Mapapatingin ang suspek kay Leo.Manlalaki ang mata.Magkakatinginan ang dalawang lalaki na ang mga mata nila’y nangnungusap na tila matagal ng magkakilala. “Obet?......ikaw si Obet?— tanong ni Leo. “kuya Leo?....Oo, tama.. ako nga ‘to si Obet.Biglang sasabat si Aida. “Magkakilala kayo?...paanong..?”—naudlot na pag uusisa ni Aida.Sasabat ang isang pulis “ Oh.. paano sir? Ikukulong na ba natin ‘to?.Mabilis na sasagot si Leo. “Hinde! Huwag niyo siyang ikulong…babayarin ko ngayun din ang bail niya”--- tugon ni Leo. “Ngunit bakit…Leo? Bakit mo hahayaang makalabas ang criminal na iyan at bayaran ang bail niya?”--- takang tanong ni Aida. “Tsaka na lamang….basta …”--- bulong ni Leo kay Aida sa kasuwal na tinig. “Sir..we have to go..we still have to face unfinished  business”—naisambit ni Leo bago umalis sa presinto.
 Pababa sa kotse sa isang parking space ang magkasintahan patungo sa isang mall nang sumagi muli sa isipan ni Aida ang “unfinished business” na naisatinig ni Leo kanina sa presinto. “ What exactly do you intend to say with that unfinished business you uttered earlier?”—tanong ni Aida. Titiman si Leo at kakalabitin sa may kaliwang beywang ang kasintahan. Mapapakislot si Aida at maaalala ang naudlot na pag mi make love ang tinutukoy ng kasintahan. “Kaw talaga!”—sambit ni Aida. “How about some continuation later?—natatawang tugon naman ni Leo. Lalong napahagikgik sa tawa si Aida sa tinuran nito.
Pagkatapos nilang makapamasyal ay agad na dumiretso ang magkasintahan sa kanilang tinitirhan.Doon, gaya ng inaasahan, ipinagpatuloy nila ang naudlot na pagmi make love na nahadlang ng isang magnanakaw. Pakiramdam ni Aida ay buong buo ang pagkababae nito dulot ng sensasyong bumalot sa kanya matapos ng kanilang pag niniig ni Leo.
Saktong papasok sa kusina si Aida ng maramdamang kumakalam ang sikmura nito.Madali niyang ininit ang ulam na nasa frigde. Saktong susubo si Aida ng matigilan ito ng marinig ang tunog ng isang grass cutter na simbolo na may pumuputol ng damo sa may munting garden nito kung saan nakatanim ang mga paboritong orchids.Mabilis na tatayo si Aida dahil sa pagkakaalam niya maski si Leo ay di pinapakialaman ang garden nito.Tinungo nito ang garden.Magugulantang ito sa makikita at mamamangha sa ganda ng pagkaka trim ng bawat damo sa bawat kanto ng garden.Maski ang pagkaka ayos ng mga bulaklak ay ka akit akit din.Lalapitan ni Aida ang nag ayos nito. “Wow..I was impressed..I like your correlative techniques by arranging my orchids in an alluring view and I was mesmerized too the way you trimmed the grass..anyway, ikaw ba yung anak ni Tatang Lorie na sinasabi niya na kapalit niya na mag aayos sa garden ko?— nakangiting tanong ni Aida.Lilingon ang lalaking nag sa ayos ng garden niya at magsasalita. “ Hindi po Ma’am, ako po si…--naudlot na nawika nito. Haharap ang isang lalaking patpatin na sa tantya niya’y matagal ng hindi nag aahit ng bigote, mababakas sa mukha nito ang sanlibu’t pagod na nagdulot sa mukha nito ng pangingitim, mga kamay na nangungulubot at ugatin, mukhang muntik ng mag hugis mangga at ilong na hindi kayang kapitan ng kahit anumang eye wears…In short the man that totally portrayed  the opposite physicality of her dream guy.“Ikaaaaaw?...walang hiya ka umalis ka dito…..magnanakaw ka…ba’t ka nakarating dito?”—gulantang na tanong ni Aida.Pag dadambahin ni Aida si Obet.Biglang sasabat si Leo. “Stop it..Aida”—Leo. “ But why? He’s a criminal…magnanakaw siya..” tugon ni Aida. “ No…He’s not…nagawa lang niya iyon kasi nasa grupo siya ng mga sindikato..at kapag di niya ginawa iyon ay malilintikan siya..So, it’s reasonable…at tsaka kababata ko siya…in fact…I owe my life to him because He once saved my life from an accident of being drowned”— pagalit na sagot ni Leo.Natahimik si Aida sa tinuran ni Leo. Palagay niya’y napahiya siya. “Siya yung sinasabi kong kababata ko na nawawala at nagligtas ng buhay ko noong highschool.. siya yung tinuring kong kapatid at kapamilya ng mga panahong mawala na mga magulang ko..”—dagdag pa nito.
Hindi alam ni Aida kung ano ang sasabihin ng malaman nito ang relasyon ng kasintahan at ang lalaking muntik niyang ipakulong.Dumagdag pa sa kanyang inis na nadarama ng pasadahan siya ni Obet ng mapanuksong tingin na tila tinutuya siya nito mula sa pagkapahiya.Saglit na natigilan siya at nagsalita din upang makaganti sa pagkapahiya. “ So, why he’s here, you’re letting this bull-headed freak to stay here at our house, baka naman limasin niya mga gamit natin.. ?”—mapanuksong sabat ni Aida. Lumapit si Leo kay Aida at umakbay ito. “Babe, you’re so harsh, huwag ka namang ganayan sa kanya..he’s good..let him stay here…at simula ngayon kasa kasma na natin siya sa bahay natin…ok?”— pangungumbinse ni Leo.
Bigla an lamang tumalikod si Aida at nagtungo sa kusina nang maalalang muli ang naudlot na Gawain kanina.
Naiwang tumatawa ang dalawang lalaki. “Don’t worry..magugustuhan ka din niya..at pagpasensyahan muna din yung mga nabanggit niya..baka naglilihi na”--- nakatawang sabi ni Leo.Naupo sila sa sofa at doon naisipang mag-inuman.Masyang nagkuwentuhan ang dalawa ng mga buhay nila simula ng magkahiwalay.Ang tanging naririnig mula sa kanila ay ang halakhak na halatang sabik na sabik makita ang isa’t isa.Ngunit ang tanging humuli ng atensyon ni Obet sa kwentuhan nila ng maalala ng kababata ang pagtulong nito kay Leo noong ginagawa siya nito ng mga poems para sa panliligaw ay nang malamang si Aida pala ang pinagbibigyan. Sa isip ni Obet ang babaing masungit na pala ito ang pinagbibigyan ni Leo.
Kinabukasan, bago pumasok sa trabaho ay makikita ni Aida ang isang tasang kape sa personal table nito.  Bago ito humigop sa mainit na kape ay napangiti ito sapagkat sa tantya niy ay iyon na ang pinaka masarap na kapeng natikman sa buong buhay niya.Naisip niya si Leo na siyang madalas na nang iiwan ng kape sa table nito.Saktong huling higop na lamang ang nalalabi ng mapansing may paparating patungo sa kanyang table.Magsasalabungan ng tingin si Obet at si Aida. Magtataray na naman si Aida. “Anong gingawa mo dito?--- tanong ni Aida. “Kukunin ko lang po sana yung kape ko…naiwan ko po kasi sa table niyo kanina nang matapos kong linisin ang cubicle niyo…” kasuwal na tugon ni Obet. Mapapakislot si Aida nang malamang kay Obet pala ang kapeng iyon..maiinis na sana si Aida ngunit natakpan ng hanga ang pagkakainis nito sa kanya mula sa galing nitong tumimpla ng kape. Ngunit gayunpaman, pinanatili ni Aida ang pride nito, “ I’m sorry…kala ko kasi sa akin…naubos ko na e… pero wag kang mag alala..di na mauulit dahil di naman masarap ang timpla mo..pinatulan ko lang dahil akala ko tinimpla sa akin ni Leo. Agad itong umalis atnagmadaling  pumasok sa trabaho. Habang na sa opisina si Aida hindi mawala wala sa isip nito ang paghanga mula sa mga katangian ipinamalas ni Obet, mula sa husay ng pagdidisensyo sa garden nito at ang masarap na timpla ng kape.Nagsasalimbayan sa isip ni Aida ang inis kay Obet kasabay ng paghanga nito.Nakatunganga siya habang iniisip nito si Obet na kinaiinisan niya hindi niya maintindihan kung bakit patuloy na nagsusumiksik sa isip nito ang pangit na imahe ni Obet sa kanyang imahinasyon.Magugulat ito nang tawagin siya ng kasamahang designer. “Oh, Aida….napakalalim naman ng iniisip mo…mukhang napakaimportante niyan ha, siguro si Boyfriend yan no?”—pang uusisa ng kasamahan. “ Hah…I’m sorry…anung boyfriend, iniisip ko yung kinamumuhian ko…!”—bulalas na sagot nito. “Kinamumuhian, as in hate mo… uy sinu yan..baka mainlove ka diyan..the more you hate the more you love”!.Hahagikgik si Aida. “ nagpapatawa ka ba,, you’re trying to warn me from falling in love with Obet?”—nakatawang sagot ni Aida. “Bakit hindi..lagi mo siyang iniisip?”—panunukso pa ng kasamahan nito. Patuloy na tatawa si Aida. “If you’ll just know what exactly he looks like… you would’nt dare to take glance again upon him…”
Pababa sa kotse nito si Aida ng mapansing nakaparada na garahe nila ang kotse ni Leo. Nakangiti siyang pumasok ng bahay ng sa kaalamang maagang nakauwi ang kasintahan.Bubungad sa kanya ang isang malaking painting kung saan siya mismo ang nakapinta.Manghang mangha siya dito, dahil kuhang kuha ng bawat detalye ang magandang mukha nito.Mapapalingon siya sa may tokador.Makikita niya si Leo na nakasuot ng jacket habang nakaupo at may pinupukpok.Tatakbo si Aida patungo kay Leo sa galak dulot ng pagkamangha sa likha ng kanyang kasintahan.Ngunit pagsaktong hawak nito sa balikat ay lilingon ang lalaki.Manlalaki ang mata ng Makita si Obet.Magugulat siya sapagkat ang  inakala niyang nakaupong lalaki na gumawa ng kanyang imahe sa painting ay ang kasintahan ngunit si Obet pa la.Suot suot nito ang pinag lumaang jacket ni Leo. Bababa si Leo. Lalapit kay Aida. “Ano nagustuhan mo ba ang inihanda ni Obet para sa iyo?”—tanong Leo. Hindi makapagsalita si Aida sa mangha. “Oo…it’s good..”—nauutal na sagot nito.Dumaan ang maraming araw, naging maayos ang pakiktungo ni Aida kay Obet.Hindi niya akalaing masarap pa lang kasama ang lalaking kinaiinisan niya sa pisikal na anyo.Unti – unti niyang naintindihan at napatunayan ang lahat ng magagandang bagay na binanggit ni Leo tungkol sa kanya.Ngunit higit pa sa inaakala niya ang naging resulta ng magandang pakikitungo nito kay Obet.Sa bawat bagay na ipinapakita at ipinapapamalas ni Obet ay lubhang namamanagha si Aida kung kaya’t mas naging intersado ito sa kanya. Kalaunan, ginawa ni Aida si Obet bilang driver niya at bilang designer ng kanyang garden.Unti- unting napapalapit ang loob ni Aida kay Obet na bukod namang ikinatutuwa ni Leo.
