Friday, January 18, 2013
MY FIRST EVER DULA ENTITLED " PAPUTOK"
- TAGPO I
SA LOOB NG KWARTO.MAG AALAS-NUEVE NG GABI.MAINGAY SA
LABAS DULOT NG MGA PAPUTOK.PAREHONG HUBAD NA NAG MI-MAKE LOVE ANG MAG ASAWANG
ROLLY AT STELLA TAGLE.ANG LIWANAG AY PANAKA NAKA LAMANG DULOT NG NAKABUKAS NA
BINTANA KUNG SAAN PAKUTITAP NA SUMISILIP.
MAGSASALITA SI STELLA:
STELLA:Salamat…Rolly…This
New Year’s Eve would be the greatest experience ever..I LOVE YOU.
HAHAPLUSIN NI ROLLY ANG
PISNGI NG KANYANG ASAWA.
ROLLY:Don’t even pay a
heed to thank me.Besides, it’s my job, and I say job .. because it’s my
responsibility…
TITITIG NA MAY TIMAN
ANG BABAE.
STELLA:…(BUNTUNG-HININGA)
MATUTUKSO MULING HAGKAN
NI ROLLY ANG ASAWA.
ROLLY:All the years
we’ve been through.All the worries that I made, yet you still have the supreme
of beauty that a man like me could even dare to sell the soul just to have it …shhhh.
TITIGIL SI
STELLA.KAKAPIT SA LEEG NI ROLLY.
STELLA:(NANGINGILID ANG
LUHA)..And you’re all the man that I could wish for.. I never intend to look
for another man, coz.. you defined everything that a man could be.. HUMBLE,
HANDSOME at higit sa lahat RESPONSIBLE for both of your work and to your
family…
MAGSISIMULA ANG PILYONG
TINGIN NI ROLLY.
ROLLY:So, what were we waiting for? Anyway.. HAPPY
HAPPY NEW YEAR STELLA..Since, nag sa-sign na yung mga paputok sa labas at
tumatawag na yung mga anak natin…PUTUKAN NA! TULOY NA NATIN ‘TO!(HALOS MAULOL
SA TAWA)
YAYAKAP NG MAHIGPIT SI
STELLA SA ASAWA.
STELLA: Ikaaw talaga!
Mamaya pa kaya (nakatiman) …HAPPY HAPPY NEW YEAR ROLLY!
MAWAWALA ANG ILAW.
TAGPO II.
LALABAS SA KWARTONG
MAGKAYAKAP ANG MAG-ASAWA.SASALUBONG ANG TATLONG ANAK NITO.
MASUYONG YAYAKAP ANG
BUNSONG ANAK.
CHRISTIAN:Mama,…
ano?kailan ba kami mag-aapat?(NAKATAWA).
MAGSISITAWANAN ANG
PAMILYA.
STELLA: (TUMATAWA)..
Huwag kang mag-alala anak.. kapag biniyayaan kami ulit ni GOD ng baby, kaw una
kong pagsasabihan nito., okay ba ‘yon?
AAKBAY ANG BABAENG ANAK
NITO.
QUEEN: Oo nga, ma, at
sana babae, katulad ko para may kakampi naman ako dito kapag naglolokohan at
siyempre para may pagmamanahin naman ako Sa talent ko bilang FASHION STYLIST .
MAGSASALITA SI STELLA
AT HAHAPLUSIN NITO ANG MUKHA NI QUEEN.
STELLA: (NAKATIMAN) ..
Huwag ka ding mag-alala kapag nabuntis ako at babae to.Iuugnay ko mga pangalan
niyo.Since we have QUEEN, why not make and follow it to PRINCESS? Right, Rolly?
BUBUHATIN NG
NAKATATANDANG ANAK SI CHRISTIAN AT MAGMAMALAKI.
NOEL: (BUBUHATIN SI
CHRISTIAN).Basta, ma, if God will grant you a handsome baby boy like us.Don’t
forget to relate his name from us huh, at magiging magaling at responsableng POLICE
din siya tulad ni Papa.
HUMAHALAKHAK ANG
MAG-ANAK NANG BIGLANG MAY KUMATOK.
MAPAPALINGON ANG LAHAT
SA KINAROROONAN NG PINTO.
CHRISTIAN: Ako nalang
po!
STELLA: Oh.. sige,
sige!
PAGKABUKAS NG PINTO
AGAD NA MAKIKITA ANG ISANG LALAKING NAKA UNIPORMENG PANG POLIS AT HAHANAPIN SI
MR. ROLLY TAGLE.
BUBUKAS ANG PINTO.
SPO4 ROMEO: HI
Christian! Nandyan ba ang papa mo?
TATANGO SI CHRISTIAN AT
ITUTURO ANG KINAROONAN NG PAPA NIYA.
CHRISTIAN: Opo, Sir!
Ayun pa sila! Halika po sir! Ganda talaga ng uniporme niyo Sir! Parang yung kay
papa!paglaki ko po gusto ko pong maging katulad niyo! Idol na Idol ko po kasi
si papa!
TITIMAN ANG LALAKI.MAG
KAUSAP HABANG SASAMAHAN NITONG PUMASOK
SA LOOB.
SPO4 ROMEO: AH…Siyempre
naman at tsaka dapat lang! anak ka talaga ni GENERAL!Halika na!
CHRISTIAN: Oh sige po!
HAPPY NEW YEAR PO PALA!
SPO4ROMEO: HAPPY NEW
YEAR DIN!
MAGSASALABUNGAN NG
ISANG SALUDO ANG PAREHONG POLICE NG MAGKAHARAP.
SPO4 ROMEO; Ah .. Sir!
Irereport ko lang po sana yung … sa kabilang barangay.May isa po kasing lasing na
nanggugulo at sa ngayon ay hinohostage ang sariling mga anak.Napatay daw po
nito ang sariling asawa at apat na po ang sugatan.
KUKUNOT ANG NOO NI
GENERAL.
GEN.ROLLY TAGLE:Ah..
ganun ba? Oh, magbabagong taon pa naman .. o sige , hintayin mo lang ako sandali
at magbibihis ako.Maupo ka muna.
SPO4 ROMEO: Oh sige po!
MABILIS NA NAGBIHIS SI
ROLLY AT AGAD NA KINAUSAP ANG PAMILYA.
ROLLY: STELLA, Kaw na
muna bahala dito sa bahay.May kailangan lang kaming asikasuin.Alam kong bagong
taon na mamaya, pero tinatawag ako ng responsibilidad ko.
HAHAWAK SA BALIKAT NI
ROLLY SI STELLA.
STELLA: (TATANGO)..
Kailan ba ako nagtampo?Sige.. INGAT KA .. I LOVE YOU!
