/* Horizontal menu with 2 columns ----------------------------------------------- */ #menucol { width:940px; height:37px; background-image: -moz-linear-gradient(top, #666666, #000000); background-image: -webkit-gradient(linear, left top, left bottom, color-stop(0.00, #666666), color-stop(1.0, #000000)); filter: progid:DXImageTransform.Microsoft.Gradient(gradientType=0,startColorStr=#666666,endColorStr=#000000); border-bottom:1px solid #666666; border-top:1px solid #666666; margin:0 auto;padding:0 auto; overflow:hidden; } #topwrapper { width:940px; height:40px; margin:0 auto; padding:0 auto; } .clearit { clear: both; height: 0; line-height: 0.0; font-size: 0; } #top { width:100%; } #top, #top ul { padding: 0; margin: 0; list-style: none; } #top a { border-right:1px solid #333333; text-align:left; display: block; text-decoration: none; padding:10px 12px 11px; font:bold 14px Arial; text-transform:none; color:#eee; } #top a:hover { background:#000000; color:#F6F6F6; } #top a.submenucol { background-image: url(https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEh4DSXY1i62h-PEJ3Oa0WfR9Ud45AS0xwlGT8s7FPmMX9sih9kWejLvKmPyusUUMEDed2J5rUUtTYPL3tlTYzAtgSahfiC_upYtaRivV0YINrCHhZ9yOFWnM6JTUsd4R-f9hEPyguOSE10/s1600/arrow_white.gif); background-repeat: no-repeat; padding: 10px 24px 11px 12px; background-position: right center; } #top li { float: left; position: relative; } #top li { position: static !important; width: auto; } #top li ul, #top ul li { width:300px; } #top ul li a { text-align:left; padding: 6px 15px; font-size:13px; font-weight:normal; text-transform:none; font-family:Arial, sans-serif; border:none; } #top li ul { z-index:100; position: absolute; display: none; background-color:#F1F1F1; margin-left:-80px; padding:10px 0; border-radius: 0px 0px 6px 6px; box-shadow:0 2px 2px rgba(0,0,0,0.6); filter:alpha(opacity=87); opacity:.87; } #top li ul li { width:150px; float:left; margin:0; padding:0; } #top li:hover ul, #top li.hvr ul { display: block; } #top li:hover ul a, #top li.hvr ul a { color:#333; background-color:transparent; text-decoration:none; } #top ul a:hover { text-decoration:underline!important; color:#444444 !important; }

Friday, February 8, 2013

Mga Tula (POEMS)


Ako’y sayo at ika’y akin lamang….
Ikaw na ang may sabi..
Na ako’y mahal mo,
At sabi mo Masaya ka sa aking tabi..
Pag-iBig mo’y di magbabago,
Ngunit bakit sa tuwing tayo’y magkasama..
Bulungan at panunuya ay laging mapupuna,
Di ba nila maintindihan?
Di ba nila alam tayo’y nag sumpaan..
Ayaw man ng pamilya ko’t pamilya mo’y di iwawaksi,
Dahil di ko makakalimutan ang araw na tayo’y nagkita..
Araw na saba’y nagpatuli,
Sa hospital na malapit sa ermita…


GIVE BIRTH:GIVE AWAY
May munti pang bata…….
Siyam na buwan akong hihintayin,
Si nanay na tunay kay lambing…
Iinom ng gatas, kakain ng gulay,
Magpapakonsulta’t mag-eehersisyo..
Tuwing gabi’y inaawitan ako,
Paglabas ko’y lumuluha si Nanay,
Pagsilip ko’y wala si Tatay..
Tumanggap ng pera si Nanay,
Sa piling ni Nanay..
Paggising ko’y iba na ang boses ni Nanay..





“Rico at Your Service”
Gwapo’t isang matipuno….
Siya’y responsible’t madiskarte,
Sa klase’y laging numero uno..
Siya’y responsible’t madiskarte,
Sa pagwapuhan ay laging panalo..
Siya’y responsible’t madiskarte,
Mga eba sa kanya’y nagbubuno..
Siya’y responsible’t madiskarte,
Isang iskolar at isa daw maginoo..
Siya’y responsible’t madiskarte,
Ngunit isang gabi nakita ko si Rico..
Siya’y responsible’t madiskarte,
Naglalako ng laman sa mga bakla sa kanto…
Siya’y tunay na responsible’t madiskarte,


“PSEUDO LOVE”
Masuyong yayakapin at hahalikan ni Dikhita si Majal..
Masuyong ipapahid ni Dikhita ang yelo sa pasa ni Majal,
Masuyong pupunasan ni Dikhita ang luha sa pisngi ni Majal..