Hanggang isang araw bigla na lamang magigising si Aida na hinahanap na nito si Obet.Sa pagtulog, sa trabaho at saan man siya magpunta pati narin ng mamahalagang araw nila ng magkasintahan.
Nakakunot na lalapitan ni Leo si Aida. “Why do I get this feeling na hindi ka Masaya ngayon sa date naten?”.Halatang halata ni Leo ang pagiging cold ng kanyang kasintahan mag iilang lingo na.Kung kaya’t nagdudulot ito sa kanya ng bahala sapagkat ngayon lang niya naramdan ang ganitong damdamin na tila ma’y gumagambala sa isipan ni Aida. “Are you ..ok?”—tanong ulit ni Leo. “ah…yeah, I’m ok..I’m just….”---malumanay na sagot ni Aida. “You’re just what…tell me…tell me what bothers you!”—medyo malakas na ang tinig. Mapapapikit si Aida sa patungayaw ni Leo.
Simula ng mapalapit si Aida kay Obet ay ganito na makisama si Aida kay Leo.Hindi niya maintindihan kung bakit nagkakaganoon siya.Naiinis siya sa sarili sa nararamdamang kakaiba.Nagiging cold na siya sa lalaking pinangarap niya.Hanggang isang araw ay mapapagtanto ni Aida na nainlove na siya kay Obet ang lalaking kinaiinisan niya, ang lalaking wala sa kalingkingan ng lalaking pinapangarap niya, ang lalaking masasabihang NO GIRLFRIEND SINCE BIRTH dahil walang magkakagusto dito…ngunit paanong nangyaring siya…siya na napakataas ng standard ng pagpili sa lalaki at siya na nabubuwisit sa mga hindi pinagpala ang mukha ay na iinlove dito sa hindi inaasahang pagkakataon.Ngunit kay Obet, maliwanag ang lahat, matagal na siyang may pagtingin kay Aida simula pa noong highschool sila ngunit nasawi lamang ang pag-ibig nito sa kanya at ni minsan hindi siya nagtangkang ipparamdam ito sapagkat napag alaman niya na ang taong gusto niya ay ang taong kinahuhumalinagn din ng kanyang itinuring na kuya.At ito ay si Aida.
“Why…Naguguluhan na talaga ko friend..na iinlove na Ko kay Obet..but how could it happened to fall in love with someone which exactly opposite of my dream guy?” – nauulol na sambit ni Aida. “Tama na yan, friend.. lasing ka na”—tugon naman ang kaibigan nito. Makakailang bote pa ng alak si Aida bago inwi kaibigan nito sa kanyang tinirhan. Bagamat kaya pang tumayo ni Aida ay mababakas sa pagsasalita nito ang kalasingan.Ihahatid ng kaibigan nito si Aida sa kanilang tirahan. Saktong bababa si Aida ng mamalayang may nakatayo sa pintuan nila.Pinagmasdan niya ng maigi ito.Hinihintay siya ni Leo.Pagkapasok sa gate ay agad na sasalabungan nito.Yayakap ng mahigpit si Aida.Maririnig ang mahihinang hikbi nito.Mapapayakap ng mahigpit ang lalaki. “I’m sorry , I’m sorry for making you upset this few days”—nauutal na bulong ni Aida sa kaliwang tainga nito. “Ano…?”—sagot ng lalaki.Muling bubulong si Aida. Magiging mapusok ang pananalita nito. “I want you to make love with me”—dugtong ni Aida.Biglang kakalas ang pagkakayakap nito.Magugulat ang lalaki ng biglang siilan siya ni Aida ng isang mainit na halik na nag anyaya sa kanya upang dalhin siya sa kwarto.Dinala siya nito sa kwarto.Agad na maghuhubad si Aida at maagang ipapamalas ang mala-diyosang kagandahan na nagtatago mula sa kanyang mga saplot.Pagsasaluhan muli nila ang isang mapanuksong halik, napakainit at halatang naghahangad ng mas masidhing tugon mula sa kahalikan nito. Maglalakbay ang mga malilikot nilang mga kamay. Wala silang pinapalagpas na parte ng kanilang katawan.Hangang sa pumaibabaw na ang lalaki, mapapakislot si Aida, may kung anong sigalot ang nagsisismulang maghari sa pagkababae ni Aida. “ I want you to make me fall in love again with you….”—sambit ni Aida.Nagsimulang maglandas ang halik ng lalaki, pababa sa dibdib hanggang sa tiyan at puson…Mapapakapit si Aida sa braso nito ng magsimulang bumilis ang galaw ng lalaki.Mapapasabunot.Mapapakalmot sa kama at mapapahawak sa bakal ng kama.Hanggang sa mabalot ng ungol at mabibilis na buga ng hininga lamang ang naghari sa kwarto..
Nakangiting gigising si Aida dulot ng kakaibang sensasyong naramdaman matatapos ang pag niniig nila kagabi.Nakagising na ang diwa ni Aida ngunit nakapikit pa rin ito dahil patuloy na ninanamnam ang masasarap na sandaling nagdaan kagabi.Haharap siya sa kay leo.Bagamat randam niya ang pananakit ng ulo dulot ng kalasingan kagabi ay pinilit pa rin niyang gumalaw.Yayakap siya sa kasintahan.Magugulantang ng makapa ang patpating braso ng katabi.Manlalaki ang mata ng humarap ito pagkatapos humawak dito.Manlalaki ang mata ni Aida.Magugulat  na si Obet pala ang nakaniig, si Obet pa la ang nagdulot sa kanya ng kakaibang kalualhatian iyon na ngayon lang niya naramdaman kumpara sa  sensayong naramdaman sa pag niniig nila ni Leo.Hindi niya ito, ipinagtulakan bagkus yinakap pa niya ito ng buong lakas.Wala na siyang pakialam kung anuman siya..kung anuman ang hitsura niya..ang natatanging pag alala na nagdudulot sa kanya ng kaba ay ang kanyang kasintahan…Natatakot siyang mag tapat dito.Buong buo na sa isipan niyang mahal na niya talaga si Obet. Di niya inakalang ang taong kabaligtaran ng kanyang pinangarap ay mapapaibig siya.
“Obet, nagsabi ba si Aida na hindi siya uuw….” Gulat na naudlot ang kanyang pangungusap matapos niyang bukasn ang kwarto ni Obet. Magugulat ang dalawa ng Makita sila ni Leo na hubo’t hubad at magkatabi sa kama. Hindi napigilan ni Leo ang sarili at pinagsusuntok si Obet. “Wala kang utang na loob..matapos kitang ituring na parang kapatid at patirahin sa bahay ko…ganito pa ang igaganti mo..mga walang hiya…mga baboy kayo!”--- galit habang umiiyak na sambit ni Leo.
Papalayasin ni Leo si Obet matapos nang mangyari.Tatanggapin pa din ni Leo si Aida kung kaya’t patuloy paring magkasama ang magkasintahan.Napag isip isip ni Aida ang kasalanang nagawa niya sa kasintahan kung kaya’t bumawi ito sa kanya..ngunit lingid sa kaalaman ni Leo na patuloy pa ding minamahal ni Aida ang si Obet.Nagsimula muli ang magksintahan ng isang bagong simula.Lalong naging Masaya ang kanilang pag sasama ng matuklasang nagdadalantao na si Aida.Naging makabuluhan ang pakikisama niya sa lalaking dati niyang minahal at pinipilit ang sarili upang manumbalik ang dati niyang pag tingin dito.Nanganak si Aida at isang malusog na batang lalaki.Nagpakasal ang magkasintahan.Naging Masaya ang kanilang pagsasama simula nang dumating ang anak nila ni Leo kung saan binuhos ni Aida ang lahat ng kanyang oras.Kumpleto na sana ang buhay ni Aida at maituturing na sanang pinakamasaya ang pamilya niya kung hindi lamang dumating ang isang problema sa buhay niya.Nagsimulang magunaw muli ang mundo niya ng lumalaki na ang kanyang anak at ang masakit sa paglaki ng kanyang anak ay nagiging dahilan siya upang maipapaala ang pagkakamali niya sa kasintahan dahil nagiging kamukha nito si Obet.Umuukit sa mukha nito ang mukha ni Obet. Dahil doon nabuwag at nasira ang magandang pagsasama nila ni Leo.Nakipaghiwalay ito kay Aida at napilitang hanapin ni Aida ang tunay na ama ng kanyang anak.