HAHALIK SA PISNGI NI
STELLA SI ROLLY.
ROLLY: I LOVE YOU DIN!
(TITINGIN SA MGA ANAK), Queen, Noel at baby Christian huwag mag – alala sandali
lang si papa , alam ko ngayon lang tayo ulit makukumpleto sa mga ganitong
okasyon, pero makakarating ako , bago mag alas dose .. pangako!
MAGSASALITA ANG TATLO.
CHRISTIAN:INGAT PA! Dyan
ko po kayo nagiging idol eh! Alam ko pong mahirap magsakripisyo ng oras sa
pamilya pero napagsasabay niyo po pati pagiging police niyo!
QUEEN:INGAT PA!(nakatawa)
Gusto lang niyan ng pasalubong!
NOEL:GE.. PA! INGAT!
MAWAWALA ANG ILAW.
TAGPO III.
MABILIS NA
MAGSISIBABAAN ANG DALAWANG POLICE SA MINAMANEHONG TAXI.SA ISANG KALYE MALAPIT
SA MAY HOSTAGE TAKING.
SPO4 ROMEO: Oh pano
sir! ..tara na po! Naghihintay na po ang mga pinauna nating mga kasamahan.
GEN. ROLLY TAGLE: Oh
tara na!
BIGLANG TUTUNOG ANG
PAREHONG CELLPHONE NG DALAWANG POLICE.PAREHONG SANDALING LALAYO SA ISA’T-ISA.
GEN.ROLLY TAGLE:
Sandali lang Romeo, at tumatawag ang asawa ko…
SPO4 ROMEO: Oh sige po
Sir! Sandali din po! At may follow-up ang mga kasamahan natin.
(ON CALL)
ROLLY
TAGLE: OH ..HELLO? STE…ELLLAAAA?
STELLA:ROLLY..
HELLO?...NARIRINIG MO BA ‘KO? DI KITA MARINIG?(NANGINGINIG ANG BOSES)
ROLLY TAGLE: HE…EEELO?
HEELLO? STELLLA?, DI KITA MARINIG! ANO BANG NAGYARI? BA’T KA……(MAWAWALAN NG
SIGNAL)
TITINGIN SA CELLPHONE
SI ROLLY AT PATULOY NA I DA-DIAL ANG NO.
NG ASAWA NGUNIT HINDI MA KO-CONTACT DULOT NG KAWALAN NG LINYA.
ROLLY TAGLE: anu kaya
nangyari dun? Ma text ko nga.
BISING BUSY SI ROLLY
TAGLE SA PAGTETEXT SA ASAWA NG BIGLANG TAWAGIN SIYA NI SPO4 ROMEO.
SPO4 ROMEO:Sir! Tumawag
po mga kasamahan natin kailangan na daw po tayo doon! Nagpakawala daw po ng
maraming bala ang nanghohostage, kailangan daw po ang diskarte niyo!
Gen.rolly tagle: Oh
sige ! Tara na!
MABILIS NA MAGTUTUNGO
AT TATAKBO ANG DALAWANG POLICE SA 1ST STREET NG BARANGAY KUNG
SAAN NAGAGANAP ANG HOSTAGE-TAKING
TAGPO IV.
KUKUMBINSIHIN NG MGA
POLICE ANG SUSPEK.MARAMI NG TAO ANG MAKIKISYOSO.NAPAPALIBUTAN NA NG PULISYA ANG
BAHAY.
SPO1: (NAKA
MEGAPHONE)..Sir! pag-usapan nalang po natin ng mabuti yan! Mag iisa’t
kalahating oras na lang at magbabagong taon na.. maawa po kayo sa mga anak
niyo! Huwag niyo pong hayaang salubungin ninyo ang 2013 na ganyan ang kalagayan
niyo.Baka aksidente niyo pong makalabit yan!
SASAGOT ANG SUSPEK.
SUSPEK: (MALAKAS ANG
BOSES) Mga putang Ina ninyo!Hindi niyo ko maloloko!Mag si alisan kayo dito mga pakialamero!Hayaan
niyo kong makatakas at di ko sasaktan mga anak ko!alis!alis!(napahatsing dulot
ng kalasingan)
LALAPIT NG BAHAGYA SI
SPO4 ROMEO AT KUKUHANIN ANG MEGA PHONE.
SPO4 ROMEO: Para ninyo
na po ng awa! Mga bata at higit sa lahat mga anak niyo po ang mga hinohostage
niyo!Pakawalan niyo na po sila! Sumuko lamang po kayo at pag-uusapan natin mga
problema niyo!
MALULUTONG NA TAWA ANG
IGAGANTI NG SUSPEK AT MABALASIK NA MAGPAPAPUTOK .LALAPIT ANG MGA PULIS AT
MAGUGULAT SA ISA PANG PUTOK NA PAKAKAWALAN NG SUSPEK.
MAGSASALITA SI GENERAL.
SPO2:General… mukhang
patay na po ang mga anak niya.Hindi na po naming marinig ang mga hikbi!
GEN.ROLLY TAGLE:Sige
pasukan na natin!
PAGPASOK SA BAHAY AY
MAGIGING MADALI ANG SA KANILA ANG
OPERSYON DAHILDI PAPALAG ANG SUSPEK AT IIYAKAN ANG MGA ANAK NA NAKAHANDUSAY SA
SAHIG.
SUSPEK:Mga anak!
Patawarin niyo ko!(umiiyak ng malakas)
SPO3;Mas mabuti po kung
sumama na po kayo sa prisinto,
POPOSASAN AT MADALI NAMANG
SASAMA ANG SUSPEK SA MGA PULIS.
TAGPO V.
SA TAPAT NG POLICE
STATION.MAIIWANG MAG-UUSAP SI SPO4 ROMEO AT SPO3 AT GENERAL TAGLE.MAG
KAKALAHATING ORAS BAGO MAG BAGONG TAON.MAIILAWAN SILA NG ILAW NA KUMIKISLAP
MULA SA TAXI.
SPO4 ROMEO: Oh… pano
Sir! Successful ang operation naten! This calls for a simple celebration!
MAPAPALINGON SI SPO3
KAY SPO4 ROMEO.
SPO3: Anung
celebration? Eh bagong taon na mamaya?At siguradong di papayag si Sir no, dahil
uuwi na yan sa bahay nila!
GEN.TAGLE: (MAPAPA UBO)
Tutal 30 minutos pa bago mag alas dose , tara at pagbibigyan ko kayo ng konting
shot!
TATAPIKIN SA BALIKAT NI
SPO4 ROMEO SI SPO3.
SPO3: Tara.. yun oh!
SPO4 ROMEO:Sabi ko
sa’yo!
GEN.TAGLE: O..tara na
sa office ko!