Masuyong aayusin ni Dikhita ang buhok ni Majal,
Masuyong lilinisin ni Dikhita ang mga sugat ni Majal…
Mabalasik na pagsasabihan ni Dikhita si Majal,
“Sa susunod wag muna kong gagalitin Majal..
Peksman di na uuliting muli ni Dikhita ito Majal,”

Writing, Singing, Fashion Designing, Painting and Photography:)): "PERFECT MATCH" (MAIKLING KWENTO)

Writing, Singing, Fashion Designing, Painting and Photography:)): "PERFECT MATCH" (MAIKLING KWENTO): John Carlo V. Pineda BAMP-IIA “PERFECT MATCH” “He is the man of my dream, he defined everything that a man could be, that a woman ...

"PERFECT MATCH" (MAIKLING KWENTO)


John Carlo V. Pineda
BAMP-IIA
“PERFECT MATCH”

“He is the man of my dream, he defined everything that a man could be, that a woman like me would even dare to sell the soul just to have him…but everything started to mess up when…”
Gulat na tumayo si Aida nang piringan siya ng nobyong si Leo papunta sa isang setting na pinaghandaan nito para sa kanilang dinner date bilang selebrasyon sa ikapitong anibersaryo ng kanilang pag-iibigan. “ Sit first, dahan-dahan.. let me first make you a guess kung saan kita dinala, babe” masuyong bulong ni Leo sa kaliwang tainga ni Aida. “ A-am.., we’re on restaurant kung saan nakatapat tayo sa major sliding window nila kung kaya’t malakas ang hangin ?” kaswal na tugon ni Aida. “ No” sagot naman ni Leo kasabay ng pag-alis nito ng piring ni Aida. Gulat na pinagmasdan ni Aida ang kagandahan ng lugar na pinalilibutan ng magaganda at iba’t-ibang uri ng bulaklak na kung saan matatanaw sa hangganan nito ang mayamang katubigan na binabagayan naman ng  mala royal na pagkaka ayos ng table setting at ilaw na nakapalibot sa lugar. “ I was in awe..” maikling tugon ni Aida sabay yakap sa kasintahang si Leo.
Simula pa noong highschool sila, si Aida ay may matinding pagtingin na kay Leo.Siya ang maituturing niyang lalaki na karapatdapat niyang mahalin sapagkat sobra pa sa kalidad ng kanyang listahan ang lalaking ito na sa tantya niya’y walang sinumang babae ang hindi nito mapapaibig dahil sa katunayan siya mismo na pinagpipitagan at itinuturing an pinakamaganda at pinkamatalino ay nabihag siya, para sa kanya “he is attractive in any rugged sort of way” . Dahil pa nga kay Leo ay muntik ng masira at mabuwag ang matalik na pagkakaibigan niya sa bestfriend nito. Ngunit alam niya sa sarili niya na wala siyang kasalanan sa pagiging sawi ng bestfriend nito at dahil pa nga sa nangyaring iyon ay mas lalong naging mahigpit ang pagkakaibigan nila.
Matapos grumadweyt ni Aida ay naging matagumpay ang kayang career.Isa na siya ngayong  sikat na Fashion Designer at isa sa mga highest paid designer sa bansa.Samantalang si Leo ay naging sikat na abogado, isang abogadong nagbibigay ng libreng tanggol sa harap ng kustodiya para sa mga mahihirap na lubos hinangaan ni Aida.
Halos pitong taon ng magkarelasyon simula nang sagutin siya ni Aida noong first year college pa sila sa parehong kolehiyo at magtatatlong taon nang maglive-in partner si Aida at Leo. Handa sila sa kahit anumang mangyari kung mabuntis man ito dahil iyon ang pinaka aasam ng dalawa.Ang magbuntis si Aida.