“Sorry,…I didn’t know..I’m sorry Leo…Wala na akong mukhang maihaharap sa iyo..nararapat lang na hiwalayan mo ako.”—naiiyak na sabi ni Aida. “Hindi ko kayang makisama sa babaeng may anak sa ibang lalaki na patuloy na magpapa alala sa akin ng kanyang pagkakamali at ng pagtataksil ng taong itinuring kong kapatid”—Pagalit nitong sagot.Mapapahagulgol si Aida.Aalis sila ng kanyang anak at hahanapin nito ang lalaking tunay na minamahal at ang tunay na ama ng kanyang anak.Aalis silang walang patutunguhan. Ang tanging lugar na alam niyang possibleng nandoon si Obet ay ang lugar kung saan noong isang araw dinala siya nito ng mga panahong maayos pa ang lahat.Agad nilang tinungo ng kanyang anak ang lugar na iyon.
“Maari po bang magtanong, ale?”—tanong ni Aida. “ Anu po yon, ate?”—kiming tugon ng ale. “Dito po ba nakatira si Obet Reynoso?”—kinakabahan sa pagkakatanong nito.Ang mga mata ni Aida ay tila nangungusap at bakas na bakas ang pag-asa.Sasagot ang ale na pinagtanungan niya. “Opo…ate..nandito pa po sila..”Biglang sisilay ang isang maaliwalas na ngiti mula sa mg labi ni Aida ng malamang nandito sa lugar na ito ang lalaking pinakamamahal.Bagamat pagod na pagod na siya dahil karga karga niya ang anak niya ay di nito alintana ang hapo lalo na’t nang mahagilap na nito si Obet na nakatayo sa tapat ng pintuan nila.
Mabibilis na hakbang at nag uumapaw na saya ang mababakas sa mukha ni Aida.Ngunit matitigilan siya at mabilis na magbabagsakan ang mga luha sa kanyang mga pisngi nang Makita ang isang buntis na humawak sa balikat nito.Animo’y pinagsakluban ng langit at lupa si Aida sa nakita.Hindi niya napigilang mapahagulgol kung kaya’t nagtinginan lahat ng tao sa kanya.Mabilis siyang aalis at magtutungo sa bus station.Patuloy na magtitinginan ang mga tao sa bus station kay Aida sapgkat di pa rin niya mapigilang lumuha mula sa masaklap na nabatid.Bagamat masakit sa kanya ang pagkasira ng relasyon nila ni Leo ay waring may saya itong hatid kay Aida sapgkat magiging Malaya na siyang mahalin ang taong tunay niyang mahal kung kaya’t umalis sila sa piling ni Leo na punong puno ng pag-asa, ngunit ang pag asang iyon ay natakpan muli ng katotohanang nasaksihan niya kanina lamang.
Saktong paakyat na sa maliit na hagdanan ng bus si Aida at ang kanyang anak ng may humawak sa kanya sa likod na nagdulot sa kanya upang mapalingon.Nagulat siya ng Makita niya ang taong humawak sa kanyang likod, napaluha muli si Aida.
“Obet, wala na kami ni Leo…si Andrew ang anak mo…….”—nauulol na sambit ni Aida.Hahawak sa dalawang balikat ni Aida si Obet.Nangungusap ang kanyang mga titig. “Paanong..alam mo kaming nandito?”—Aida. “Sinbi sa akin ni Aleng Alice ang pagtatanong mo tungkol sa akin at ang batang kamukhang kamuha ko daw…”—masuyong tugon ni Obet. “Oo, anak mo nga si Andrew..nabuntis ako ng mawala ka at inakala naming anak naming ni Leo, ngunit ngayong malaki laki na si Andrew halatang halata na ikaw ang ama”—naiiyak na tugon ni Aida.Lalapad ang ngiti ni Obet.Yayakap sa mag ina niya. “Ngunit alam ko na ang lahat, may asawa ka na at iyon yung babaeng buntis na nakita kong kasama mo”—malumanay na tugon ni Aida. “Ngunit nagkakamali ka, wala akong asawa, ang buntis na nakita mo kanina ay pamangkin ko sa isang pinsan, wala silang matirhan kung kaya’t pinatira ko sila sa bahay..at ng mawalay ako sa’yo.ipinangako kong hindi nako kailanman magmamahal..pero ngayong nandito ka na at ang anak ko…. Hindi ko na kayo pakakawalan pa… at ako na ang pinaka masayang lalaki sa buong mundo.Magyayakapan ang dalawa kasama ng kanilang anak. “itinadhana ka talaga sa akin… ikaw na kinaiinisan ko’t kinabubwisitan ay mamahalin ko’t pagsisilbihan……- ang tanging nasambit ni Aida matapos malaman ang katotohanan.

Friday, January 18, 2013

MY FIRST EVER DULA ENTITLED " PAPUTOK"


- TAGPO I
SA LOOB NG KWARTO.MAG AALAS-NUEVE NG GABI.MAINGAY SA LABAS DULOT NG MGA PAPUTOK.PAREHONG HUBAD NA NAG MI-MAKE LOVE ANG MAG ASAWANG ROLLY AT STELLA TAGLE.ANG LIWANAG AY PANAKA NAKA LAMANG DULOT NG NAKABUKAS NA BINTANA KUNG SAAN PAKUTITAP NA SUMISILIP.
MAGSASALITA SI STELLA:
STELLA:Salamat…Rolly…This New Year’s Eve would be the greatest experience ever..I LOVE YOU.
HAHAPLUSIN NI ROLLY ANG PISNGI NG KANYANG ASAWA.
ROLLY:Don’t even pay a heed to thank me.Besides, it’s my job, and I say job .. because it’s my responsibility…
TITITIG NA MAY TIMAN ANG BABAE.
STELLA:…(BUNTUNG-HININGA)
MATUTUKSO MULING HAGKAN NI ROLLY ANG ASAWA.
ROLLY:All the years we’ve been through.All the worries that I made, yet you still have the supreme of beauty that a man like me could even dare to sell the soul just to have it …shhhh.
TITIGIL SI STELLA.KAKAPIT SA LEEG NI ROLLY.
STELLA:(NANGINGILID ANG LUHA)..And you’re all the man that I could wish for.. I never intend to look for another man, coz.. you defined everything that a man could be.. HUMBLE, HANDSOME at higit sa lahat RESPONSIBLE for both of your work and to your family…
MAGSISIMULA ANG PILYONG TINGIN NI ROLLY.
ROLLY:So,  what were we waiting for? Anyway.. HAPPY HAPPY NEW YEAR STELLA..Since, nag sa-sign na yung mga paputok sa labas at tumatawag na yung mga anak natin…PUTUKAN NA! TULOY NA NATIN ‘TO!(HALOS MAULOL SA TAWA)
YAYAKAP NG MAHIGPIT SI STELLA SA ASAWA.
STELLA: Ikaaw talaga! Mamaya pa kaya (nakatiman) …HAPPY HAPPY NEW YEAR ROLLY!
MAWAWALA ANG ILAW.
TAGPO II.
LALABAS SA KWARTONG MAGKAYAKAP ANG MAG-ASAWA.SASALUBONG ANG TATLONG ANAK NITO.
MASUYONG YAYAKAP ANG BUNSONG ANAK.
CHRISTIAN:Mama,… ano?kailan ba kami mag-aapat?(NAKATAWA).
MAGSISITAWANAN ANG PAMILYA.
STELLA: (TUMATAWA).. Huwag kang mag-alala anak.. kapag biniyayaan kami ulit ni GOD ng baby, kaw una kong pagsasabihan nito., okay ba ‘yon?
AAKBAY ANG BABAENG ANAK NITO.
QUEEN: Oo nga, ma, at sana babae, katulad ko para may kakampi naman ako dito kapag naglolokohan at siyempre para may pagmamanahin naman ako Sa talent ko bilang FASHION STYLIST .
MAGSASALITA SI STELLA AT HAHAPLUSIN NITO ANG MUKHA NI QUEEN.
STELLA: (NAKATIMAN) .. Huwag ka ding mag-alala kapag nabuntis ako at babae to.Iuugnay ko mga pangalan niyo.Since we have QUEEN, why not make and follow it to PRINCESS? Right, Rolly?
BUBUHATIN NG NAKATATANDANG ANAK SI CHRISTIAN AT MAGMAMALAKI.
NOEL: (BUBUHATIN SI CHRISTIAN).Basta, ma, if God will grant you a handsome baby boy like us.Don’t forget to relate his name from us huh, at magiging magaling at responsableng POLICE din siya tulad ni Papa.
HUMAHALAKHAK ANG MAG-ANAK NANG BIGLANG MAY KUMATOK.
MAPAPALINGON ANG LAHAT SA KINAROROONAN NG PINTO.
CHRISTIAN: Ako nalang po!