MAWAWALA ANG ILAW.
TAGPO VI.
SA LOOB NG OFFICE NI
GEN.TAGLE.PANG LIMANG BOTE NA NILA NG
ALAK NANG MAGDESISYON AT MAMALAYANG MAGSASAMPUNG MINUTO NA LANG BAGO MAG ALAS
DOSE.
MAPAPATINGIN SA RELO SI
GEN. TAGLE.
GEN.TAGLE: (lasing na
pero kaya pang tumayo at magmaneho )Aba! Kailangan ko na palang umalis! Sampung
minuto na lang pala.
SPO3:(LASING NA DIN)..Oo
nga Sir! Di ka kaya pagalitan ni misis kung maamoy ka niya?
TATAYO NA SI GENERAL.
GEN.TAGLE: Hindi noh?
Ilang beses nakong naamoy ni STELLA pero di siya nagalit..Mauna na ako.
BIGLANG TUTUNOG ANG
CELLPHONE.KAKALAPIN NI GEN. TAGLE ANG UNIPORME.
SPO4 ROMEO; Eh..sir!
nakalimutan ko po palang banggitin sa inyo na kanina pa tumutunog ang cellphone
niyo simula ng ipahawak niyo po sa akin during the operation.
GEN.TAGLE:Ha? Ba’t
ngayon mo lang sinabi? Hala!
KUKUNOT ANG NOO AT
NAG-ALALA SI GEN.
SPO4 ROMEO:Eh.. SiR..
Pasensya na po.. ngayon kulang po ulit naalala kasi ngayon ulit tumunog.
INIABOT NITO ANG
CELLPHONE KAY GEN.MAKIKITA ANG 24 MISS CALLS AT 10 MESSAGES.
GEN.TAGLE: Patay! Cge
.. maya ko nalang tingnan mga text na ‘to..mauna na ako!(magmamadaling tutungo
sa may sasaksyan)
BIGLANG
MAGSASALITA SI SPO3.
SPO3: E Sir 5 minutes
na lang ang natitira at mag aalas dose na !sigurado di kana aabot? Pustahan man
tayo!
SPO4 ROMEO:
(TUMATAWA).Parang di mo alam magmaneho si Sir, mabilis yan magmaneho pero
maingat!
GEN.TAGLE:Parang gusto
ko ang pustahan na iyan!
MAGTITINGINAN SI SPO3
AT SPO4.
SPO3: KOL!
SPO4 ROMEO:KOL!
TAWANAN AT SABAY SABAY
NA NAGLABASAN SA OFFICE.
SPO3:Eh ser!… kailangan
po, may signal muna bago I istart ang sasakyan?Para naman magandang pakinggan
ang pustahan natin..tama ba Sir? Yung bang kakaiba di niyo pa nagagawa dahil
bawal?
SPO4 ROMEO: Anung
signal naman ‘to?
TATAWA SI SPO3.
SPO3; Ang slow
mo!(aakbay kay SPO4) Alam na ni Sir yun!
BIGLANG ITUTUTOK NI
GEN.TAGLE ANG BARIL SA LANGIT AT MAGPAPAPUTOK NG ILANG BESES.
GEN.TAGLE: Edi….
(booom!,booom!,booom!) HAPPY HAPPY NEW YEAR!
KAAGAD NA PAPASOK NG
KOTSE SI GEN.TAGLE AT MUNTIK PANG MADAPA DULOT NG KAUNTING HILO NA NAKUHA SA
INUMAN KANINA.
GEN.TAGLE;Sige.. Orasan
muna ko…kung makakaabot ako sa bahay in five mins.!bilis! sige!
MAIIWANG UMUUBO SI SPO3
AT SPO4 ROMEO DULOT NG USOK NG SASAKYAN NI GEN.TAGLE AT GULAT NA GULAT SA
GINAWA NITONG PAGPAPAPUTOK.
SPO4 ROMEO:(UMUUBO)..
Panung nagawa ni Gen.tagle?Nagulat ako dun hah!
SPO3:(tumatawa) Ang
dali-dali naman palang utuin ni Sir!
BABATUKAN NI SPO4 SI
SPO3.
SPO4 ROMEO:Sira kaba!
Kapag nalaman ‘to ng mga nakatataas baka suspendihin siya!
TAGPO VII.
SA TAPAT NG BAHAY NINA
GEN.TAGLE.BABABA SA KOTSE.MAGMAMADALING BUKSAN ANG GATE.MAINGAY PA DIN SA LABAS
DULOT NG ILANG MGA NAGPAPAPUTOK PA SA LABAS KAHIT DALAWANG MINUTONG NA ANG
NAKALILIPAS PAGKATAPOS NG ALAS DOSE.WALANG MAANINAG NA TAO SA LOOB.
GEN.TAGLE:( NAPABUNTUNG
HININGA)..Mukhang tulog na yata sila.Di na nila ko nahintay.
PAGBUKAS SA PINTO AGAD
ITONG PUPUNTA SA KWARTO NG BUNSONG ANAK.
KAKATOK SA PINTO NI
CHRISTIAN.
GEN.TAGLE(TOK.TOK.TOK)..christian?..tian?...baby?Dito
na si Papa?
BUBUKSAN NG DAHAN
DAHANG ANG KWARTO.WALANG TAO.WALA SI CHRISTIAN.
GEN.TAGLE:Hah?...wala?
MAGTUTUNGO SA KWARTO NG
ASAWA.
KAKATOK AT AGAD DING
BUBUKSAN ANG PINTO.WALANG ILAW.WALANG MAANINAG.
GEN.TAGLE:Stella..?sorry
kung hindi ako nakaabot?
MAGMUMUKHANG TANGA NA
NAGHINTAY AN MAY SUMAGOT.PIPINDUTIN ANG ILAW.MAKIKITANG WALA DING TAO.
GEN.TAGLE:Wala… din?Di
kaya nagtampo sa akin ang mga yun?ah..baka nasa kwarto ni QUEEN.Kala nila
siguro di ko alam taktika nila.
BUBUKSAN ANG MGA KWARTO
NG MGA ANAK.MAGUGULANTANG DAHIL WALA DING TAO.KUKUNOT ANG NOO.MAG AALALA,
BUBUNTUNG HINGA AT TATANUNGIN ANG SARILI.
GEN.TAGLE:Hah? …san na
kaya mga yun?
PAKAMOT ULONG LALABAS
NG KWARTO SI GEN.TAGLE.MULING TUTUNOG ANG CELLPHONE.KAKALAPIN ANG CELLPHONE SA
BULSA.MAKIKITA ULIT ANG TXT MESSAGES NI MISIS.
GEN.TAGLE:Oo nga pala….