Masuyong nag mimi-makelove si Aida at si Leo matapos umalis sa dinner date . “ Mahal na mahal kita Leo… malumanay na bulong ni Aida. “ Hindi kailanman makukumpleto ang buhay ko kung hindi kita nakilala at ikaw lang ang tanging babae na nais kung makasama hanggang sa aking pagtanda…” masuyong tugon ni Leo. Kakapit sa leeg ni Leo si Aida at muling sisiilan ng halik ang asawa.Hahawak sa balakang ni Aida si Leo.Muling maglalakbay ang malilikot na kamay ni Leo at maglalandas sa dalawang bundok na pinuputungan ng mapulang tuktok.Mapapakislot si Aida sa damdaming babalot sa kanyang katawan.Bababa sa posisyon si Leo at hahalikan ang pulang putong na nagsisilbing korona ng mga bundok.Mapapasinghap si Aida at halos maulol.Aida grinned when she felt the erecting manhood just in the middle of her thighs.Pumaibabaw si Leo kay Aida at pinagmasdan ng may pilyong timan si Aida at sinimulan na niya ang pagmamaneho nito hanggang sa ungol at singhap ni Aida ang maririnig na lamang sa loob ng kwarto habang sinasabayan ng mahihinang tunog ng buga ng hininga ni Leo. Matitigilan ang dalawa nang marinig nila ang malakas na paglangitngit na simbolo na may bumukas na pinto.Magtitinginan ang dalawa, itutuloy na sana ang naudlot na gawain ng sundan naman ng isang malakas na tunog na dulot ng mga nabasag na plato.Na alarma ang dalawa.Nag aalangan mang tumigil sa ginagawa ay minarapat nilang tumayo upang alamin ang nag dulot ng tunog na iyon. Mabilis na nagbihis si Leo ngunit di na pinatayo pa si Aida at pinahintay na niya lamang ito.Kinakabahang kinuha ni Leo ang baril mula sa aparador nito. Dahan dahang lumabas ng kwarto. Ang tanging ilaw na nagbibigay ng kaunting liwanag sa dinadaanan ni Leo ay ang mapanglaw na kulay ng isang lampshade. Mapapa atras si Leo ng maaninag ang anino ng isang tao an dumaan mula sa paaanan ng kusina. Mabilis itong sinundan ni Leo. Nag masid sandali si Leo upang malaman kung may kasama ang taong nanloloob sa kanila. Napagtanto nito na wala namang kasamahan ang magnanakaw at mabilis nitong sinundan sa kusina. Inabangan ni Leo ang magnanakaw sa may pintuan ng sala upang mahuli ito bago makaripas sa main door. Buong lakas na sinuntok ni Leo ang magnanakaw at tumilapon ito sa may gawing sofa at bumulagta ang mga kagamitang isinilid nito sa sako at mabilis nitong tinutukan ng baril “ Huwag kang papalag.. may baril ako” sambit ni Leo ng may nanginginig na boses.Maririnig ang malalakas na buntung hininga ng magnanakaw mula sa pagkasindak dulot ng pagkahuli nito kay Leo lalo na nang itutok ni Leo ang baril nito sa kanya.Binalot ng kaba si Aida nang marinig ang tunog na mga bumulagtang gamit lalo na nang marinig ang isang nakakabinging tunog na simbolo ng nakalabit na baril. Hindi napigilang di magbihis ni Aida at mabilis na nagtungo mula sa pinagmulan ng tunog. Masasaksihang nag aagawan ng baril ang asawa nito at ang magnanakaw. Nanginginig na kinuha ni Aida ang bat at buong lakas na binayo sa likod ng magnanakaw na siyang nagdulot upang mawalan ng malay ito. Gulat na nagkatinginan ang dalawa. “Leo….”— sambit ni Aida ng bumulagta ang magnanakaw.Napayakap si Aida sa kasintahan at mangiyak ngiyak na sinulyapan ang magnanakaw. “Don’t worry..it’s ok..don’t cry, don’t cry babe….”—ang tanging naitugon ni Leo upang pakalmahin ang kasintahan.
Kinabukasan, agad na nagtungo ang magkasintahan sa pulisya upang magsalaysay ng kaunti tungkol sa nangyaring panloloob sa kanila kagabi. Pagpasok sa pasilyo ng prisinto ay mapapatingin sa suspek na nakayuko at matitigilan si Leo. Luluwag ang pagkakahawak nito kay Aida.Susulyap ito sa kanaya na animoy nanghihingi ng permiso.Lalapit si Leo sa magnanakaw na nanloob sa kanila na naka posas.Hahawak sa balikat nito. Mapapatingin ang suspek kay Leo.Manlalaki ang mata.Magkakatinginan ang dalawang lalaki na ang mga mata nila’y nangnungusap na tila matagal ng magkakilala. “Obet?......ikaw si Obet?— tanong ni Leo. “kuya Leo?....Oo, tama.. ako nga ‘to si Obet.Biglang sasabat si Aida. “Magkakilala kayo?...paanong..?”—naudlot na pag uusisa ni Aida.Sasabat ang isang pulis “ Oh.. paano sir? Ikukulong na ba natin ‘to?.Mabilis na sasagot si Leo. “Hinde! Huwag niyo siyang ikulong…babayarin ko ngayun din ang bail niya”--- tugon ni Leo. “Ngunit bakit…Leo? Bakit mo hahayaang makalabas ang criminal na iyan at bayaran ang bail niya?”--- takang tanong ni Aida. “Tsaka na lamang….basta …”--- bulong ni Leo kay Aida sa kasuwal na tinig. “Sir..we have to go..we still have to face unfinished  business”—naisambit ni Leo bago umalis sa presinto.