STELLA: Oh.. sige, sige!
PAGKABUKAS NG PINTO AGAD NA MAKIKITA ANG ISANG LALAKING NAKA UNIPORMENG PANG POLIS AT HAHANAPIN SI MR. ROLLY TAGLE.
BUBUKAS ANG PINTO.
SPO4 ROMEO: HI Christian! Nandyan ba ang papa mo?
TATANGO SI CHRISTIAN AT ITUTURO ANG KINAROONAN NG PAPA NIYA.
CHRISTIAN: Opo, Sir! Ayun pa sila! Halika po sir! Ganda talaga ng uniporme niyo Sir! Parang yung kay papa!paglaki ko po gusto ko pong maging katulad niyo! Idol na Idol ko po kasi si papa!
TITIMAN ANG LALAKI.MAG KAUSAP  HABANG SASAMAHAN NITONG PUMASOK SA LOOB.
SPO4 ROMEO: AH…Siyempre naman at tsaka dapat lang! anak ka talaga ni GENERAL!Halika na!
CHRISTIAN: Oh sige po! HAPPY NEW YEAR PO PALA!
SPO4ROMEO: HAPPY NEW YEAR DIN!
MAGSASALABUNGAN NG ISANG SALUDO ANG PAREHONG POLICE NG MAGKAHARAP.
SPO4 ROMEO; Ah .. Sir! Irereport ko lang po sana yung … sa kabilang barangay.May isa po kasing lasing na nanggugulo at sa ngayon ay hinohostage ang sariling mga anak.Napatay daw po nito ang sariling asawa at apat na po ang sugatan.
KUKUNOT ANG NOO NI GENERAL.
GEN.ROLLY TAGLE:Ah.. ganun ba? Oh, magbabagong taon pa naman .. o sige , hintayin mo lang ako sandali at magbibihis ako.Maupo ka muna.
SPO4 ROMEO: Oh sige po!
MABILIS NA NAGBIHIS SI ROLLY  AT AGAD NA KINAUSAP ANG PAMILYA.
ROLLY: STELLA, Kaw na muna bahala dito sa bahay.May kailangan lang kaming asikasuin.Alam kong bagong taon na mamaya, pero tinatawag ako ng responsibilidad ko.
HAHAWAK SA BALIKAT NI ROLLY SI STELLA.
STELLA: (TATANGO).. Kailan ba ako nagtampo?Sige.. INGAT KA .. I LOVE YOU!
HAHALIK SA PISNGI NI STELLA SI ROLLY.
ROLLY: I LOVE YOU DIN! (TITINGIN SA MGA ANAK), Queen, Noel at baby Christian huwag mag – alala sandali lang si papa , alam ko ngayon lang tayo ulit makukumpleto sa mga ganitong okasyon, pero makakarating ako , bago mag alas dose .. pangako!
MAGSASALITA ANG TATLO.
CHRISTIAN:INGAT PA! Dyan ko po kayo nagiging idol eh! Alam ko pong mahirap magsakripisyo ng oras sa pamilya pero napagsasabay niyo po pati pagiging police niyo!
QUEEN:INGAT PA!(nakatawa) Gusto lang niyan ng pasalubong!
NOEL:GE.. PA! INGAT!
MAWAWALA ANG ILAW.
TAGPO III.
MABILIS NA MAGSISIBABAAN ANG DALAWANG POLICE SA MINAMANEHONG TAXI.SA ISANG KALYE MALAPIT SA MAY HOSTAGE TAKING.
SPO4 ROMEO: Oh pano sir! ..tara na po! Naghihintay na po ang mga pinauna nating mga kasamahan.
GEN. ROLLY TAGLE: Oh tara na!
BIGLANG TUTUNOG ANG PAREHONG CELLPHONE NG DALAWANG POLICE.PAREHONG SANDALING LALAYO SA ISA’T-ISA.
GEN.ROLLY TAGLE: Sandali lang Romeo, at tumatawag ang asawa ko…
SPO4 ROMEO: Oh sige po Sir! Sandali din po! At may follow-up ang mga kasamahan natin.
(ON CALL)
ROLLY TAGLE: OH ..HELLO? STE…ELLLAAAA?
STELLA:ROLLY.. HELLO?...NARIRINIG MO BA ‘KO? DI KITA MARINIG?(NANGINGINIG ANG BOSES)
ROLLY TAGLE: HE…EEELO? HEELLO? STELLLA?, DI KITA MARINIG! ANO BANG NAGYARI? BA’T KA……(MAWAWALAN NG SIGNAL)
TITINGIN SA CELLPHONE SI ROLLY AT  PATULOY NA I DA-DIAL ANG NO. NG ASAWA NGUNIT HINDI MA KO-CONTACT DULOT NG KAWALAN NG LINYA.
ROLLY TAGLE: anu kaya nangyari dun? Ma text ko nga.
BISING BUSY SI ROLLY TAGLE SA PAGTETEXT SA ASAWA NG BIGLANG TAWAGIN SIYA NI SPO4 ROMEO.
SPO4 ROMEO:Sir! Tumawag po mga kasamahan natin kailangan na daw po tayo doon! Nagpakawala daw po ng maraming bala ang nanghohostage, kailangan daw po ang diskarte niyo!
Gen.rolly tagle: Oh sige ! Tara na!
MABILIS NA MAGTUTUNGO AT TATAKBO ANG DALAWANG POLICE SA 1ST STREET NG BARANGAY KUNG SAAN  NAGAGANAP ANG HOSTAGE-TAKING
TAGPO IV.
KUKUMBINSIHIN NG MGA POLICE ANG SUSPEK.MARAMI NG TAO ANG MAKIKISYOSO.NAPAPALIBUTAN NA NG PULISYA ANG BAHAY.
SPO1: (NAKA MEGAPHONE)..Sir! pag-usapan nalang po natin ng mabuti yan! Mag iisa’t kalahating oras na lang at magbabagong taon na.. maawa po kayo sa mga anak niyo! Huwag niyo pong hayaang salubungin ninyo ang 2013 na ganyan ang kalagayan niyo.Baka aksidente niyo pong makalabit yan!
SASAGOT ANG SUSPEK.
SUSPEK: (MALAKAS ANG BOSES) Mga putang Ina ninyo!Hindi niyo ko maloloko!Mag si alisan kayo dito mga pakialamero!Hayaan niyo kong makatakas at di ko sasaktan mga anak ko!alis!alis!(napahatsing dulot ng kalasingan)
LALAPIT NG BAHAGYA SI SPO4 ROMEO AT KUKUHANIN ANG MEGA PHONE.
SPO4 ROMEO: Para ninyo na po ng awa! Mga bata at higit sa lahat mga anak niyo po ang mga hinohostage niyo!Pakawalan niyo na po sila! Sumuko lamang po kayo at pag-uusapan natin mga problema niyo!
MALULUTONG NA TAWA ANG IGAGANTI NG SUSPEK AT MABALASIK NA MAGPAPAPUTOK .LALAPIT ANG MGA PULIS AT MAGUGULAT SA ISA PANG PUTOK NA PAKAKAWALAN NG SUSPEK.
MAGSASALITA SI GENERAL.
SPO2:General… mukhang patay na po ang mga anak niya.Hindi na po naming marinig ang mga hikbi!
GEN.ROLLY TAGLE:Sige pasukan na natin!
PAGPASOK SA BAHAY AY MAGIGING MADALI ANG  SA KANILA ANG OPERSYON DAHILDI PAPALAG ANG SUSPEK AT IIYAKAN ANG MGA ANAK NA NAKAHANDUSAY SA SAHIG.
SUSPEK:Mga anak! Patawarin niyo ko!(umiiyak ng malakas)
SPO3;Mas mabuti po kung sumama na po kayo sa prisinto,
POPOSASAN AT MADALI NAMANG SASAMA ANG SUSPEK SA MGA PULIS.
TAGPO V.
SA TAPAT NG POLICE STATION.MAIIWANG MAG-UUSAP SI SPO4 ROMEO AT SPO3 AT GENERAL TAGLE.MAG KAKALAHATING ORAS BAGO MAG BAGONG TAON.MAIILAWAN SILA NG ILAW NA KUMIKISLAP MULA SA TAXI.
SPO4 ROMEO: Oh… pano Sir! Successful ang operation naten! This calls for a simple celebration!
MAPAPALINGON SI SPO3 KAY SPO4 ROMEO.
SPO3: Anung celebration? Eh bagong taon na mamaya?At siguradong di papayag si Sir no, dahil uuwi na yan sa bahay nila!
GEN.TAGLE: (MAPAPA UBO) Tutal 30 minutos pa bago mag alas dose , tara at pagbibigyan ko kayo ng konting shot!
TATAPIKIN SA BALIKAT NI SPO4 ROMEO SI SPO3.
SPO3: Tara.. yun oh!
SPO4 ROMEO:Sabi ko sa’yo!
GEN.TAGLE: O..tara na sa office ko!
MAWAWALA ANG ILAW.
TAGPO VI.
SA LOOB NG OFFICE NI GEN.TAGLE.PANG LIMANG  BOTE NA NILA NG ALAK NANG MAGDESISYON AT MAMALAYANG MAGSASAMPUNG MINUTO NA LANG BAGO MAG ALAS DOSE.
MAPAPATINGIN SA RELO SI GEN. TAGLE.
GEN.TAGLE: (lasing na pero kaya pang tumayo at magmaneho )Aba! Kailangan ko na palang umalis! Sampung minuto na lang pala.
SPO3:(LASING NA DIN)..Oo nga Sir! Di ka kaya pagalitan ni misis kung maamoy ka niya?