MABIBITAWAN NITO ANG
CELLPHONE AT MASISINDAK PAG NABASA ANG MENSAHE AN IPINADALA NG KANYANG
ASAWA.NAAKSIDENTE DAW SI CHRISTIAN.KRITIKAL AT DINALA DAW SA PINAKA MALAPIT NA
HOSPITAL.NINERBYOS.MANGINGINIG NA PUPULUTIN ANG CELLPHONE SA
SAHIG.MAGMAMADALING LALABAS AT MAGMAMANEHO PAPUNTA SA HOSPITAL.
TAGPO VIII.
SA HOSPITAL.TATAKBONG
MAGTATANONG SI GEN. TAGLE TUNGKOL SA ANAK.MAGKAKAGULATAN NG MAKIKITA ANG DALAWA
NITONG KASAMA SA INUMAN KANINA.
SASALUDUHAN NG DALAWANG
POLICE SI GEN. TAGLE.
SPO4 ROMEO: Ser.. bakit
po kayo nandito?
SPO3:Sir…nalaman po
naming na ang baril na ginamit ng suspek sa pang ho hostage ay inagaw lang sa isa
nating ksamahan at…
DI NA TATAPUSIN NI
GEN.TAGLE ANG SASABIHIN NG KASAMAHANG PULIS.TATAKBONG MAY SINASABI.
GEN.TAGLE:
(TUMATAKBO)….Mamaya nalang tayo mag-usap.Kailangan ko munag Makita ang kwarto
ng anak ko?
MAGKAKATINGINAN ANG
DALAWANG PULIS.
SPO4 ROMEO: Kwarto ng
anak?Eh..kanina lang sinundo ko si Sir..ayos lang mga anak niya…?Sino kaya na
aksidente sa kanila?
TATAPIKIN SA BALIKAT NI
SPO3 SI SPO4 ROMEO.
SPO3:Hoy! Hindi ka
manghuhula…ba’t di kaya natin punathan para malaman natin no?
SPO4 ROMEO;Oh..sige
tara na!
TAGPO IX.
AABUTAN NI GEN.TAGLE NA
UMIIYAK ANG ASAWA HABANG HAGOD HAGOD
NITO ANG ANAK NA SI QUEEN NA UMIIYAK DIN.MAPAPALINGON ANG DALAWA AT BAHAGYANG
MATITIGIL ANG IYAK NANG MARINIG ANG LANGITNGIT NG PINTO NA SIMBOLO NA MAY PUMASOK
NA TAO.
SABAY NA YAYAKAP ANG
ASWA’T ANAK NITO HABANG UMIIYAK.
QUEEN:Pa..si
Christian…(garalgal ang boses)
STELLA: Rolly… ang anak
mo..(nanginginig ang boses)
GEN.TAGLE: Ba…bakit
ba?Anu ba nangyari?
MAGUGULAT AT HALOS
MABINGI SI GEN.TAGLE NANG BIGLANG MAGSALITA ANG ASAWA.
STELLA;( GARALGAL PERO
MALAKAS ANG BOSES, PASIGAW)…Bakit?Sino ba kasi sa mga iresponsableng mga
kasamahan mo ang gumawa nito?
YAYAKAP SI GENERAL SA
ASAWA.UUPO AT PATULOY NA MAG IIYAK SI QUEEN.
GEN.TAGLE:Bakit…ba…bakit
ba?Ano bang ginawa ng mga kasamahan ko?Anu naman ang kinalaman nila sa pag
kaaksidente ng anak natin?(mangiyak ngiyak).
AANGAT ANG MUKHA AT
MAKAKALMA NG KAUNTI AT DAHAN DAHANG SASABIHIN ANG NANGYARI SA ANAK.
STELLA:Nabaril ng ligaw
na bala ang anak mo….tumama ito sa likod niya at nadaplisan ang spinal cord
niya.Sabi ng Doktor, kapag hindi siya nagkamalay in 24 hrs.He will be in
coma.(napahagulgol).Alam kong bawal ang mga baril sa mga hindi pulis, lalong
lalo na sa lugar natin at alam ku din na bago pa mag bagong taon sumumpa kayong
mga pulis na walang magpapaputok at lahat ng mga di lisensyadong baril ay
kinumpiska niyo na… pero bakit?ba..bakit nabaril ng ligaw na bala si Christian?Sinabi
din ng mga nag test sa bala ay galing sa isang lisensyadong pulis ang bala…..
ANIMOY SI GENERAL TAGLE
NAMAN ANG NA BARIL NG MAISATINIG AT MARINIG ANG PATUNGAYAW NG ASAWA TUNGKOL SA NANGYARI SA ANAK..HALOS LUMUBOG
SIYA KINATATAYUAN NIYA.HINDI MAKA
GALAW.BUMALIK SA BALINTATAW NIYA ANG MGA BAHAW NA TUNOG NG MAGPUSTAHAN SILA NG
DALAWANG KASAMAHANG PULIS AT LALO NA ANG TUNOG NA PUMAILANGIT NA SIYANG MAY
GAWA NG PAGKALABIT NG BARIL NA KAGAGAWAN NG KANYANG KAWALANG BAHALA’T
KAPABAYAAN.MANGINGILID ANG LUHA.
GEN.
TAGLE:Paanung…nangyari…(nauulol sa awa’t kaba)
HAHAGULGOL SI STELLA AT
QUEEN.BIGLANG BUBUKAS ANG PINTO NA AAGAW SA KANILANG ATENSYON.PAPASOK ANG
DALAWANG PULIS NA KASAMAHAN.
SPO4 ROMEO;Pasensya po
sa abala….
SPO3:Ser,.. mawalang
galang na po..anu pu ba nangyaari?
MABILIS NA
MAGBABAGSAKAN ANG LUHA NI GEN.TAGLE NA KANINA PA NAIPON.SASAGOT AT TATAYO SI
STELLA.
STELLA:Kailangang
maparusahan ninyo ang gumawa nito..Hanapin ninyo ang pabaya at iresponsableng
pulis na nagpakawala ng bala ng baril na tumama sa anak ko!
GULAT NA
MAGKAKATINGINAN ANG DALAWANG PULIS.MAPAPATINGIN KAY GEN. TAGLE.IIWAS NG TINGIN
SI GEN. TAGLE.
MAGSASALITA SI SPO4
ROMEO.
SPO4 ROMEO:Ang
pagkakaalam po namin ay….(naudlot)
SASABAT SI GEN .TAGLE
UPANG MAIBA ANG USAPAN.
GEN.TAGLE:Halikayo!..Doon..tayo
sa labas natin pag usapan ang nangyari.(titigasin ang boses)
TAGPO X.