 Pababa sa kotse sa isang parking space ang magkasintahan patungo sa isang mall nang sumagi muli sa isipan ni Aida ang “unfinished business” na naisatinig ni Leo kanina sa presinto. “ What exactly do you intend to say with that unfinished business you uttered earlier?”—tanong ni Aida. Titiman si Leo at kakalabitin sa may kaliwang beywang ang kasintahan. Mapapakislot si Aida at maaalala ang naudlot na pag mi make love ang tinutukoy ng kasintahan. “Kaw talaga!”—sambit ni Aida. “How about some continuation later?—natatawang tugon naman ni Leo. Lalong napahagikgik sa tawa si Aida sa tinuran nito.
Pagkatapos nilang makapamasyal ay agad na dumiretso ang magkasintahan sa kanilang tinitirhan.Doon, gaya ng inaasahan, ipinagpatuloy nila ang naudlot na pagmi make love na nahadlang ng isang magnanakaw. Pakiramdam ni Aida ay buong buo ang pagkababae nito dulot ng sensasyong bumalot sa kanya matapos ng kanilang pag niniig ni Leo.
Saktong papasok sa kusina si Aida ng maramdamang kumakalam ang sikmura nito.Madali niyang ininit ang ulam na nasa frigde. Saktong susubo si Aida ng matigilan ito ng marinig ang tunog ng isang grass cutter na simbolo na may pumuputol ng damo sa may munting garden nito kung saan nakatanim ang mga paboritong orchids.Mabilis na tatayo si Aida dahil sa pagkakaalam niya maski si Leo ay di pinapakialaman ang garden nito.Tinungo nito ang garden.Magugulantang ito sa makikita at mamamangha sa ganda ng pagkaka trim ng bawat damo sa bawat kanto ng garden.Maski ang pagkaka ayos ng mga bulaklak ay ka akit akit din.Lalapitan ni Aida ang nag ayos nito. “Wow..I was impressed..I like your correlative techniques by arranging my orchids in an alluring view and I was mesmerized too the way you trimmed the grass..anyway, ikaw ba yung anak ni Tatang Lorie na sinasabi niya na kapalit niya na mag aayos sa garden ko?— nakangiting tanong ni Aida.Lilingon ang lalaking nag sa ayos ng garden niya at magsasalita. “ Hindi po Ma’am, ako po si…--naudlot na nawika nito. Haharap ang isang lalaking patpatin na sa tantya niya’y matagal ng hindi nag aahit ng bigote, mababakas sa mukha nito ang sanlibu’t pagod na nagdulot sa mukha nito ng pangingitim, mga kamay na nangungulubot at ugatin, mukhang muntik ng mag hugis mangga at ilong na hindi kayang kapitan ng kahit anumang eye wears…In short the man that totally portrayed  the opposite physicality of her dream guy.“Ikaaaaaw?...walang hiya ka umalis ka dito…..magnanakaw ka…ba’t ka nakarating dito?”—gulantang na tanong ni Aida.Pag dadambahin ni Aida si Obet.Biglang sasabat si Leo. “Stop it..Aida”—Leo. “ But why? He’s a criminal…magnanakaw siya..” tugon ni Aida. “ No…He’s not…nagawa lang niya iyon kasi nasa grupo siya ng mga sindikato..at kapag di niya ginawa iyon ay malilintikan siya..So, it’s reasonable…at tsaka kababata ko siya…in fact…I owe my life to him because He once saved my life from an accident of being drowned”— pagalit na sagot ni Leo.Natahimik si Aida sa tinuran ni Leo. Palagay niya’y napahiya siya. “Siya yung sinasabi kong kababata ko na nawawala at nagligtas ng buhay ko noong highschool.. siya yung tinuring kong kapatid at kapamilya ng mga panahong mawala na mga magulang ko..”—dagdag pa nito.
Hindi alam ni Aida kung ano ang sasabihin ng malaman nito ang relasyon ng kasintahan at ang lalaking muntik niyang ipakulong.Dumagdag pa sa kanyang inis na nadarama ng pasadahan siya ni Obet ng mapanuksong tingin na tila tinutuya siya nito mula sa pagkapahiya.Saglit na natigilan siya at nagsalita din upang makaganti sa pagkapahiya. “ So, why he’s here, you’re letting this bull-headed freak to stay here at our house, baka naman limasin niya mga gamit natin.. ?”—mapanuksong sabat ni Aida. Lumapit si Leo kay Aida at umakbay ito. “Babe, you’re so harsh, huwag ka namang ganayan sa kanya..he’s good..let him stay here…at simula ngayon kasa kasma na natin siya sa bahay natin…ok?”— pangungumbinse ni Leo.
Bigla an lamang tumalikod si Aida at nagtungo sa kusina nang maalalang muli ang naudlot na Gawain kanina.