TATAYO NA SI GENERAL.
GEN.TAGLE: Hindi noh? Ilang beses nakong naamoy ni STELLA pero di siya nagalit..Mauna na ako.
BIGLANG TUTUNOG ANG CELLPHONE.KAKALAPIN NI GEN. TAGLE ANG UNIPORME.
SPO4 ROMEO; Eh..sir! nakalimutan ko po palang banggitin sa inyo na kanina pa tumutunog ang cellphone niyo simula ng ipahawak niyo po sa akin during the operation.
GEN.TAGLE:Ha? Ba’t ngayon mo lang sinabi? Hala!
KUKUNOT ANG NOO AT NAG-ALALA SI GEN.
SPO4 ROMEO:Eh.. SiR.. Pasensya na po.. ngayon kulang po ulit naalala kasi ngayon ulit tumunog.
INIABOT NITO ANG CELLPHONE KAY GEN.MAKIKITA ANG 24 MISS CALLS AT 10 MESSAGES.
GEN.TAGLE: Patay! Cge .. maya ko nalang tingnan mga text na ‘to..mauna na ako!(magmamadaling tutungo sa may sasaksyan)
BIGLANG MAGSASALITA  SI SPO3.
SPO3: E Sir 5 minutes na lang ang natitira at mag aalas dose na !sigurado di kana aabot? Pustahan man tayo!
SPO4 ROMEO: (TUMATAWA).Parang di mo alam magmaneho si Sir, mabilis yan magmaneho pero maingat!
GEN.TAGLE:Parang gusto ko ang pustahan na iyan!
MAGTITINGINAN SI SPO3 AT SPO4.
SPO3: KOL!
SPO4 ROMEO:KOL!
TAWANAN AT SABAY SABAY NA NAGLABASAN SA OFFICE.
SPO3:Eh ser!… kailangan po, may signal muna bago I istart ang sasakyan?Para naman magandang pakinggan ang pustahan natin..tama ba Sir? Yung bang kakaiba di niyo pa nagagawa dahil bawal?
SPO4 ROMEO: Anung signal naman ‘to?
TATAWA SI SPO3.
SPO3; Ang slow mo!(aakbay kay SPO4) Alam na ni Sir yun!
BIGLANG ITUTUTOK NI GEN.TAGLE ANG BARIL SA LANGIT AT MAGPAPAPUTOK NG ILANG BESES.
GEN.TAGLE: Edi…. (booom!,booom!,booom!) HAPPY HAPPY NEW YEAR!
KAAGAD NA PAPASOK NG KOTSE SI GEN.TAGLE AT MUNTIK PANG MADAPA DULOT NG KAUNTING HILO NA NAKUHA SA INUMAN KANINA.
GEN.TAGLE;Sige.. Orasan muna ko…kung makakaabot ako sa bahay in five mins.!bilis! sige!
MAIIWANG UMUUBO SI SPO3 AT SPO4 ROMEO DULOT NG USOK NG SASAKYAN NI GEN.TAGLE AT GULAT NA GULAT SA GINAWA NITONG PAGPAPAPUTOK.
SPO4 ROMEO:(UMUUBO).. Panung nagawa ni Gen.tagle?Nagulat ako dun hah!
SPO3:(tumatawa) Ang dali-dali naman palang utuin ni Sir!
BABATUKAN NI SPO4 SI SPO3.
SPO4 ROMEO:Sira kaba! Kapag nalaman ‘to ng mga nakatataas baka suspendihin siya!
TAGPO VII.
SA TAPAT NG BAHAY NINA GEN.TAGLE.BABABA SA KOTSE.MAGMAMADALING BUKSAN ANG GATE.MAINGAY PA DIN SA LABAS DULOT NG ILANG MGA NAGPAPAPUTOK PA SA LABAS KAHIT DALAWANG MINUTONG NA ANG NAKALILIPAS PAGKATAPOS NG ALAS DOSE.WALANG MAANINAG NA TAO SA LOOB.
GEN.TAGLE:( NAPABUNTUNG HININGA)..Mukhang tulog na yata sila.Di na nila ko nahintay.
PAGBUKAS SA PINTO AGAD ITONG PUPUNTA SA KWARTO NG BUNSONG ANAK.
KAKATOK SA PINTO NI CHRISTIAN.
GEN.TAGLE(TOK.TOK.TOK)..christian?..tian?...baby?Dito na si Papa?
BUBUKSAN NG DAHAN DAHANG ANG KWARTO.WALANG TAO.WALA SI CHRISTIAN.
GEN.TAGLE:Hah?...wala?
MAGTUTUNGO SA KWARTO NG ASAWA.
KAKATOK AT AGAD DING BUBUKSAN ANG PINTO.WALANG ILAW.WALANG MAANINAG.
GEN.TAGLE:Stella..?sorry kung hindi ako nakaabot?
MAGMUMUKHANG TANGA NA NAGHINTAY AN MAY SUMAGOT.PIPINDUTIN ANG ILAW.MAKIKITANG WALA DING TAO.
GEN.TAGLE:Wala… din?Di kaya nagtampo sa akin ang mga yun?ah..baka nasa kwarto ni QUEEN.Kala nila siguro di ko alam taktika nila.
BUBUKSAN ANG MGA KWARTO NG MGA ANAK.MAGUGULANTANG DAHIL WALA DING TAO.KUKUNOT ANG NOO.MAG AALALA, BUBUNTUNG HINGA AT TATANUNGIN ANG SARILI.
GEN.TAGLE:Hah? …san na kaya mga yun?
PAKAMOT ULONG LALABAS NG KWARTO SI GEN.TAGLE.MULING TUTUNOG ANG CELLPHONE.KAKALAPIN ANG CELLPHONE SA BULSA.MAKIKITA ULIT ANG TXT MESSAGES NI MISIS.
GEN.TAGLE:Oo nga pala….
MABIBITAWAN NITO ANG CELLPHONE AT MASISINDAK PAG NABASA ANG MENSAHE AN IPINADALA NG KANYANG ASAWA.NAAKSIDENTE DAW SI CHRISTIAN.KRITIKAL AT DINALA DAW SA PINAKA MALAPIT NA HOSPITAL.NINERBYOS.MANGINGINIG NA PUPULUTIN ANG CELLPHONE SA SAHIG.MAGMAMADALING LALABAS AT MAGMAMANEHO PAPUNTA SA HOSPITAL.
TAGPO VIII.
SA HOSPITAL.TATAKBONG MAGTATANONG SI GEN. TAGLE TUNGKOL SA ANAK.MAGKAKAGULATAN NG MAKIKITA ANG DALAWA NITONG KASAMA SA INUMAN KANINA.
SASALUDUHAN NG DALAWANG POLICE SI GEN. TAGLE.
SPO4 ROMEO: Ser.. bakit po kayo nandito?
SPO3:Sir…nalaman po naming na ang baril na ginamit ng suspek sa pang ho hostage ay inagaw lang sa isa nating ksamahan at…
DI NA TATAPUSIN NI GEN.TAGLE ANG SASABIHIN NG KASAMAHANG PULIS.TATAKBONG MAY SINASABI.
GEN.TAGLE: (TUMATAKBO)….Mamaya nalang tayo mag-usap.Kailangan ko munag Makita ang kwarto ng anak ko?
MAGKAKATINGINAN ANG DALAWANG PULIS.
SPO4 ROMEO: Kwarto ng anak?Eh..kanina lang sinundo ko si Sir..ayos lang mga anak niya…?Sino kaya na aksidente sa kanila?
TATAPIKIN SA BALIKAT NI SPO3 SI SPO4 ROMEO.
SPO3:Hoy! Hindi ka manghuhula…ba’t di kaya natin punathan para malaman natin no?
SPO4 ROMEO;Oh..sige tara na!
TAGPO IX.
AABUTAN NI GEN.TAGLE NA UMIIYAK ANG ASAWA HABANG  HAGOD HAGOD NITO ANG ANAK NA SI QUEEN NA UMIIYAK DIN.MAPAPALINGON ANG DALAWA AT BAHAGYANG MATITIGIL ANG IYAK NANG MARINIG ANG LANGITNGIT NG PINTO NA SIMBOLO NA MAY PUMASOK NA TAO.
SABAY NA YAYAKAP ANG ASWA’T ANAK NITO HABANG UMIIYAK.
QUEEN:Pa..si Christian…(garalgal ang boses)
STELLA: Rolly… ang anak mo..(nanginginig ang boses)
GEN.TAGLE: Ba…bakit ba?Anu ba nangyari?
MAGUGULAT AT HALOS MABINGI SI GEN.TAGLE NANG BIGLANG MAGSALITA ANG ASAWA.
STELLA;( GARALGAL PERO MALAKAS ANG BOSES, PASIGAW)…Bakit?Sino ba kasi sa mga iresponsableng mga kasamahan mo ang gumawa nito?
YAYAKAP SI GENERAL SA ASAWA.UUPO AT PATULOY NA MAG IIYAK SI QUEEN.
GEN.TAGLE:Bakit…ba…bakit ba?Ano bang ginawa ng mga kasamahan ko?Anu naman ang kinalaman nila sa pag kaaksidente ng anak natin?(mangiyak ngiyak).
AANGAT ANG MUKHA AT MAKAKALMA NG KAUNTI AT DAHAN DAHANG SASABIHIN ANG NANGYARI SA ANAK.