SA LABAS NG ROOM KUNG
SAAN NAKA HOSPITAL SI CHRISTIAN.MAGLALAKAD SILA PATUNGO SA ISANG MEN’S ROOM AT
DOON MAG UUSAP USAP.
SPO4 ROMEO: Sir! Habang
maaga..sabihin mo at ipaliwanag mo na ang guilty sa feeling mo.Kailangang
ipaintindi mo sa kanila Sir…(naudlot)
GEN. TAGLE: Na ano? na
pabaya ako?That I’m careless? Ang laki laki ng tiwala sa akin ng pamilya ko..
kailangang lumabas akong malinis at walang alam.
BABALING SI SPO3 KAY
GEN. TAGLE.
SPO3:Eh.. Ser! Ayoko
pong isipan na bala niyo ang bumaon sa sarili niyong anak?Eh,.. sa tantya ko po
, Sa barangay natin at sa kabilang barangay matagal na nating nakumpiska ang
mga di lisensyadong baril at tayong mga pulis lang ang may mga baril at alam
lahat ng tao na sumumpa tayo sa harap nila na walang magpapaputok na wala
namang sapat na dahilan.
BUBUNTUNG HININGA SI
GEN. TAGLE AT MAGSASALITA.
GEN. TAGLE: Kahit ako,
ayokong isipin ngunit parang dinudutdot ng sariling konsensya ko ang guilt sa
ulirat ko.Hindi ko kaya ‘to! Kailangang lumabas na inosente ako.Ayokong sirain
ang tiwala nila sa akin at ang magandang impresyon ko sa kanila hindi lang
bilang isang AMA kundi bilang
responsableng pulis din… at ngayon….(NAUULOL AT MEDYO GARALAGAL)
ISANG MALAKAS NA DAMBA
SA PINTUAN ANG BUMULAGA SA KANILA.MASISINDAK AT MAGUGULAT ANG TATLO.LALABAS SI
NOEL SA ISANG CUBICLE NG CR.
MAPAPATIGIL SI NOEL
SANDALI AT TITINGIN SA AMA.NARINIG NITO ANG LAHAT NG PINAG USAPAN NILA.MAIIYAK
HABANG NAGSASALITA.
NOEL:Pa…How could you
this to us? Paano mo kayang lokohan kami sa kasalanan mo! Ikaw ang may
kasalanan?How dare you pa? I hate you!
HAHAWAKAN ANG BRASO NG
ANAK.
GEN.TAGLE:Anak.. Noel,
listen to me.. Ayokong mangyari ‘to.But
I know this is my fault.Pls. wag mong sabihin ‘to! Let me explain to
your mom what had really happened..(maiiyak)
MANLALAKI ANG MATA NI
NOEL.
NOEL: Hah?... What
could you explain for then? That you’re callous, careless, irresponsible..
Mismung mga Pinuno ng mga pulis!
DI MAPIPIGILAN NI GEN. TAGLE ANG KAMAY.DADAPO
ITO AT SASAMPAL SA MUKHA NI NOEL.MATITIGILAN.
MABILIS NA AALIS AT
BABANGAIN NI NOEL ANG AMA.
NOEL:How dare you..pa!
HAHABLUTIN NI GEN.
TAGLE ANG ANAK.
GEN.TAGLE: Sandali!
Noel!
BABALING SI NOEL AT
AALISIN ANG PAGHAHABLOT NITO.
NOEL:Bitawan mo ko!
MAGKAKATINGINAN ANG
TATLO.HAHAGURIN AT KAKALMAIN NG DALAWA SI GEN. TAGLE.
SPO4 ROMEO: Makakayanan
niyo yan Sir! Sa dinami dami ng pagsubok na dinaanan natin …maging pagtaya ng
ating mga buhay ay nalagpasan na natin.. kaya alam ko pong malalagpasan niyo
iyan …
GEN. TAGLE: Iba ang
pamilya…ang takot ng maka ilang beses ku nang tinaya ang buhay ko ay mas doble
ngayon ang takot na nararamdaman ko ..takot na baka mawala ang pamilya ko…ang
buhay ko..(MAIIYAK).
TAGPO XI.
SA HARAP NG HAPAG-KAINAN.
KAHARAP NI STELLA AT NOEL SI GEN
TAGLE.UMAGA.WALA SI QUEEN , SIYA ANG NAGBABANTAY KAY CHRISTIAN SA HOSPITAL.
AABUTAN NG PAGKAIN AT
KANIN NI STELLE SI GEN. TAGLE.
STELLA: Ano na ang
follow-up investigation sa nangyari sa anak mo?
MAGKAKATINGINAN SI NOEL
AT GEN. TAGLE.SISIGUNDAHAN NI NOEL ANG TANONG.
NOEL:(MATALIM ANG
TINGIN) Oo nga pa..alam niyo na ba kung sino ang may kasalanan?
HINDI MAKATINGIN NG
TUWID SI GEN TAGLE KAY NOEL.
GENERAL: (IINOM NG TUBIG).
HAH? Uhmmmm…. Wala pa ding lead kung sino at saan nanggaling ang bala?( muntik
maulol)
SASAGOT SI NOEL.
NOEL: Kala ko ba,
malapit lang sa atin ang nagpaputok, bakit ba di niyo ma hanap – hanap? Galing
naman magtago ng pesteng yan!
MAPAPALUNOK SI GEN.
TAGLE.MABIBITIWAN ANG KUTSARITA.MAGSASALITA SI STELLA
STELLA; Oh.. Rolly
..Hon?.. okay ka lang ba? May sakit ka ba? Namumutla ka? May problema ba?
SASABAT SI NOEL.
NOEL: Wala naman pong
sakit si papa.. di niyo ba nahahalata? Masyado lang niyang iniisip ang nangyari
kay Christian? Right..Dad?Stress lang siya kung paano niya malulusutan…este
mareresolbahan..ang insidente…
MAPAPATINGIN AT
MASASAMID SI GEN. TAGLE.ANIMOY TINUTUYA SIYA NG SARILING KONSENSYA.
GEN. TAGLE: (NAUUBO)..HA..
excuse me.. pasensya na..
LALAPIT SI STELLA SA
ASAWA.
STELLA; Oh
hon?..sigurado kaba? Sigurado ka bang wala kang dinadala diyan?
HAHAGURIN ANG LIKOD NG
ASAWA.
GEN. TAGLE:Uh..uhm..ok
lang ako..nasamid lang ako.. Wagkayong mag-alala(halos maulol)
BIGLANG TUTUNOG ANG
TELEPONO.MAAGAW ANG ATENSYON NILA SA TUNOG.TATAYO AT KUKUHANIN NI STELLA ANG
TELEPONO.
STELLA: Hello? Tagle
Residence?
ON CALL:
QUEEN:Hello…Ma? Si
Queen po ito…(umiiyak).Dinala na po sa ICU SI Christian.He is now on Coma.