Naiwang tumatawa ang dalawang lalaki. “Don’t worry..magugustuhan ka din niya..at pagpasensyahan muna din yung mga nabanggit niya..baka naglilihi na”--- nakatawang sabi ni Leo.Naupo sila sa sofa at doon naisipang mag-inuman.Masyang nagkuwentuhan ang dalawa ng mga buhay nila simula ng magkahiwalay.Ang tanging naririnig mula sa kanila ay ang halakhak na halatang sabik na sabik makita ang isa’t isa.Ngunit ang tanging humuli ng atensyon ni Obet sa kwentuhan nila ng maalala ng kababata ang pagtulong nito kay Leo noong ginagawa siya nito ng mga poems para sa panliligaw ay nang malamang si Aida pala ang pinagbibigyan. Sa isip ni Obet ang babaing masungit na pala ito ang pinagbibigyan ni Leo.
Kinabukasan, bago pumasok sa trabaho ay makikita ni Aida ang isang tasang kape sa personal table nito.  Bago ito humigop sa mainit na kape ay napangiti ito sapagkat sa tantya niy ay iyon na ang pinaka masarap na kapeng natikman sa buong buhay niya.Naisip niya si Leo na siyang madalas na nang iiwan ng kape sa table nito.Saktong huling higop na lamang ang nalalabi ng mapansing may paparating patungo sa kanyang table.Magsasalabungan ng tingin si Obet at si Aida. Magtataray na naman si Aida. “Anong gingawa mo dito?--- tanong ni Aida. “Kukunin ko lang po sana yung kape ko…naiwan ko po kasi sa table niyo kanina nang matapos kong linisin ang cubicle niyo…” kasuwal na tugon ni Obet. Mapapakislot si Aida nang malamang kay Obet pala ang kapeng iyon..maiinis na sana si Aida ngunit natakpan ng hanga ang pagkakainis nito sa kanya mula sa galing nitong tumimpla ng kape. Ngunit gayunpaman, pinanatili ni Aida ang pride nito, “ I’m sorry…kala ko kasi sa akin…naubos ko na e… pero wag kang mag alala..di na mauulit dahil di naman masarap ang timpla mo..pinatulan ko lang dahil akala ko tinimpla sa akin ni Leo. Agad itong umalis atnagmadaling  pumasok sa trabaho. Habang na sa opisina si Aida hindi mawala wala sa isip nito ang paghanga mula sa mga katangian ipinamalas ni Obet, mula sa husay ng pagdidisensyo sa garden nito at ang masarap na timpla ng kape.Nagsasalimbayan sa isip ni Aida ang inis kay Obet kasabay ng paghanga nito.Nakatunganga siya habang iniisip nito si Obet na kinaiinisan niya hindi niya maintindihan kung bakit patuloy na nagsusumiksik sa isip nito ang pangit na imahe ni Obet sa kanyang imahinasyon.Magugulat ito nang tawagin siya ng kasamahang designer. “Oh, Aida….napakalalim naman ng iniisip mo…mukhang napakaimportante niyan ha, siguro si Boyfriend yan no?”—pang uusisa ng kasamahan. “ Hah…I’m sorry…anung boyfriend, iniisip ko yung kinamumuhian ko…!”—bulalas na sagot nito. “Kinamumuhian, as in hate mo… uy sinu yan..baka mainlove ka diyan..the more you hate the more you love”!.Hahagikgik si Aida. “ nagpapatawa ka ba,, you’re trying to warn me from falling in love with Obet?”—nakatawang sagot ni Aida. “Bakit hindi..lagi mo siyang iniisip?”—panunukso pa ng kasamahan nito. Patuloy na tatawa si Aida. “If you’ll just know what exactly he looks like… you would’nt dare to take glance again upon him…”
Pababa sa kotse nito si Aida ng mapansing nakaparada na garahe nila ang kotse ni Leo. Nakangiti siyang pumasok ng bahay ng sa kaalamang maagang nakauwi ang kasintahan.Bubungad sa kanya ang isang malaking painting kung saan siya mismo ang nakapinta.Manghang mangha siya dito, dahil kuhang kuha ng bawat detalye ang magandang mukha nito.Mapapalingon siya sa may tokador.Makikita niya si Leo na nakasuot ng jacket habang nakaupo at may pinupukpok.Tatakbo si Aida patungo kay Leo sa galak dulot ng pagkamangha sa likha ng kanyang kasintahan.Ngunit pagsaktong hawak nito sa balikat ay lilingon ang lalaki.Manlalaki ang mata ng Makita si Obet.Magugulat siya sapagkat ang  inakala niyang nakaupong lalaki na gumawa ng kanyang imahe sa painting ay ang kasintahan ngunit si Obet pa la.Suot suot nito ang pinag lumaang jacket ni Leo. Bababa si Leo. Lalapit kay Aida. “Ano nagustuhan mo ba ang inihanda ni Obet para sa iyo?”—tanong Leo. Hindi makapagsalita si Aida sa mangha. “Oo…it’s good..”—nauutal na sagot nito.Dumaan ang maraming araw, naging maayos ang pakiktungo ni Aida kay Obet.Hindi niya akalaing masarap pa lang kasama ang lalaking kinaiinisan niya sa pisikal na anyo.Unti – unti niyang naintindihan at napatunayan ang lahat ng magagandang bagay na binanggit ni Leo tungkol sa kanya.Ngunit higit pa sa inaakala niya ang naging resulta ng magandang pakikitungo nito kay Obet.Sa bawat bagay na ipinapakita at ipinapapamalas ni Obet ay lubhang namamanagha si Aida kung kaya’t mas naging intersado ito sa kanya. Kalaunan, ginawa ni Aida si Obet bilang driver niya at bilang designer ng kanyang garden.Unti- unting napapalapit ang loob ni Aida kay Obet na bukod namang ikinatutuwa ni Leo.