STELLA:Nabaril ng ligaw na bala ang anak mo….tumama ito sa likod niya at nadaplisan ang spinal cord niya.Sabi ng Doktor, kapag hindi siya nagkamalay in 24 hrs.He will be in coma.(napahagulgol).Alam kong bawal ang mga baril sa mga hindi pulis, lalong lalo na sa lugar natin at alam ku din na bago pa mag bagong taon sumumpa kayong mga pulis na walang magpapaputok at lahat ng mga di lisensyadong baril ay kinumpiska niyo na… pero bakit?ba..bakit nabaril ng ligaw na bala si Christian?Sinabi din ng mga nag test sa bala ay galing sa isang lisensyadong pulis ang bala…..
ANIMOY SI GENERAL TAGLE NAMAN ANG NA BARIL NG MAISATINIG AT MARINIG ANG PATUNGAYAW NG ASAWA  TUNGKOL SA NANGYARI SA ANAK..HALOS LUMUBOG SIYA KINATATAYUAN  NIYA.HINDI MAKA GALAW.BUMALIK SA BALINTATAW NIYA ANG MGA BAHAW NA TUNOG NG MAGPUSTAHAN SILA NG DALAWANG KASAMAHANG PULIS AT LALO NA ANG TUNOG NA PUMAILANGIT NA SIYANG MAY GAWA NG PAGKALABIT NG BARIL NA KAGAGAWAN NG KANYANG KAWALANG BAHALA’T KAPABAYAAN.MANGINGILID ANG LUHA.
GEN. TAGLE:Paanung…nangyari…(nauulol sa awa’t kaba)
HAHAGULGOL SI STELLA AT QUEEN.BIGLANG BUBUKAS ANG PINTO NA AAGAW SA KANILANG ATENSYON.PAPASOK ANG DALAWANG PULIS NA KASAMAHAN.
SPO4 ROMEO;Pasensya po sa abala….
SPO3:Ser,.. mawalang galang na po..anu pu ba nangyaari?
MABILIS NA MAGBABAGSAKAN ANG LUHA NI GEN.TAGLE NA KANINA PA NAIPON.SASAGOT AT TATAYO SI STELLA.
STELLA:Kailangang maparusahan ninyo ang gumawa nito..Hanapin ninyo ang pabaya at iresponsableng pulis na nagpakawala ng bala ng baril na tumama sa anak ko!
GULAT NA MAGKAKATINGINAN ANG DALAWANG PULIS.MAPAPATINGIN KAY GEN. TAGLE.IIWAS NG TINGIN SI GEN. TAGLE.
MAGSASALITA SI SPO4 ROMEO.
SPO4 ROMEO:Ang pagkakaalam po namin ay….(naudlot)
SASABAT SI GEN .TAGLE UPANG MAIBA ANG USAPAN.
GEN.TAGLE:Halikayo!..Doon..tayo sa labas natin pag usapan ang nangyari.(titigasin ang boses)
TAGPO X.
SA LABAS NG ROOM KUNG SAAN NAKA HOSPITAL SI CHRISTIAN.MAGLALAKAD SILA PATUNGO SA ISANG MEN’S ROOM AT DOON MAG UUSAP USAP.
SPO4 ROMEO: Sir! Habang maaga..sabihin mo at ipaliwanag mo na ang guilty sa feeling mo.Kailangang ipaintindi mo sa kanila Sir…(naudlot)
GEN. TAGLE: Na ano? na pabaya ako?That I’m careless? Ang laki laki ng tiwala sa akin ng pamilya ko.. kailangang lumabas akong malinis at walang alam.
BABALING SI SPO3 KAY GEN. TAGLE.
SPO3:Eh.. Ser! Ayoko pong isipan na bala niyo ang bumaon sa sarili niyong anak?Eh,.. sa tantya ko po , Sa barangay natin at sa kabilang barangay matagal na nating nakumpiska ang mga di lisensyadong baril at tayong mga pulis lang ang may mga baril at alam lahat ng tao na sumumpa tayo sa harap nila na walang magpapaputok na wala namang sapat na dahilan.
BUBUNTUNG HININGA SI GEN. TAGLE AT MAGSASALITA.
GEN. TAGLE: Kahit ako, ayokong isipin ngunit parang dinudutdot ng sariling konsensya ko ang guilt sa ulirat ko.Hindi ko kaya ‘to! Kailangang lumabas na inosente ako.Ayokong sirain ang tiwala nila sa akin at ang magandang impresyon ko sa kanila hindi lang bilang isang  AMA kundi bilang responsableng pulis din… at ngayon….(NAUULOL AT MEDYO GARALAGAL)
ISANG MALAKAS NA DAMBA SA PINTUAN ANG BUMULAGA SA KANILA.MASISINDAK AT MAGUGULAT ANG TATLO.LALABAS SI NOEL SA ISANG CUBICLE NG CR.
MAPAPATIGIL SI NOEL SANDALI AT TITINGIN SA AMA.NARINIG NITO ANG LAHAT NG PINAG USAPAN NILA.MAIIYAK HABANG NAGSASALITA.
NOEL:Pa…How could you this to us? Paano mo kayang lokohan kami sa kasalanan mo! Ikaw ang may kasalanan?How dare you pa? I hate you!
HAHAWAKAN ANG BRASO NG ANAK.
GEN.TAGLE:Anak.. Noel, listen to me.. Ayokong mangyari ‘to.But  I know this is my fault.Pls. wag mong sabihin ‘to! Let me explain to your mom what had really happened..(maiiyak)
MANLALAKI ANG MATA NI NOEL.
NOEL: Hah?... What could you explain for then? That you’re callous, careless, irresponsible.. Mismung mga Pinuno ng mga pulis!
 DI MAPIPIGILAN NI GEN. TAGLE ANG KAMAY.DADAPO ITO AT SASAMPAL SA MUKHA NI NOEL.MATITIGILAN.
MABILIS NA AALIS AT BABANGAIN NI NOEL ANG AMA.
NOEL:How dare you..pa!
HAHABLUTIN NI GEN. TAGLE ANG ANAK.
GEN.TAGLE: Sandali! Noel!
BABALING SI NOEL AT AALISIN ANG PAGHAHABLOT NITO.
NOEL:Bitawan mo ko!
MAGKAKATINGINAN ANG TATLO.HAHAGURIN AT KAKALMAIN NG DALAWA SI GEN. TAGLE.
SPO4 ROMEO: Makakayanan niyo yan Sir! Sa dinami dami ng pagsubok na dinaanan natin …maging pagtaya ng ating mga buhay ay nalagpasan na natin.. kaya alam ko pong malalagpasan niyo iyan …
GEN. TAGLE: Iba ang pamilya…ang takot ng maka ilang beses ku nang tinaya ang buhay ko ay mas doble ngayon ang takot na nararamdaman ko ..takot na baka mawala ang pamilya ko…ang buhay ko..(MAIIYAK).
TAGPO XI.
SA HARAP NG HAPAG-KAINAN. KAHARAP NI  STELLA AT NOEL SI GEN TAGLE.UMAGA.WALA SI QUEEN , SIYA ANG NAGBABANTAY KAY CHRISTIAN SA HOSPITAL.
AABUTAN NG PAGKAIN AT KANIN NI STELLE SI GEN. TAGLE.
STELLA: Ano na ang follow-up investigation sa nangyari sa anak mo?
MAGKAKATINGINAN SI NOEL AT GEN. TAGLE.SISIGUNDAHAN NI NOEL ANG TANONG.
NOEL:(MATALIM ANG TINGIN) Oo nga pa..alam niyo na ba kung sino ang may kasalanan?
HINDI MAKATINGIN NG TUWID SI GEN TAGLE KAY NOEL.
GENERAL: (IINOM NG TUBIG). HAH? Uhmmmm…. Wala pa ding lead kung sino at saan nanggaling ang bala?( muntik maulol)
SASAGOT SI NOEL.
NOEL: Kala ko ba, malapit lang sa atin ang nagpaputok, bakit ba di niyo ma hanap – hanap? Galing naman magtago ng pesteng yan!
MAPAPALUNOK SI GEN. TAGLE.MABIBITIWAN ANG KUTSARITA.MAGSASALITA SI STELLA
STELLA; Oh.. Rolly ..Hon?.. okay ka lang ba? May sakit ka ba? Namumutla ka? May problema ba?
SASABAT SI NOEL.
NOEL: Wala naman pong sakit si papa.. di niyo ba nahahalata? Masyado lang niyang iniisip ang nangyari kay Christian? Right..Dad?Stress lang siya kung paano niya malulusutan…este mareresolbahan..ang insidente…
MAPAPATINGIN AT MASASAMID SI GEN. TAGLE.ANIMOY TINUTUYA SIYA NG SARILING KONSENSYA.
GEN. TAGLE: (NAUUBO)..HA.. excuse me.. pasensya na..
LALAPIT SI STELLA SA ASAWA.
STELLA; Oh hon?..sigurado kaba? Sigurado ka bang wala kang dinadala diyan?
HAHAGURIN ANG LIKOD NG ASAWA.
GEN. TAGLE:Uh..uhm..ok lang ako..nasamid lang ako.. Wagkayong mag-alala(halos maulol)
BIGLANG TUTUNOG ANG TELEPONO.MAAGAW ANG ATENSYON NILA SA TUNOG.TATAYO AT KUKUHANIN NI STELLA ANG TELEPONO.
STELLA: Hello? Tagle Residence?
ON CALL:
QUEEN:Hello…Ma? Si Queen po ito…(umiiyak).Dinala na po sa ICU SI Christian.He is now on Coma.
MABIBITAWAN NI STELLA ANG TELEPONO.
STELLA: Rolly… ang anak mo..si Christian.. he’s now on coma.