MABIBITAWAN NI STELLA
ANG TELEPONO.
STELLA: Rolly… ang anak
mo..si Christian.. he’s now on coma.
MABILIS NA MAG UUNAHAN
ANG LUHA SA MGA MATA NI NOEL AT GENERAL.LALAPIT SI NOEL AT GENERAL KAY STELLA.
YAYAKAP SA ASAWA.
GEN. TAGLE: God would
never cease to help us.Don’t worry.He’ll be ok
PILIT NA KAKALMAHIN NG
ASAWA SA NARINIG.BIGLANG MAG WO-WALK OUT SI NOEL AT TATAKBO PAPUNTA SA KWARTO
NITO.
TAGPO XII.
SA KWART NI NOEL.NAKAHIGA
SI NOEL.NAKATINGIN SA BUKAS NA BINTANA.PAPASOK SI GEN. TAGLE SA LOOB.
GEN. TAGLE: Noel,
anak.. alam kong masakit sa iyo at nasasaktan ka sa nangyayari, pero..isipin mu
naman na mas nasasakatan ako .Good thing na hindi mo pa sinabi sa mama mo ang
totoo.Natatakot ako na baka..(naudlot)
TATAYO AT SASAGOT SI
NOEL.NAKATALIKOD PA RIN.
NOEL; Na baka ano?na ma
disappoint sila sa’yo?Hindi ko na kayang magsinungaling pa kay ,mama..sasabihin
ko na sa kanya!(saktong haharap)
PAPASOK SI STELLA.
MARIRINIG ANG PINAG UUSAPAN.
NASA LIKOD NA NI GEN.
TAGLE SI STELLA.MAGKAKASALUBUNGAN NG TINGIN SI STELLA AT NOEL.MAGSASALITA SI
STELLA.
STELLA;Anong nangyayari
sa inyo? Ano itong kailangan mong sabihin sa akin Noel?(nakakunot ang noo)
SINIGALIHAN NG
MALALAKAS NA KABOG NG DIBDIB SI GEN. TAGLE SA PAGHAHARAP NILA AT NALALAPIT NA
PAGBUBUNYAG NG LIHIM.
MAGSASALITA SI GEN.
TAGLE.
GEN. TAGLE: Wala
stella! Ah…ahm… yung tungkol sa university nila…nais ka niyang I surprise
pa..para matuwa ka.(nauulol at pilit na tinig)
BIGLANG LALAPIT SI
NOEL.AT SISIGAW.
NOEL:(UMIIYAK)Anu ba!
Anu ba pa! tama na! tama na! Tama na yang mga palusot mo!STOP YOUR BLATANTLY
LIES!Yan lang ba talaga mahalaga sa’yo? Hah? Ang impresyon sayo ng pamilya
mo?Well, then.. hindi ka tunay na isang AMA! Wala kang kwentang ama! Di mo
kayang isaalang alang ang dignidad mu sa amin! Takot kang husgahan ka at
ipamukha sa iyo ang moral indignation!(humahagulgol)
YINAKAP NI STELLA ANG
ANAK.MASASABAY SA LUHA AT MAIIYAK DIN SI STELLA.MAGSASALITA SI STELLA.
STELLA:Ano ‘to
Rolly?..Tell me about what your son has exclaimed!
YUYUKO AT MAGBABAGSAKAN
ANG LUHA SA MGA MATA NI GENERAL.
GEN. TAGLE:Ako… a..
ko..(garalgal).
SASABAT SI NOEL.
NOEL; Come on pa! Tell
mom the truth!
GEN. TAGLE: No! this is
not the proper time!
NOEL: Proper time?
You’re waiting for the proper time?kailan pa? pag wala na si Christian?
BIGLANG AAKSYON SI GEN.
TAGLE NG SAMPAL.
NOEL;When will you have
the strength to overcome your fears and faults? Ituloy mo! Kapag may sapat na
dahilan ka na at support reasons para lilitaw na inosente ka?
YAYAKAP MULI SI STELLA
KAY NOEL.KUKUNOT ANG NOO.
STELLA: Rolly..what’s
this?Wag mong sabihing may kinalaman ka sa nangyari sa anak mo?(umiiyak)
YUYUKO SI GEN.
TAGLE.PAGDADAMBAHIN NI STELLA SI GEN.TAGLE AT PAGSASAMPALIN.
GEN. TAGLE: Yes! Yes! I
Do! I was merely involved on it. In fact ako mismo ang nagpaputok..
MAHIHIMATAY SI STELLA
SA NARINIG.MASASAPO NI NOEL ANG MAMA NIYA.
STELLA: What…?
NOEL: Ma..? wake up!
Wake up ma!(umiiyak)
LALAPIT SI GEN. TAGLE.
GEN. TAGLE: Stella?..
ITUTULAK NI NOEL ANG
AMA.
NOEL; Umalis ka dito!
Wala kang karapatang hawakan ang mama ko! How wretched am I, knowing that you
were one who fired the bullet that hit my brother. How dare you pa! GET OUT OF
HERE!
TAGPO XIII.
SA ISANG MUSIC
BAR.NAG-IINUMAN SI GEN. TAGLE, SPO3 AT SPO4 ROMEO.MAG-AALAS DIYES NG GABI.
TITIGIL SI SPO4 ROMEO.
SPO4 ROMEO:Sir… tama na
po! Nakakarami na po kayo..Baka di na po kayo makauwi…
GEN. TAGLE:No! No! I’m
not going home.Wala na akong mukhang maihaharap sa kanila.
HAHAWAK SA BALIKAT NI GEN. TAGLE SI SPO3.
SPO3; Sir! Di niyo
naman po kasalanan…Hindi…(mauudlot)
GEN. TAGLE: Hindi?
Anong hindi? Hindi ko kasalanan?So, what’s the point of going here and making myself
a foolish if I’m inocent?Eh..sira ka pala e!(lasing)
SUSUNTUKIN NI GEN.
TAGLE SI SPO3 AT BABALANDRA ITO.
AAWAT SI SPO4 ROMEO.
SPO4 ROMEO:Sir!...
sumosobra na po kayo! Kami nalang po nakakaintindi sa’yo, kami pa ang
mamaltratuhin niyo!
GAGANTIHAN NI SPO3 SA
KAWALANG PAGTITIMPI AT MATUTULOG SA SUNTOK SI GEN. TAGLE.
SPO3:Pasensya na Sir!
Kailangan ko lang gawin ‘to!.
DADALHIN NI SPO3 AT
SPO4 SI GEN. TAGLE SA KANILANG BAHAY.SAKTONG BABABA NA SILA NG MAHIMASMASAN SI
GEN. TAGLE AT BUMALIK SA ULIRAT.