Hanggang isang araw bigla na lamang magigising si Aida na hinahanap na nito si Obet.Sa pagtulog, sa trabaho at saan man siya magpunta pati narin ng mamahalagang araw nila ng magkasintahan.
Nakakunot na lalapitan ni Leo si Aida. “Why do I get this feeling na hindi ka Masaya ngayon sa date naten?”.Halatang halata ni Leo ang pagiging cold ng kanyang kasintahan mag iilang lingo na.Kung kaya’t nagdudulot ito sa kanya ng bahala sapagkat ngayon lang niya naramdan ang ganitong damdamin na tila ma’y gumagambala sa isipan ni Aida. “Are you ..ok?”—tanong ulit ni Leo. “ah…yeah, I’m ok..I’m just….”---malumanay na sagot ni Aida. “You’re just what…tell me…tell me what bothers you!”—medyo malakas na ang tinig. Mapapapikit si Aida sa patungayaw ni Leo.
Simula ng mapalapit si Aida kay Obet ay ganito na makisama si Aida kay Leo.Hindi niya maintindihan kung bakit nagkakaganoon siya.Naiinis siya sa sarili sa nararamdamang kakaiba.Nagiging cold na siya sa lalaking pinangarap niya.Hanggang isang araw ay mapapagtanto ni Aida na nainlove na siya kay Obet ang lalaking kinaiinisan niya, ang lalaking wala sa kalingkingan ng lalaking pinapangarap niya, ang lalaking masasabihang NO GIRLFRIEND SINCE BIRTH dahil walang magkakagusto dito…ngunit paanong nangyaring siya…siya na napakataas ng standard ng pagpili sa lalaki at siya na nabubuwisit sa mga hindi pinagpala ang mukha ay na iinlove dito sa hindi inaasahang pagkakataon.Ngunit kay Obet, maliwanag ang lahat, matagal na siyang may pagtingin kay Aida simula pa noong highschool sila ngunit nasawi lamang ang pag-ibig nito sa kanya at ni minsan hindi siya nagtangkang ipparamdam ito sapagkat napag alaman niya na ang taong gusto niya ay ang taong kinahuhumalinagn din ng kanyang itinuring na kuya.At ito ay si Aida.
“Why…Naguguluhan na talaga ko friend..na iinlove na Ko kay Obet..but how could it happened to fall in love with someone which exactly opposite of my dream guy?” – nauulol na sambit ni Aida. “Tama na yan, friend.. lasing ka na”—tugon naman ang kaibigan nito. Makakailang bote pa ng alak si Aida bago inwi kaibigan nito sa kanyang tinirhan. Bagamat kaya pang tumayo ni Aida ay mababakas sa pagsasalita nito ang kalasingan.Ihahatid ng kaibigan nito si Aida sa kanilang tirahan. Saktong bababa si Aida ng mamalayang may nakatayo sa pintuan nila.Pinagmasdan niya ng maigi ito.Hinihintay siya ni Leo.Pagkapasok sa gate ay agad na sasalabungan nito.Yayakap ng mahigpit si Aida.Maririnig ang mahihinang hikbi nito.Mapapayakap ng mahigpit ang lalaki. “I’m sorry , I’m sorry for making you upset this few days”—nauutal na bulong ni Aida sa kaliwang tainga nito. “Ano…?”—sagot ng lalaki.Muling bubulong si Aida. Magiging mapusok ang pananalita nito. “I want you to make love with me”—dugtong ni Aida.Biglang kakalas ang pagkakayakap nito.Magugulat ang lalaki ng biglang siilan siya ni Aida ng isang mainit na halik na nag anyaya sa kanya upang dalhin siya sa kwarto.Dinala siya nito sa kwarto.Agad na maghuhubad si Aida at maagang ipapamalas ang mala-diyosang kagandahan na nagtatago mula sa kanyang mga saplot.Pagsasaluhan muli nila ang isang mapanuksong halik, napakainit at halatang naghahangad ng mas masidhing tugon mula sa kahalikan nito. Maglalakbay ang mga malilikot nilang mga kamay. Wala silang pinapalagpas na parte ng kanilang katawan.Hangang sa pumaibabaw na ang lalaki, mapapakislot si Aida, may kung anong sigalot ang nagsisismulang maghari sa pagkababae ni Aida. “ I want you to make me fall in love again with you….”—sambit ni Aida.Nagsimulang maglandas ang halik ng lalaki, pababa sa dibdib hanggang sa tiyan at puson…Mapapakapit si Aida sa braso nito ng magsimulang bumilis ang galaw ng lalaki.Mapapasabunot.Mapapakalmot sa kama at mapapahawak sa bakal ng kama.Hanggang sa mabalot ng ungol at mabibilis na buga ng hininga lamang ang naghari sa kwarto..