MABILIS NA MAG UUNAHAN ANG LUHA SA MGA MATA NI NOEL AT GENERAL.LALAPIT SI NOEL AT GENERAL  KAY STELLA.
YAYAKAP SA ASAWA.
GEN. TAGLE: God would never cease to help us.Don’t worry.He’ll be ok
PILIT NA KAKALMAHIN NG ASAWA SA NARINIG.BIGLANG MAG WO-WALK OUT SI NOEL AT TATAKBO PAPUNTA SA KWARTO NITO.
TAGPO XII.
SA KWART NI NOEL.NAKAHIGA SI NOEL.NAKATINGIN SA BUKAS NA BINTANA.PAPASOK SI GEN. TAGLE SA LOOB.
GEN. TAGLE: Noel, anak.. alam kong masakit sa iyo at nasasaktan ka sa nangyayari, pero..isipin mu naman na mas nasasakatan ako .Good thing na hindi mo pa sinabi sa mama mo ang totoo.Natatakot ako na baka..(naudlot)
TATAYO AT SASAGOT SI NOEL.NAKATALIKOD PA RIN.
NOEL; Na baka ano?na ma disappoint sila sa’yo?Hindi ko na kayang magsinungaling pa kay ,mama..sasabihin ko na sa kanya!(saktong haharap)
PAPASOK SI STELLA. MARIRINIG ANG PINAG UUSAPAN.
NASA LIKOD NA NI GEN. TAGLE SI STELLA.MAGKAKASALUBUNGAN NG TINGIN SI STELLA AT NOEL.MAGSASALITA SI STELLA.
STELLA;Anong nangyayari sa inyo? Ano itong kailangan mong sabihin sa akin Noel?(nakakunot ang noo)
SINIGALIHAN NG MALALAKAS NA KABOG NG DIBDIB SI GEN. TAGLE SA PAGHAHARAP NILA AT NALALAPIT NA PAGBUBUNYAG NG LIHIM.
MAGSASALITA SI GEN. TAGLE.
GEN. TAGLE: Wala stella! Ah…ahm… yung tungkol sa university nila…nais ka niyang I surprise pa..para matuwa ka.(nauulol at pilit na tinig)
BIGLANG LALAPIT SI NOEL.AT SISIGAW.
NOEL:(UMIIYAK)Anu ba! Anu ba pa! tama na! tama na! Tama na yang mga palusot mo!STOP YOUR BLATANTLY LIES!Yan lang ba talaga mahalaga sa’yo? Hah? Ang impresyon sayo ng pamilya mo?Well, then.. hindi ka tunay na isang AMA! Wala kang kwentang ama! Di mo kayang isaalang alang ang dignidad mu sa amin! Takot kang husgahan ka at ipamukha sa iyo ang moral indignation!(humahagulgol)
YINAKAP NI STELLA ANG ANAK.MASASABAY SA LUHA AT MAIIYAK DIN SI STELLA.MAGSASALITA SI STELLA.
STELLA:Ano ‘to Rolly?..Tell me about what your son has exclaimed!
YUYUKO AT MAGBABAGSAKAN ANG LUHA SA MGA MATA NI GENERAL.
GEN. TAGLE:Ako… a.. ko..(garalgal).
SASABAT SI NOEL.
NOEL; Come on pa! Tell mom the truth!
GEN. TAGLE: No! this is not the proper time!
NOEL: Proper time? You’re waiting for the proper time?kailan pa? pag wala na si Christian?
BIGLANG AAKSYON SI GEN. TAGLE NG SAMPAL.
NOEL;When will you have the strength to overcome your fears and faults? Ituloy mo! Kapag may sapat na dahilan ka na at support reasons para lilitaw na inosente ka?
YAYAKAP MULI SI STELLA KAY NOEL.KUKUNOT ANG NOO.
STELLA: Rolly..what’s this?Wag mong sabihing may kinalaman ka sa nangyari sa anak mo?(umiiyak)
YUYUKO SI GEN. TAGLE.PAGDADAMBAHIN NI STELLA SI GEN.TAGLE AT PAGSASAMPALIN.
GEN. TAGLE: Yes! Yes! I Do! I was merely involved on it. In fact ako mismo ang nagpaputok..
MAHIHIMATAY SI STELLA SA NARINIG.MASASAPO NI NOEL ANG MAMA NIYA.
STELLA: What…?
NOEL: Ma..? wake up! Wake up ma!(umiiyak)
LALAPIT SI GEN. TAGLE.
GEN. TAGLE: Stella?..
ITUTULAK NI NOEL ANG AMA.
NOEL; Umalis ka dito! Wala kang karapatang hawakan ang mama ko! How wretched am I, knowing that you were one who fired the bullet that hit my brother. How dare you pa! GET OUT OF HERE!
TAGPO XIII.
SA ISANG MUSIC BAR.NAG-IINUMAN SI GEN. TAGLE, SPO3 AT SPO4 ROMEO.MAG-AALAS DIYES NG GABI.
TITIGIL SI SPO4 ROMEO.
SPO4 ROMEO:Sir… tama na po! Nakakarami na po kayo..Baka di na po kayo makauwi…
GEN. TAGLE:No! No! I’m not going home.Wala na akong mukhang maihaharap sa kanila.
HAHAWAK SA BALIKAT  NI GEN. TAGLE SI SPO3.
SPO3; Sir! Di niyo naman po kasalanan…Hindi…(mauudlot)
GEN. TAGLE: Hindi? Anong hindi? Hindi ko kasalanan?So, what’s the point of going here and making myself a foolish if I’m inocent?Eh..sira ka pala e!(lasing)
SUSUNTUKIN NI GEN. TAGLE SI SPO3 AT BABALANDRA ITO.
AAWAT SI SPO4 ROMEO.
SPO4 ROMEO:Sir!... sumosobra na po kayo! Kami nalang po nakakaintindi sa’yo, kami pa ang mamaltratuhin niyo!
GAGANTIHAN NI SPO3 SA KAWALANG PAGTITIMPI AT MATUTULOG SA SUNTOK SI GEN. TAGLE.
SPO3:Pasensya na Sir! Kailangan ko lang gawin ‘to!.
DADALHIN NI SPO3 AT SPO4 SI GEN. TAGLE SA KANILANG BAHAY.SAKTONG BABABA NA SILA NG MAHIMASMASAN SI GEN. TAGLE AT BUMALIK SA ULIRAT.
PAIKA-IKANG BABABA AT PAPASOK SI GEN. TAGLE SA LOOB NG BAHAY.MAPAPANSIN NIYA NA MALIWANAG ANG LOOB NG BAHAY AT MARAMING TAO .
MAKAKASALUBONG NI GEN. TAGLE SI QUEEN.
GEN. TAGLE;Queen, darling.. where’s my hug? And what the heck are these people doing at my house?
SASAMPALAN SIYA NI QUEEN.
QUEEN;Of all the people! Bakit kayo pa! and look at yourself pa! Ikaw mismo sumisira ng buhay niyo!You don’t even know that Christian has just passed away this afternoon…
MATATAUHAN MULA SA PAGKAKALASING SI GEN. TAGLE.
GEN. TAGLE: What? Ano sabi mo?
BIGLANG SASABAT SI STELLA.
STELLA:Ba’t dumating ka pa? kala ko naglayas ka na? Ang lakas ng loob mong magpakita dito! How can you have the nerve to go here at my son’s burial if you knew you were the one why his life ended so early?(mapapa hagulgol)
HAHAWAK SA PISNGI NI STELLA SI GEN. TAGLE.
GEN. TAGLE:( UMIIYAK)..I’m sorry..I can’t…pls. don’t make scandal here!
IAALIS NI QUEEN ANG KAMAY NG AMA NIYA SA PISNGI NG MAMA NIYA.
QUEEN;In my whole existence. I never intend to disrespect you.Dahil mataas ang tingin naming sa inyo! Tama nga si kuya! You all knew and you only care about what people will say about you! Ang mahalaga lang sa’yo ay ang mga karangalang sumabit sa leeg mo!Masyado mo kaming ginawang mga stopped toy , stopped toy na niyakap yakap nga at ni lilinis linis nga pero at the end of the day stopped toy pa rin, stopped toy na walang  pakiramadam kaya naisip mong itago at hindi ibulgar ang katotohanan!
MAAGAW ANG ATENSYON NG MGA NAKIKIPAGLAMAY.MAPAPALINGON LAHAT SILA.NANAKOT.NANUNUKSO.NANGHUHUSGA AT NANLILIBAK ANG MGA TIBGIN NILA.
TAGPO XIV.
SA ETERNAL GARDEN.UMAGA.BUROL NI CHRISTIAN.NAKAHARAP SA KABAONG NI CHRISTIAN ANG MAG –IINA.WALA SI GEN. TAGLE.
STELLA:Mahal na mahal kita anak! Pasensya ka na at sa ganitong dahilan lang at di mo na mtutupad ang pangarap mo…..(humahagulgol)
NAKAYAKAP SI NOEL AT QUEEN SA MAMA NILA.UMIIYAK LAHAT SILA.
NAILIBING SI CHRISTIAN. AGAD SILANG NAG TUNGO SA KANILANG BAHAY.
TAGPO XV
SA HOSPITAL.NAHIMATAY SI STELLA PAGKAUWI NILA NG BAHAY.NAKABANTAY ANG DALAWANG ANAK NITO.
QUEEN:Ma…okay lang ba kayo?..Wag niyo po kaming iwan…
HAHAPLUSIN NI STELLA ANG BUHOK NG ANAK.
STELLA;Hindi ko kayo iiwan…malakas pa si mama..medyo nahilo lang ako.
BIGLANG PAPASOK ANG DOKTOR.