PAIKA-IKANG BABABA AT
PAPASOK SI GEN. TAGLE SA LOOB NG BAHAY.MAPAPANSIN NIYA NA MALIWANAG ANG LOOB NG
BAHAY AT MARAMING TAO .
MAKAKASALUBONG NI GEN.
TAGLE SI QUEEN.
GEN. TAGLE;Queen,
darling.. where’s my hug? And what the heck are these people doing at my house?
SASAMPALAN SIYA NI
QUEEN.
QUEEN;Of all the
people! Bakit kayo pa! and look at yourself pa! Ikaw mismo sumisira ng buhay
niyo!You don’t even know that Christian has just passed away this afternoon…
MATATAUHAN MULA SA
PAGKAKALASING SI GEN. TAGLE.
GEN. TAGLE: What? Ano
sabi mo?
BIGLANG SASABAT SI
STELLA.
STELLA:Ba’t dumating ka
pa? kala ko naglayas ka na? Ang lakas ng loob mong magpakita dito! How can you
have the nerve to go here at my son’s burial if you knew you were the one why
his life ended so early?(mapapa hagulgol)
HAHAWAK SA PISNGI NI
STELLA SI GEN. TAGLE.
GEN. TAGLE:(
UMIIYAK)..I’m sorry..I can’t…pls. don’t make scandal here!
IAALIS NI QUEEN ANG
KAMAY NG AMA NIYA SA PISNGI NG MAMA NIYA.
QUEEN;In my whole
existence. I never intend to disrespect you.Dahil mataas ang tingin naming sa
inyo! Tama nga si kuya! You all knew and you only care about what people will
say about you! Ang mahalaga lang sa’yo ay ang mga karangalang sumabit sa leeg
mo!Masyado mo kaming ginawang mga stopped toy , stopped toy na niyakap yakap
nga at ni lilinis linis nga pero at the end of the day stopped toy pa rin,
stopped toy na walang pakiramadam kaya
naisip mong itago at hindi ibulgar ang katotohanan!
MAAGAW ANG ATENSYON NG
MGA NAKIKIPAGLAMAY.MAPAPALINGON LAHAT SILA.NANAKOT.NANUNUKSO.NANGHUHUSGA AT
NANLILIBAK ANG MGA TIBGIN NILA.
TAGPO XIV.
SA ETERNAL
GARDEN.UMAGA.BUROL NI CHRISTIAN.NAKAHARAP SA KABAONG NI CHRISTIAN ANG MAG
–IINA.WALA SI GEN. TAGLE.
STELLA:Mahal na mahal
kita anak! Pasensya ka na at sa ganitong dahilan lang at di mo na mtutupad ang
pangarap mo…..(humahagulgol)
NAKAYAKAP SI NOEL AT
QUEEN SA MAMA NILA.UMIIYAK LAHAT SILA.
NAILIBING SI CHRISTIAN.
AGAD SILANG NAG TUNGO SA KANILANG BAHAY.
TAGPO XV
SA HOSPITAL.NAHIMATAY
SI STELLA PAGKAUWI NILA NG BAHAY.NAKABANTAY ANG DALAWANG ANAK NITO.
QUEEN:Ma…okay lang ba
kayo?..Wag niyo po kaming iwan…
HAHAPLUSIN NI STELLA
ANG BUHOK NG ANAK.
STELLA;Hindi ko kayo
iiwan…malakas pa si mama..medyo nahilo lang ako.
BIGLANG PAPASOK ANG DOKTOR.
DOKTOR;Oh misis… gising
na pa kayo? CONGRATULATIONS!
MAGUGULAT SILA.
STELLA:CONGRATULATIONS?
Ano po ibig niyong sabihin?
TITINGIN LAHAT SILA SA
DOKTOR.
DOKTOR: You are 3 weeks
pregnant..kaya ka nahilo..
MAGKAKATINGINAN ANG
MAG-IINA.
STELLA;Buntis ako?..(hahawak
sa tiyan niya)
QUEEN; Ma… matutupad
niyo na pangarap ni Christian..Tiyak na matutuwa siya kung saan man siya
naroroon..
LALAPIT SI NOEL.
NOEL:Ma…kailangang
malaman ito ni Papa….
QUEEN:Kahit isang araw
palang hindi nakikita si papa na mimiss ko na siya…(nangingilid ang luha)
STELLA:Maging ako…di ko
matitiis ang papa niyo..namimiss ko na din siya…
MAGYAYAKAPAN ANG
MAG-IINA.
TAGPO XVI.
SA HARAP NG GATE NG
TAGLE’S RESIDENCE.BABABA SA SINAKYAN G KOTSE ANG MAG-IINA.NAKANGITI.MASAYANG
MASAYA DAHIL SA BALITANG BUNTIS ANG INA NILA.
QUEEN:Ako na po
magbubukas ng gate….
AALALAYAN NI NOEL SI
STELLA:
NOEL:Dahan – dahan lang
Ma…
NGINGITI AT TITINGIN SI
STELLA KAY NOEL.
STELLA:Kayooo…naman,
masyado niyo nakong ginagawang BABY..Kaya ko ‘to no…(malumanay ang tinig)
NOEL:At kung di lang
sana nawala si Christian…tayo na siguro ang pinaka masayang pamilya..
MAUUPO NA SILA SA
KANILANG SOFA.
QUEEN;Kanina ko pa po
tinatatawagan si papa…ngunit waring d niya sinasagot…kanina pang nasa sasakyan
tayo..kinakabahan ako kay papa…alam kong masakit sa kanya ang nangyari pero mas
alam kong mas masakit sa kanyang itaboy siya ng mga taong mahal niya…
NOEL;Alam kong may
kasalanan ako kay papa dahil pinagtaasan ko siya ng boses at hindi lang yon,
napahiya ko pa siya sa harap ng maraming tao..at sa buong buhay ko..ngayon ko
pa lang nagawa ang mga ganoon sapagkat lumaki kami sa piling niyang mapagmahal
at may takot sa diyos..(naiiyak).
STELLA:Masakit …sobra
…ang pagkawala ni Christian at pagtatago ng kinalaman niya dito…ngunit mas
masakit atang isipin kung di na natin siya makakapiling…kala ko matitiis ko
siya yet I can’t…
LALAPIT SA KUYA AT MAMA
NIYA.HAHAWAK SA KAMAY NG MAMA NIYA.
QUEEN:Hindi natin
masisi si papa kung umalis man siya ….
AAKBAY ANG MAMA NILA SA
KANILA.
STELLA: O ..Tama na
yan… kailangang mahanap muna natin ang papa mo….kahit nawala si Christian sa
atin may dahilan parin tayo upang magbatian ng HAPPY NEW YEAR…HAPPY NEW YEAR
MGA ANAK…..(MAPAPALUHA)
SASAGOT ANG MGA ANAK.