Nakangiting gigising si Aida dulot ng kakaibang sensasyong naramdaman matatapos ang pag niniig nila kagabi.Nakagising na ang diwa ni Aida ngunit nakapikit pa rin ito dahil patuloy na ninanamnam ang masasarap na sandaling nagdaan kagabi.Haharap siya sa kay leo.Bagamat randam niya ang pananakit ng ulo dulot ng kalasingan kagabi ay pinilit pa rin niyang gumalaw.Yayakap siya sa kasintahan.Magugulantang ng makapa ang patpating braso ng katabi.Manlalaki ang mata ng humarap ito pagkatapos humawak dito.Manlalaki ang mata ni Aida.Magugulat  na si Obet pala ang nakaniig, si Obet pa la ang nagdulot sa kanya ng kakaibang kalualhatian iyon na ngayon lang niya naramdaman kumpara sa  sensayong naramdaman sa pag niniig nila ni Leo.Hindi niya ito, ipinagtulakan bagkus yinakap pa niya ito ng buong lakas.Wala na siyang pakialam kung anuman siya..kung anuman ang hitsura niya..ang natatanging pag alala na nagdudulot sa kanya ng kaba ay ang kanyang kasintahan…Natatakot siyang mag tapat dito.Buong buo na sa isipan niyang mahal na niya talaga si Obet. Di niya inakalang ang taong kabaligtaran ng kanyang pinangarap ay mapapaibig siya.
“Obet, nagsabi ba si Aida na hindi siya uuw….” Gulat na naudlot ang kanyang pangungusap matapos niyang bukasn ang kwarto ni Obet. Magugulat ang dalawa ng Makita sila ni Leo na hubo’t hubad at magkatabi sa kama. Hindi napigilan ni Leo ang sarili at pinagsusuntok si Obet. “Wala kang utang na loob..matapos kitang ituring na parang kapatid at patirahin sa bahay ko…ganito pa ang igaganti mo..mga walang hiya…mga baboy kayo!”--- galit habang umiiyak na sambit ni Leo.
Papalayasin ni Leo si Obet matapos nang mangyari.Tatanggapin pa din ni Leo si Aida kung kaya’t patuloy paring magkasama ang magkasintahan.Napag isip isip ni Aida ang kasalanang nagawa niya sa kasintahan kung kaya’t bumawi ito sa kanya..ngunit lingid sa kaalaman ni Leo na patuloy pa ding minamahal ni Aida ang si Obet.Nagsimula muli ang magksintahan ng isang bagong simula.Lalong naging Masaya ang kanilang pag sasama ng matuklasang nagdadalantao na si Aida.Naging makabuluhan ang pakikisama niya sa lalaking dati niyang minahal at pinipilit ang sarili upang manumbalik ang dati niyang pag tingin dito.Nanganak si Aida at isang malusog na batang lalaki.Nagpakasal ang magkasintahan.Naging Masaya ang kanilang pagsasama simula nang dumating ang anak nila ni Leo kung saan binuhos ni Aida ang lahat ng kanyang oras.Kumpleto na sana ang buhay ni Aida at maituturing na sanang pinakamasaya ang pamilya niya kung hindi lamang dumating ang isang problema sa buhay niya.Nagsimulang magunaw muli ang mundo niya ng lumalaki na ang kanyang anak at ang masakit sa paglaki ng kanyang anak ay nagiging dahilan siya upang maipapaala ang pagkakamali niya sa kasintahan dahil nagiging kamukha nito si Obet.Umuukit sa mukha nito ang mukha ni Obet. Dahil doon nabuwag at nasira ang magandang pagsasama nila ni Leo.Nakipaghiwalay ito kay Aida at napilitang hanapin ni Aida ang tunay na ama ng kanyang anak.