DOKTOR;Oh misis… gising na pa kayo? CONGRATULATIONS!
MAGUGULAT SILA.
STELLA:CONGRATULATIONS? Ano po ibig niyong sabihin?
TITINGIN LAHAT SILA SA DOKTOR.
DOKTOR: You are 3 weeks pregnant..kaya ka nahilo..
MAGKAKATINGINAN ANG MAG-IINA.
STELLA;Buntis ako?..(hahawak sa tiyan niya)
QUEEN; Ma… matutupad niyo na pangarap ni Christian..Tiyak na matutuwa siya kung saan man siya naroroon..
LALAPIT SI NOEL.
NOEL:Ma…kailangang malaman ito ni Papa….
QUEEN:Kahit isang araw palang hindi nakikita si papa na mimiss ko na siya…(nangingilid ang luha)
STELLA:Maging ako…di ko matitiis ang papa niyo..namimiss ko na din siya…
MAGYAYAKAPAN ANG MAG-IINA.
TAGPO XVI.
SA HARAP NG GATE NG TAGLE’S RESIDENCE.BABABA SA SINAKYAN G KOTSE ANG MAG-IINA.NAKANGITI.MASAYANG MASAYA DAHIL SA BALITANG BUNTIS ANG INA NILA.
QUEEN:Ako na po magbubukas ng gate….
AALALAYAN NI NOEL SI STELLA:
NOEL:Dahan – dahan lang Ma…
NGINGITI AT TITINGIN SI STELLA KAY NOEL.
STELLA:Kayooo…naman, masyado niyo nakong ginagawang BABY..Kaya ko ‘to no…(malumanay ang tinig)
NOEL:At kung di lang sana nawala si Christian…tayo na siguro ang pinaka masayang pamilya..
MAUUPO NA SILA SA KANILANG SOFA.
QUEEN;Kanina ko pa po tinatatawagan si papa…ngunit waring d niya sinasagot…kanina pang nasa sasakyan tayo..kinakabahan ako kay papa…alam kong masakit sa kanya ang nangyari pero mas alam kong mas masakit sa kanyang itaboy siya ng mga taong mahal niya…
NOEL;Alam kong may kasalanan ako kay papa dahil pinagtaasan ko siya ng boses at hindi lang yon, napahiya ko pa siya sa harap ng maraming tao..at sa buong buhay ko..ngayon ko pa lang nagawa ang mga ganoon sapagkat lumaki kami sa piling niyang mapagmahal at may takot sa diyos..(naiiyak).
STELLA:Masakit …sobra …ang pagkawala ni Christian at pagtatago ng kinalaman niya dito…ngunit mas masakit atang isipin kung di na natin siya makakapiling…kala ko matitiis ko siya yet I can’t…
LALAPIT SA KUYA AT MAMA NIYA.HAHAWAK SA KAMAY NG MAMA NIYA.
QUEEN:Hindi natin masisi si papa kung umalis man siya ….
AAKBAY ANG MAMA NILA SA KANILA.
STELLA: O ..Tama na yan… kailangang mahanap muna natin ang papa mo….kahit nawala si Christian sa atin may dahilan parin tayo upang magbatian ng HAPPY NEW YEAR…HAPPY NEW YEAR MGA ANAK…..(MAPAPALUHA)
SASAGOT ANG MGA ANAK.
QUEEN:HAPPY NEW YEAR DIN ma..
SABAY.
NOEL:HAPPY NEW YEAR DIN ma..
ISANG KATOK MULA SA PINTO ANG BABASAG NG DISKUSYON NILA.
QUEEN:Ako na po ma…
STELLA:oh sige anak…
MULA SA PINTUAN.ISANG PULIS ANG PAPASOK AT PAGBUBUKSAN NI QUEEN.
SPO2:Good Morning…nandyan ba ang MaMa mo?
QUEEN:Opo..tuloy po kayo..
TUTUNGO SILA SA KINAROROONAN NI STELLA.
QUEEN:Ma…hinahanap po kayo..
STELLA:Maupo po kayo..
SPO2:Goood Morning ma’am…may mahalaga lang po kaming sasabihin tungkol sa asawa niyo..
MAGKAKATINGINAN ANG MAG-IINA.
STELLA:Anu pong tungkol sa asawa ko…?
SPO2:Mag lilimang araw na po ang nakararaan nang mabaril ang anak niyo ho.Napatunayan po kasi naming na ang balang kumitil sa buhay ng anak niyo ay bala ng isang lisensyadong pulis….
STELLA:Alam ko po…Inamin na sa amin ng asawa ko..
SPO2:Ahh..ganun pu ba… So, alam niyo na palang inosente ang asawa ninyo? Dahil ang balang kumitil sa buhay ng anak niyo ay nagmula sa baril  ng isang pulis, baril ng pulis na naagaw ng isang nanghohostage at nagpaputok ng ilang beses noong esksaktong araw ng bagong taon….
ANG MGA TINIG NG PULIS AT ANG IMPORMASYON DALA NIYA AY TILA TUMUSOK SA KANILANG LALAMUNAN AT DI MAKAPAGSALITA.
MAGKAKATINGINAN ANG MAG-IINA.LALAPIT SI STELLA SA PULIS.
STELLA:Diyos ko salamat sa diyos….. at hindi ang papa mo…..(umiiyak)
NOEL;Si papa ay inosente? Ahh…..
QUEEN:Inosente siya?..oh ..GOD?
DALI- DALING KAKALIBITIN ANG NO. NG PAPA NIYA UPANG TAWAGIN.
QUEEN;(NAKAHAWAK SA CELLPHONE)..Papa..come on.. pls. sagutin mo..
BIGLANG SASABAT ANG PULIS.
SPO2:Pasensya na po pero wala po sa opisina ang papa niyo ..simula po nang mamatay ang anak niyo..di na po naming siya nakita..
ISANG MALAKAS NA TUNOG NG RING NG PHONE ANG AAGAW SA ATENSYON NILA.SA CR NG BAHAY NANGGAGALING ANG TUNOG.
QUEEN:Ma…naririnig ko po ang ringtone ni papa sa may banyo..
NOEL:So, ibig sabihin nandito lang si papa…
STELLA:Naliligo lang siya…
QUEEN:Ma…ba’t ayaw sagutin ni papa…?
STELLA:Ha?...sige …ituloy mu lang yan di tayo matitiis niyan ..kilala ko si Rolly.
BIGLANG SASABAT ANG PULIS.
SPO2:Ma’am..ayoko pong mag isip ng masama..Nagtext pos amin kanina ang asawa niyo,eto po yung huling mensaheng ipinadala niya sa amin..
“Good Morning..Maraming Salamat sa Lahat.Simula ngayon kayo na ang mag ti-take over ng trabaho ko…kung ang pagkawala ko ang solusyon sa lahat ng problema ko gagawin ko…Hindi ko kayang mabuhay kung wala ang pamilya ko..Sila ang hininga ko.Perform all your duties and always be responsible…Huwag kayong tumulad sa akin … nag bulag bulagan sa mga consequences na maari kong maranasan at ginawang bato ng mga kumikislap na karangalan..”
SABAY NA BABASAHIN NG TATLO ANG MENSAHE.MANGINGINIG SA TAKOT.MAKOKONSENSYA.KAKABAHAN.
QUEEN:No! No! That text message is non sense…..no, no, papa wouldn’t do …
YAYAKAP ANG INA SA MGA ANAK.
STELLA:Lakasan niyo loob niyo…Si Rolly ay matapang….kilala ko siya(halos maulol)
TATAYO SILA AT LALAPIT SA BANYO.BUBUKSAN NG PULIS ANG BANYO KUNG SAAN NARIRINIG ANG CELLPHONE NI GEN. TAGLE.
TATAMBAD SA KANILA ANG KATAWANG NAKASABIT NI GEN. TAGLE.GAMIT NIYA SA PAGBIBIGTI ANG LAHAT NG MEDLYANG NAKUHA NIYA MULA SA SERBISYO
SPO2:Oh..God…..
MAGUGULANTANG AT MAPAPALUHOD ANG MAG IINA SA MAKIKITA.
STELLA:Rolly….ba’t mo..ba’t mo ginawa ‘to..!
QUEEN: I didn’t expect na gagawin mo ‘to pa….
NOEL:Pa…..I’m sorry for pushing you out of this…..
TATAWAG NG PULIS NA KUKUHA SA KATAWAN NI GEN.TAGLE UPANG DALHIN SA MORGUE.NAKAUPO PA RING UMIIYAK ANG MAG-IINA.
SPO1;Ma’am ..may sulat pong nakasilid sa polo shirt ng asawa niyo…
SI QUEEN ANG TATANGGAP.BABASAHIN NI QUEEN..
“Kahit hindi niyo na ko bigyan ng maayos na libing..bilang kaparusahan ko…Nakita niyo ba ang mga medalya ko?Sila ang ginamit ko para kitlin ang buhay ko dahil ang mga karangalang ito ang kumitil sa masayang pagsasama natin at nanghamak sa akin na huwag sabihin ang totoo.Ang mga karangalang ito ang pumatay sa akin….”
LALONG LALAKAS ANG HAGULGOL NG MAG-IINA.IILAW NG MALIWANAG.WALANG MAAANINAG ANG MGA MANUNUOD.BIGLANG LALABAS SA ENTABLADO ANG PAMILYANG TAGLE.NAKANGITI AT MASAYANG MASAYA
                          “SI STELLA , SI NOEL SI QUEEN AT SI BABY ROLLY JR”.
-------------------------------------------------WAKAS--------------------------------------------------------