QUEEN:HAPPY NEW YEAR
DIN ma..
SABAY.
NOEL:HAPPY NEW YEAR DIN
ma..
ISANG KATOK MULA SA
PINTO ANG BABASAG NG DISKUSYON NILA.
QUEEN:Ako na po ma…
STELLA:oh sige anak…
MULA SA PINTUAN.ISANG
PULIS ANG PAPASOK AT PAGBUBUKSAN NI QUEEN.
SPO2:Good
Morning…nandyan ba ang MaMa mo?
QUEEN:Opo..tuloy po
kayo..
TUTUNGO SILA SA
KINAROROONAN NI STELLA.
QUEEN:Ma…hinahanap po
kayo..
STELLA:Maupo po kayo..
SPO2:Goood Morning
ma’am…may mahalaga lang po kaming sasabihin tungkol sa asawa niyo..
MAGKAKATINGINAN ANG
MAG-IINA.
STELLA:Anu pong tungkol
sa asawa ko…?
SPO2:Mag lilimang araw
na po ang nakararaan nang mabaril ang anak niyo ho.Napatunayan po kasi naming
na ang balang kumitil sa buhay ng anak niyo ay bala ng isang lisensyadong
pulis….
STELLA:Alam ko
po…Inamin na sa amin ng asawa ko..
SPO2:Ahh..ganun pu ba…
So, alam niyo na palang inosente ang asawa ninyo? Dahil ang balang kumitil sa
buhay ng anak niyo ay nagmula sa baril ng
isang pulis, baril ng pulis na naagaw ng isang nanghohostage at nagpaputok ng
ilang beses noong esksaktong araw ng bagong taon….
ANG MGA TINIG NG PULIS
AT ANG IMPORMASYON DALA NIYA AY TILA TUMUSOK SA KANILANG LALAMUNAN AT DI MAKAPAGSALITA.
MAGKAKATINGINAN ANG
MAG-IINA.LALAPIT SI STELLA SA PULIS.
STELLA:Diyos ko salamat
sa diyos….. at hindi ang papa mo…..(umiiyak)
NOEL;Si papa ay
inosente? Ahh…..
QUEEN:Inosente
siya?..oh ..GOD?
DALI- DALING
KAKALIBITIN ANG NO. NG PAPA NIYA UPANG TAWAGIN.
QUEEN;(NAKAHAWAK SA
CELLPHONE)..Papa..come on.. pls. sagutin mo..
BIGLANG SASABAT ANG
PULIS.
SPO2:Pasensya na po
pero wala po sa opisina ang papa niyo ..simula po nang mamatay ang anak
niyo..di na po naming siya nakita..
ISANG MALAKAS NA TUNOG
NG RING NG PHONE ANG AAGAW SA ATENSYON NILA.SA CR NG BAHAY NANGGAGALING ANG
TUNOG.
QUEEN:Ma…naririnig ko
po ang ringtone ni papa sa may banyo..
NOEL:So, ibig sabihin
nandito lang si papa…
STELLA:Naliligo lang
siya…
QUEEN:Ma…ba’t ayaw
sagutin ni papa…?
STELLA:Ha?...sige
…ituloy mu lang yan di tayo matitiis niyan ..kilala ko si Rolly.
BIGLANG SASABAT ANG
PULIS.
SPO2:Ma’am..ayoko pong
mag isip ng masama..Nagtext pos amin kanina ang asawa niyo,eto po yung huling
mensaheng ipinadala niya sa amin..
“Good Morning..Maraming
Salamat sa Lahat.Simula ngayon kayo na ang mag ti-take over ng trabaho ko…kung
ang pagkawala ko ang solusyon sa lahat ng problema ko gagawin ko…Hindi ko
kayang mabuhay kung wala ang pamilya ko..Sila ang hininga ko.Perform all your
duties and always be responsible…Huwag kayong tumulad sa akin … nag bulag
bulagan sa mga consequences na maari kong maranasan at ginawang bato ng mga
kumikislap na karangalan..”
SABAY NA BABASAHIN NG
TATLO ANG MENSAHE.MANGINGINIG SA TAKOT.MAKOKONSENSYA.KAKABAHAN.
QUEEN:No! No! That text
message is non sense…..no, no, papa wouldn’t do …
YAYAKAP ANG INA SA MGA
ANAK.
STELLA:Lakasan niyo
loob niyo…Si Rolly ay matapang….kilala ko siya(halos maulol)
TATAYO SILA AT LALAPIT
SA BANYO.BUBUKSAN NG PULIS ANG BANYO KUNG SAAN NARIRINIG ANG CELLPHONE NI GEN.
TAGLE.
TATAMBAD SA KANILA ANG
KATAWANG NAKASABIT NI GEN. TAGLE.GAMIT NIYA SA PAGBIBIGTI ANG LAHAT NG MEDLYANG
NAKUHA NIYA MULA SA SERBISYO
SPO2:Oh..God…..
MAGUGULANTANG AT
MAPAPALUHOD ANG MAG IINA SA MAKIKITA.
STELLA:Rolly….ba’t
mo..ba’t mo ginawa ‘to..!
QUEEN: I didn’t expect
na gagawin mo ‘to pa….
NOEL:Pa…..I’m sorry for
pushing you out of this…..
TATAWAG NG PULIS NA
KUKUHA SA KATAWAN NI GEN.TAGLE UPANG DALHIN SA MORGUE.NAKAUPO PA RING UMIIYAK
ANG MAG-IINA.
SPO1;Ma’am ..may sulat
pong nakasilid sa polo shirt ng asawa niyo…
SI QUEEN ANG
TATANGGAP.BABASAHIN NI QUEEN..
“Kahit hindi niyo na ko
bigyan ng maayos na libing..bilang kaparusahan ko…Nakita niyo ba ang mga
medalya ko?Sila ang ginamit ko para kitlin ang buhay ko dahil ang mga
karangalang ito ang kumitil sa masayang pagsasama natin at nanghamak sa akin na
huwag sabihin ang totoo.Ang mga karangalang ito ang pumatay sa akin….”
LALONG LALAKAS ANG
HAGULGOL NG MAG-IINA.IILAW NG MALIWANAG.WALANG MAAANINAG ANG MGA
MANUNUOD.BIGLANG LALABAS SA ENTABLADO ANG PAMILYANG TAGLE.NAKANGITI AT MASAYANG
MASAYA
“SI STELLA , SI NOEL SI
QUEEN AT SI BABY ROLLY JR”.
-------------------------------------------------WAKAS--------------------------------------------------------
Subscribe to:
Posts (Atom)