“Sorry,…I didn’t know..I’m sorry Leo…Wala na akong mukhang maihaharap sa iyo..nararapat lang na hiwalayan mo ako.”—naiiyak na sabi ni Aida. “Hindi ko kayang makisama sa babaeng may anak sa ibang lalaki na patuloy na magpapa alala sa akin ng kanyang pagkakamali at ng pagtataksil ng taong itinuring kong kapatid”—Pagalit nitong sagot.Mapapahagulgol si Aida.Aalis sila ng kanyang anak at hahanapin nito ang lalaking tunay na minamahal at ang tunay na ama ng kanyang anak.Aalis silang walang patutunguhan. Ang tanging lugar na alam niyang possibleng nandoon si Obet ay ang lugar kung saan noong isang araw dinala siya nito ng mga panahong maayos pa ang lahat.Agad nilang tinungo ng kanyang anak ang lugar na iyon.
“Maari po bang magtanong, ale?”—tanong ni Aida. “ Anu po yon, ate?”—kiming tugon ng ale. “Dito po ba nakatira si Obet Reynoso?”—kinakabahan sa pagkakatanong nito.Ang mga mata ni Aida ay tila nangungusap at bakas na bakas ang pag-asa.Sasagot ang ale na pinagtanungan niya. “Opo…ate..nandito pa po sila..”Biglang sisilay ang isang maaliwalas na ngiti mula sa mg labi ni Aida ng malamang nandito sa lugar na ito ang lalaking pinakamamahal.Bagamat pagod na pagod na siya dahil karga karga niya ang anak niya ay di nito alintana ang hapo lalo na’t nang mahagilap na nito si Obet na nakatayo sa tapat ng pintuan nila.
Mabibilis na hakbang at nag uumapaw na saya ang mababakas sa mukha ni Aida.Ngunit matitigilan siya at mabilis na magbabagsakan ang mga luha sa kanyang mga pisngi nang Makita ang isang buntis na humawak sa balikat nito.Animo’y pinagsakluban ng langit at lupa si Aida sa nakita.Hindi niya napigilang mapahagulgol kung kaya’t nagtinginan lahat ng tao sa kanya.Mabilis siyang aalis at magtutungo sa bus station.Patuloy na magtitinginan ang mga tao sa bus station kay Aida sapgkat di pa rin niya mapigilang lumuha mula sa masaklap na nabatid.Bagamat masakit sa kanya ang pagkasira ng relasyon nila ni Leo ay waring may saya itong hatid kay Aida sapgkat magiging Malaya na siyang mahalin ang taong tunay niyang mahal kung kaya’t umalis sila sa piling ni Leo na punong puno ng pag-asa, ngunit ang pag asang iyon ay natakpan muli ng katotohanang nasaksihan niya kanina lamang.
Saktong paakyat na sa maliit na hagdanan ng bus si Aida at ang kanyang anak ng may humawak sa kanya sa likod na nagdulot sa kanya upang mapalingon.Nagulat siya ng Makita niya ang taong humawak sa kanyang likod, napaluha muli si Aida.
“Obet, wala na kami ni Leo…si Andrew ang anak mo…….”—nauulol na sambit ni Aida.Hahawak sa dalawang balikat ni Aida si Obet.Nangungusap ang kanyang mga titig. “Paanong..alam mo kaming nandito?”—Aida. “Sinbi sa akin ni Aleng Alice ang pagtatanong mo tungkol sa akin at ang batang kamukhang kamuha ko daw…”—masuyong tugon ni Obet. “Oo, anak mo nga si Andrew..nabuntis ako ng mawala ka at inakala naming anak naming ni Leo, ngunit ngayong malaki laki na si Andrew halatang halata na ikaw ang ama”—naiiyak na tugon ni Aida.Lalapad ang ngiti ni Obet.Yayakap sa mag ina niya. “Ngunit alam ko na ang lahat, may asawa ka na at iyon yung babaeng buntis na nakita kong kasama mo”—malumanay na tugon ni Aida. “Ngunit nagkakamali ka, wala akong asawa, ang buntis na nakita mo kanina ay pamangkin ko sa isang pinsan, wala silang matirhan kung kaya’t pinatira ko sila sa bahay..at ng mawalay ako sa’yo.ipinangako kong hindi nako kailanman magmamahal..pero ngayong nandito ka na at ang anak ko…. Hindi ko na kayo pakakawalan pa… at ako na ang pinaka masayang lalaki sa buong mundo.Magyayakapan ang dalawa kasama ng kanilang anak. “itinadhana ka talaga sa akin… ikaw na kinaiinisan ko’t kinabubwisitan ay mamahalin ko’t pagsisilbihan……- ang tanging nasambit ni Aida matapos malaman ang katotohanan.